The Story Of Us**Book2**Part2


Chapter Three

Jedrian’ and KyLe..

Pagpasok ko sa kwarto tumambad sa akin ang makintab at kulay itim na gitara..may tatak yung bungo.. gitara yun ng mga rockstar,nkasabit yun sa may gilid ng pader.
Umarko agad ang kilay ko..so totoo nga ang sinabi ni Kyle na dito sya mag iistay sa bahay?
at no choice sya kundi ang makatabi ako sa pagtulog???!

Pag uwe ko ng bahay ito agad ang bubungad sa akin??

“,Hey cous…anjan kana pala?!”,paglabas ni Kyle sa cr sabi nya sa akin,nagpupunas sya ng basa nyang buhok..

“,Hindi.. kaluluwa ko lang to ;”,i said sarcastic..hindi ko talaga magugustuhan ang pinsan kong to!hindi ko alam pero hate na hate ko sya..

Umupo ako sa kama at nagsimulang magtanggal ng sapatos.. Napahinga ako ng malalim ng tumabi sa akin si Kyle.. bat ba ang hilig nyang makisingit sa tuwing may ginagawa ako?gusto ko sanang magprotesta kung bakit kaylangang sa bahay ko pa sya mag stay gayung kaya naman nya mag tent ng apartment kung gugustuhin nya,kaso wala nga pala akong energy.. nitong mga nakaraang araw palagi nalang sumasakit ang ulo ko hindi ko naman alam kung bakit ganun..

“TITA Zia said naman girlfriend ka raw?”, excited na tanong nya?!

Napatigil ako sa ginagawa.. so what?

“Ipakilaa mo naman sya sa akin para naman maagaw ko sya sayo.. “,ngumisi si Kyle ng nakakaloko.

Tiningnan ko sya ng masama..as if namang ipapakilala ko si Ella sa kanya,no way..over my dead body!!

Hindi ko sya sinagot..

Pagkatapos kung magtanggal ng sapatos nagtungo ako sa banyo upang mag shower keysa patulan si Kyle..pero makulit nga ito dahil di pa man ako nakakapasok ay sumunod na naman sya..

“, Maganda ba yung gf mo?sexy ba?magaling ba sya magluto???!”,

Galit ko syang hinarap..Hes Dead kapag nagsalita pa sya ulit!”,Shes perfect..”,proud kong sagot,totoo naman yun..para sa akin si Ella ang pinakaperfect gf na nakilala ko..wala ng iba pa man..

“,Well..kaya dapat pala mag meet na kami kaagad para maagaw ko sya sayo..”,

Nginisian ko sya ng fake!”,Subukan mo,manghihiram ka ng mukha sa aso”,ngayon palang gusto ko na syang sapakin..nakakainis ang mga mata nya!

Nanghahamon na nagtitigan kami ni Kyle..as if magpapatalo ang pure pinoy kung mga mata..

“, Ipakilaa mo sya sa akin..i bet one week maagaw ko ang gf mo….”,

“,You wish.. hindi pumapatol si Ella sa Isang virus na kagaya mo.. “,

“,Kung ako virus..ikaw naman bacteria!”,Kyle shouted..”,i bet my one month allowance,magiging akin ang girlfriend mo..kahit ano pa sya..”,

Nagtitigan kami,parang naninimbang..si Ella hindi sya bagay para ipusta,pero makikipagpatayan naman ako para manalo lang..but seeing Kyles determined eyes is parang gusto kong umatras..

“,Bakit wala kabang tiwala sa gf mo?!”,tudyo ulit ni Kyle..,”,tsaka isipin mo pabor to sayo,dito mo malalaman kung gaanu ka nya kamahal, come on Jed..kaylangan sa relasyon ang thrill para mas tumatag kayo.. kaylangan may ibang makisawsaw para malaman kung hanggang saan ang pagmamahal nyo sa isat isa..,,”,

Tingin ko may point si Kyle..
Lately sa relasyon namin ni Ella kontento na kami na kapag magkikita ay gumagawa ng intimate moments..text sa umaga,tanghali,gabi.. mag go’goodnight and iloveyou.. ganuon araw araw ang set up namin dalawa.. kung iisipin mo dahil paulit ulit lamang naman yun ay para ngang nakakaboring na..

