“*The Story of Us*”


Naranasan mo Na bang magmahaL?!
Pagmamahal na naghatid sa iyo ng kakaibang pakiramdam..yung hindi ka makatulog sa gabi kakaisip sa kanya kung ano ba ang ginagawa nya?!or kung nasaan sya?!kung sino ba ang kasama nya?!yung hinihintay mo syang magtxt ..at itatanong kung kumain kanaba?!i miss you..yung mag gogood morning sau sa umaga at higit sa lahat .. sasabihan ka palagi ng ILoveYou..
Naranasan ko yun Lahat.. at salamat at pinaranas nya sa akin iyon..sa kabila ng lahat ng aming pinagdaanan..Pero ako yung unang sumuko ..hindi ako lumaban,iniwan ko sya ng hindi nagpaalam..Nanghihinayang..nanghihinayang ang puso ko (hahaha..)!Habang isinusulat ko kase to naiiyak ako at naaalala sya.. kase naman lahat ng mga binigay at pinaranas nya sa akin..lahat ng kilig..lahat ng pagmamahal at lahat ng efforts na hanggang ngayon ay namimiss ko..Ay kayLanman..ay hindi ko na yun mararanasan pa !!!!!

Hi this is Jecca..and this is my friends Love story!ako lang yung nagsulat kinwento lang nya hahahaha)))pisz sau Ma friend ano man pinagdadaanan mo ngaun!tandaan mo andto ako.. ILoveYou muah!!!

***EpiLogue***

🎵Di bat sabi mo hindi mo ko iiwan
🎵Di pababayaan na akoy mag isa..
🎵Di bat sabi mo sabay tayong tatanda..
🎵Bakit bigla ka nalang nandiyan..
🎵Sa kabilang buhay…..!!!

Habang lumalakas ang hampas sa akin ng malalakas na hagupit ng hangin at ulan dulot ng napabalitang bagyo ay patuloy akong tumatakbo.. kaylangan kong makarating dun..
Kaylangan..

Kasabay ng paglagaslas ng ulan ay ang paglandas ng masaganang luha sa mga mata ko..hinayaan ko lamang yung tumulo..wala akong pakialam masayang man yun!atleast ibibigay ko ang mga luha ko sa isang taong karapat dapat..kahit na nga..puro sakit lang ang binigay ko sa kanya!

“,Hoy Miss..bumalik ka sa bahay nyo!lumalakas na ang bagyo!”,sigaw ng isa sa mga umiikot na rescue ng makita ako!Di ko pinansin.. mas lalong bumilis ang takbo ko!walang kahit na anumang bagyo.. o kahit na anong balakid ang pwedeng humarang sa akin,kelangan kong makarating sa pupuntahan ko..

“,May cancer si Jed..”,pinunas ko ang mga luha sa mga mata ko ng mag pop sa isipan ko ang pag uusap namin ng isa sa mga kaibigan ni Jed..”,hindi nya sinabi kahit na kanino,binantaan din nya ako na hwag kong sasabihin sayo..”,habang nagsasalita si Kim ay naiiyak na rin ito..
Hindi ako makakilos ng mga sandaling iyon..hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula dito..
“,Habang nakikipaglandian ka sa ibang guy,si Jed sa hospital araw araw ka nyang hinihintay..
Sa gabi bago sya matulog..at sa umaga pag nagigising sya.. tinatawag nya ang pangalan mo”,
Tuluyan na akong nawalan ng balanse sa narinig.. biglabg tumulo ang mga luha ko..
Napaluhod ako sa harap ni Kim..
“,Hindi ka nya niloko tulad na iniisip mo at ng mga kaibigan mo..hindi ka rin nya pinapamigay sa ibang lalaki..hindi sya nakipag break sayo para sumama sa iba ! Kundi ginawa nya yun alang alang sayo !!!”,lumakas ang iyak ni Kim pero mas malakas sa kin”,Alam mo bang ginawa nya lahat ng yun para sayo!..para pag nawala sya..atleast alam nyang masaya sya ka sa iba..di ba?!”,
Lalo pang lumakas ang iyak ko..wala akong lakas ng loob na sagutin siya..Si Jed.. iniisip ko sya sa mga oras na yun..
“,Habang.. habang masaya sya sa iba..naghihirap naman sya sa hospital!kaya anong karapatan mong umiyak ngayon!!”,sigaw nito!”,alam mo hindi mo deserve ang pagmamahal nya.. kasi hanggang sa huli..wala ka parin maga——!!!