Isa pa, pagkatapos ng pinagdaanan namin back in high school hindi ko pa rin sure kung pure nga ba ang pagmamahal sa akin ni Ella..
Or siguro dahil simula ng maging kami hindi nagkaroon ng ibang tao na sisira sa relasyon namin.. kahit pa nga away bati kami,pero what if nga tama si Kyle?na kaylangan lang ng ibang tao para malaman kung gaanu nya ako kamahal..

Alam kung unfair to kay Ella pero… “,DeaL!”,sagot ko kay Kyle..lumuwag ang pagkakangiti nya…I cant believe myself!

Pero sa kabila nun ang pag asang matatalo ko sya..no doubts alam kung mahal ako ni Ella at hindi mangyayaring ma fall sya sa kumag na to.!i knew Ella very well..mahal na mahal nya ako at ganundin naman ako sa kanya..kaya alam kung sa pustahang ito mananalo ako.

Ilalampaso ko si Kyle..at dudukutin ko ang blue eyes nya!at idodonate sa bulag hehehe!!

“Then.. anong bet mo?!”,Kyle asked..

Nag isip lamang ako saglit pagkatapos ay sinabi ko na sa kanya kung ano ang gusto ko
At kung anuman yun..kami nalang dalawa ang nakakaalam..

(MASARAP MAGMAHAL NG TAONG KAYA KANG IPAGLABAN..PERO MAS MASARAP PUMUSTA SA ISANG TAONG KAYA KANG IPANALO…)hanu dawww????!!

**
Ella’s POV..

“,BRUha..kumusta kayo ni Jed??”,

Palabas na ako ng apartment ng tumawag si Jecca,sa PNU sya nag aaral kaya hiwalay kami,
Si Iya naman di na nagtuloy mag college since nabuntis sya ni Mike..kaya hanggang call nalang kami.. ngayon lang ulit kami nagka usap ni Jecca dahil masyado kaming busy sa school..at busy ako kay Jed hehe..

Papunta na akong coffee shop,us usual..para magkape,kung malapit lang sana ang bahay ni Jed at di ako male’late ay araw araw ko syang dadalhan ng kape..kaso may kalayuan din,ayaw naman ni Jed na maglagi sa Apartment ko dahil magmumukha kaming mag live in tsaka isa pa ay baka pag di daw nakapagpigil si Jed baka mabuntis nya ako,so kontento na ako na pinupuntahan or inihatid nya ako sa tuwing miss namin ang isat isa..

“,Okay lang kami ni Jed”,sagot ko sa kabilang linya ..”,eh ikaw musta lovelife?”

“,Naku.. wala ako lovelife ngayon,wala namang wafu dito anchachaka eh!”,

Natawa ako sa way nya ng pagsasalita,kundi ko pa alam,may pagjatomboy itong si Jecca no wonder palagi itong binebreak ng mga nagiging bf dahil mas gusto yata nito ang mga girlalu..

Marami pa kaming mga nakakatuwang pinagusapan,mga pang ininsulto sa ibang tao..
Namalayan ko nalang nasa coffee shop na ako,mag oorder na sana ako ng favorite kung flavor ng biglang may naglagay na kape sa tapat ko .. eksakto yun sa favorite kong kape !

“,i guess may utang ako sayo.. “,

Napatingin ako sa boses ng lalaking naglapag ng kape sa harap ko..Nangunot ang noo ko ng mapagsino sya..Ah yung lalaking may kulay blue na mga mata at yung hinayupak na lalaking uminom ng kape ko..

Natatandaan ko sya nung last encounter namin,dahil nakonsensya ako binayaran ko nalang yung kape na ininom nya.. ah so ito ba yung sinasabi nyang utang nya??

“Hoy bruha..ano na???!”,

Nkalimutan kong nasa kabilang linya pa pala si Jecca”,Best.. mamaya nalang tayo mag usap may elyen kasi sa harap ko”,!binaba ko ang phone at narinig kung tumawa si Mr Blue eyes.

“Ang gwapo ko namang elyen..”,sabi nya..

Ngumiwi ako ..am presko ng hangin para akong nasa bagyo..

“,Here ..”,nilapit nya yung kape sa tapat ko.

Hindi ako nagdalawang isip na kunin yun,syempre may utang sya sa akin naniningil lang ako ..Tapos umorder din sya ng sa kanya..

Hindi ko nagawang magpasalamat as if naman noh,nakita ko na namang kinikilig yung cashier,nakakainis yung itsura nya!nagpapuso puso yung mga mata nya.. iwwww!titig na titig ito sa lalaking umorder.. pagkatapos nag decide yung cashier na sya na magbabayad sa kape ni Mr.Blue eyes,ito namang si lalaki gustong gusto!

I cant believe may mga lalaking nananamantala ng kahinaan naming mga babae!Wala bang baon tong lalaking ito at umaasa nalang sa libre?ay ewan!!!

Dahil diko na makayanan ang mga nakakasukang eksena,lumabas na ako ng shop,iinumin ko nalang sa daan tong kape..

“,HEY ..hindi ka manlang ba magpapasalamat?!”,

Ay kabayo.. muntik kong mabitiwan ang kape ng biglang sumulpot sa likod ko yung lalaki..ano ba ba naman to? pinaglihi ba sya sa kabute??tsaka bat ako magpapasalamat?kundi ko pa alam yung cashier ang nagbayad ng mga kapeng hawak namin..Nakokonsensya nga ako kung iinumin ko paba tong kape or itatapon na lamang..

Mas binilisan kong maglakad ..medyo natatapon pa nga yung kape sa kamay ko tiniis ko lang ang init nun,hindi ako pwedeng makipag usap sa ibang lalaki, only Jed..nagpapasalamat din akong magkaiba ang course at schedule namin ni Jed..kapag nakita nyang may bumubuntot sa aking ibang lalaki baka kung anu ang magawa nya..

Baka mapaglamayan agad tong lalaking to!

“,Hindi ka naman nagmamadali sa lagay na yan?!”,

Heto na naman sya..

“,Pasensya na.. natatae na ako eh !”,yun lang ang naisip kung dahilan..eh ano kung maturn off sya sa akin?diko naman sya kilala..

Narinig ko syang tumawa sa sinabi ko.. Kinilabutan ako..parang same sila ng nararamdaman ko kapag tumatawa si Jed..
Teka bat ba kaylangan kung magkumpara??

“,ILANG cr na yung nalampasan natin noh..”,

Totoo naman yun.. hindi talaga ako kahit kelan magaling magsinungaling “, mas bet ko sa room namin..namamahay tong pwet ko eh!’,”,

Humagalpak ulit sya ng tawa..”,You know...


what..i like you..”,

Napatigil ako sa panglalaki dahil sa sinabi nya..Ano daw?he like me?ginawa ko naman ang lahat para maturn off sya kaso mukhang mas lalo pa nya ako nagustuhan..

“,I like girls na direct to the point at hindi ikinahihiya yung mga lumalabas sa bibig niya”,

Ngumiwi akong muli..Kung alam lang nya na nagsisinungaling ako,sa totoo lang di naman ako naccr.. actually bago ako lumabas ng apartment nag ccr muna ako,gusto ko lang iwasan ang kutong lupa na to..Parang familiar sa feelings ko kay Jed ang nararamdaman ko sa kanya ..yung naiilang ka nga pero deep inside kinikilig ka naman..feeling ko tuloy nag’che’cheat ako kay Jed..at di yun maaari !

“,I think di ka naman comportable.. isa nalang titigilan na kita.. “,

Sa wakas nahalata nyang hindi ako comportable sa kanya.. atleast nag iisip naman pala sya..

“,Pwede ko bang kunin ang pangalan mo?”,

Ayy yun lang naman pala eh..

“,Jo..Jolina ang pangalan ko ;”,pagsisinungaling kung muli..Si Jolina Magdangal ang favorite kung artista eh tsaka sya yung unang pumasok sa isip ko kaya yun nalang..hehe!