Hindi ko na hinintay ang iba pang masasakit na salita ni Kim sa kin!tumakbo ako palabas kasabay ng malakas na ulan kahit pa nga hindi ko alam ang aking patutunguhan !!

Lahat ng hospital kung kelangan kong isa isahin gagawin ko..makita ko lang sya ulit!!

At narating ko nga ang hospital kung saan naroon sya..Pinagtitinginan ako ng mga taong nanduon..tumutulo ang basa mula sa aking suot!pero wala akong paki..
Tinanong ko sa nurse kung ano ang room number ni Jed.. pagkatapos ay tinungo ko iyon at nakita ko ang mama at papa nya..may mga hawak na rosaryo at bibliya.. Hindi ko sila pinansin….

Sumilip ako sa may pintuan at bigla kong natakpan ang bunganga ko ng makitang nagkakagulo ang mga tao sa loob!Nirerevive si Jed … andaming aparatu sa katawan nito at hindi man lang ito gumagalaw o dumilat manlang .. Tumulo na naman ang luha ko!.
Gusto kong sumigaw..humiyaw.. bakit..bakit..
..bakit wala ako sa tabi nya nung panahong naghihirap ito,bakit hindi ako dumating sa mga araw na hinihintay nya ako!bakit.. bakit hindi nya pinaalam ang sakit nya.. bakiiiitttt????!!!

Hanggang sa ang lahat ng tanong sa aking isipan ay biglang napawi ng magsalita nag doktor nito..

Time of death .. 8:15 pm..

At duon na nagdilim ang paningin ko ! ..

***Chapter One..( first meet)..
(This story happened back in 2005)..nilagay ko lang yung kanta...


ng Bandang Lapis sa unahan!
ahe..eto yung mga panahong loveletter palang ang uso at mga mayayaman palang ang may cellphone..eto rin yung taong sumikat ng husto sa pinas yung Meteor Garden hahaha…

Vacant period.. At kapag ganoon ang sitwasyon..lumalabas ang sungay naming tatlo ng mga kaibigan ko ..

Nilabas ko yung pocketbooks na di ko natapos basahin kagabi at nakatulugan ko..Kinuha ko yun sa bag at nag umpisang basahin yung itinupi kong parte nun..

“,Ano kaba naman Ella..pocketbooks nanaman,
“,puna sa akin ni Jecca..naglilinis ito ng kuko ng mga oras na yun..ang kaibigan naman naming si Iya ay nagsusulat ng love letter habang ang iba kong kaklase.. naglalaro ng text sa labas.. chinese garter at i love you tell a bid tell a bird (jumping roof..)

“,Konti nalang to matatapos na ko noh ..bago pa dumating si Mam”,nginisian ko sila ..
“,Ang hilig mo jan eh di hamak naman na mas gwapo yung Dao Ming Si ko keysa sa mga bida jan sa binabasa mo”,

“,Excuse me lang hah!”,napatigil sa pagsusulat si Iya”,mas gwapo si Hua Ze Lei noh!(ewan ko kung tama ba spelling haha)..Yang Dao Ming Si mo mayabang!walang ginawa kundi saktan si Sanchai..

Eto na..simula na ng World War ..

“,Eh keysa naman si Lei noh!sa sobrang bait nakakaboring na..”,
“,Atleast mas gwapo naman sya jan sa Dao ming Si moh!”,
“,Mas malakas ang dating ng badboy keysa sa goodboy noh!!mas ma appeal sila!
“,Pero sa empyerno mapupunta ang mga badboy!!!”,

Gumitna ako sa dalawa.. Ano ba?! Oo ngat magkakaibigan silang tatlo pero kapag napag uusapan ang Meteor Garden nagiging magkalabang mortal ang mga ito..Kaya nga wala akong favorite sa mga karakter ng sikat na drama na yun.. baka kase,sumama lang ang loob ng isa sa kanila.. (pero secret lang..mas bet ko rin mga badboy!)

“,Ano ba..tumigil na nga kayo!dinidistract nyo tong pagbabasa ko..maghahalikan na tong mga bida eh “,sabi ko tska binalik ulit sa pagbabasa ..

Bumalik na rin sa dating mood ang dalawa!
Okay..magkakaibigan na kami ulit..

Dumating ang lunchtime at dahil kami ang pinakapasaway.. kami ang nauunang lumabas!
Pumila agad kami sa canteen at syempre nauna na naman ako sa pila..

Habang hawak ang tray ng pagkain ay naghanap ako ng bakanteng upuan!Well madaming bakante pero mas pinili ko sa mas malapit sa may bintana para presko parin kahit may electric fan ..

Habang naglalakad ako nakita ko yung tatlong chakang babae sa section B..yung mga babaeng kalaban ng girl group namin nina Iya..
Syempre hindi mawawala sa istorya ang mga kontrabida.. pero pinaglihi ako sa katapangan at sinadya kong maglakad ng pakendeng kendeng pa sa harap nila ..

Pero diko napaghandaan yung sumunod na gagawin ng isang chakang babae.. Nilagay nya sa dadaanan ko yung isang mabaho nyang paa at pinatid ako ..

Pagkatapos ay nagtawanan na sila !

Oppsss!!

Tumalsik sa ere ang pagkaing inorder ko!
At bumagsak yun sa isang puting tela..

“,Damn!!”,narinig kong sabi ng lalaki..

Natutop ko ang bibig ng makitang bumagsak sa napakaputing uniform ang pagkain na inorder ko.. Dinuguan pa naman yun.. .

“,So..so..sorry”,hinging paumanhin ko sa lalaking natapunan ng pagkain ko..pero bat ba ako nagsosorry?!kasalanan to ng mga chakang girl na yun !!!

Hindi nagsalita yung lalaki ..
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan!alam ko namang matapang ako pero.. bakit ninerbyos ako .. dahil ba ..

“,Jed… Oooh!!”,napatigil ang ilang kalalakihan ng makita ang masaklap na sinapit ng uniform ni Jed.. si Jed,ang pinaka basagulerong estudyante sa campus namin,gayunpaman member ito ng varsity team sa basketball..
Nasa last section at may bali balitang hindi ito tumatanggap ng sorry kahit kanino!At pumapatol ito sa girls…

Kaya kinabahan ako!Hindi maganda ang reputasyon ng lalaking kaharap ko!mayabang ito at basta basta nalang nananapak!at panu kung sapakin nya ako?!No way… Baka masira ang ganda ko..

Pero kahit isa sa mga naiisip ko ay walang nangyari … Na ipinagtaka ng lahat,kahit sina Iya..

Tiningnan nya ako sa mga mata ..tapos ay umirap ! Naglakad pasulong at nilampasan nya lang ako ! Bahagya pang nagdikit ang mga balikat namin..

Napalunok ako!wala ba ito sa mood na pagsalitaan ako ng masama?!or..baka may balak rumesbak hindi nga lang sa araw na yun.

“,Jed.. ang dumi ng uniform mo wala ka bang gagawin?!*,”sabi ng isa sa kaibigan nito na nagtataka yata kung bakit hindi nya ako pinatulan..hmpmp!

“,Di bale na..itatapon ko nalang “,sabi nito at lumabas na ng canteen..mukhang wala na to sa mood kumain..

Sinundan ko sya ng tingin!
Hindi ako makapaniwala..

Habang naglalakad sya ay pinagmamasdan ko sya!maangas syang naglalakad..ang lahat ng makakasalubong nitoy iniiwasan ito!Magulo ang kulay brown nyang buhok at tumutulo pa ang pawis nya.. gayunpaman hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako na turn off!!!

***Ahu ! Inlove na kaibigan ko..

Abangan next Chapter..






Share On Whatsapp

"5" Comments
  1. ate anong chapter po ito diba po na pa stop LNG po kayo sa book 2 chapter18 bat po naisingit po nalilito po ako ehhh

  2. nest po

  3. Next po pls?

  4. next po

Leave a Reply


top