Hindi na ako nag abalang hintaying magsalita sya..tinalikuran ko na sya at mabilis pa kay The Flash na lumayo sa kanya…

Maya maya nag text si Jed.. may sakit daw sya at di makakapasok,hindi din nya ako masusundo.. Kaya naman nagdesisyon akong puntahan nalang sya sa bahay niya pagkatapos ng shift ko,close naman kami ni Tita Zia at ilang beses narin naman akong nakapunta sa house nila kaya naman walang rason para di ako dun magpunta..isa pa may duplicate ako ng susi ng room ni Jed..

Isa pa nag aalala ako sa kanya, lately palagi nyang sinasabing sumasakit ang ulo nya,siguro dahil narin sa pagod..Sabay sabay kasi mga gingawa nya.. Basketball..study, Fraternity..at syempre ako,kaya naman bilang mabait na mamamayang Pilipino at dakilang girlfriend nya ay puntahan ko nalamang sya mamaya..vow!!

****
Kyle’s POV ..

Pagkatapos naming magpustahan ni Jed at sinabi nya ang pusta nya,pumasok na sya sa banyo.. dahil naintriga ako sa itsura ng gf nya na aagawin ko sa kanya ay parang magnanakaw na hinanap ko ang wallet nya..
Malamang may picture dun ang gf nya..

Nakita ko ang wallet nya sa bulsa ng pantalon.
Binuklat ko yun at nakita ko ang ilang pirasong perang papel ni Jed ..kumuha ako ng isang daan hehe,kahit matalo na ako sa pusta nakakupit naman ako..

Favorite si Jed ng lolo namin na galit na galit sa father ko..Magkapatid ang mama ni Jed at Mama ko,pero mas favorite ni Lolo si Tita Zia,nabuhay akong palaging ikukumpara kay Jed nuon,kaya naman pinangako ko ng lahat ng meron si Jed aagawin ko sa kanya..yun yung mga panahong bata pa kami at hindi ko pa naiintindihan ang lahat .. pagkatapos nagkahiwalay na ang landas namin ni Jed ng magkalabuan ang parents nya.. Nagkaroon ng ibang pamilya si Tito Emil kaya naman lumayo sina Jed .. simula nun diko na sila nakita,ngayon lang ulit.. kaya naman nung sinabi ni Mama na pumunta muna ako kela tita Zia hindi na ako nagdalawang isip pa kahit pa nga iniwan ko ang sariling buhay ko sa Manila,may sarili akong Banda sa manila na papasikat palang pero iniwan ko lahat yun dahil lang gusto kong matapos ang unfinished business ko kay Jed!

Sisirain ko ang buhay nya at hanggat buhay ako..hindi sya magiging Masaya !! Especially sa lovelife nya..

Nuong 8years old kami ni Jed nagkagusto ako sa isang babae na si Jed ang gusto,puro nalang si Jed!!!kahit sa pag ibig puro si Jed!

Ang sabi sa akin nung babae..Si Jed daw ang gusto nya,hindi nya alam kung bakit basta si Jed ang gusto nya.. pero si Jed walang paki sa nararamdaman nya..sabi ni Jed ayaw nya sa babaeng pangit at mabaho!hindi ko alam pero ako ang mas masaktan sa mga sinabing yun ni Jed..nakita ko kung paanu umiyak nuon yung babaeng mahal ko dahil sa sinabing yun ni Jed.
Kaya naman nuon nasuklam na ako ng husto sa pinsan ko..
Pagkatapos lumipat na sila ng bahay…

***
Pagkatapos kumg mangupit ng isang daan napansin ko ang nakaipit na litrato nuon..kinuha ko yun at nangunot ang noo ko ng makita ang litrato ng babae..yung solo nya yung hindi kasama si Jed..

The girl looks familiar..

Binuklat ko sa utak ko ang memory ko nitong mga nagdaang araw,i knew nakita ko na ang babaeng ito..

Nag isip akong muli at —-AHA; ! sa wakas naalala ko na..

Ito yung babaeng laman ng utak ko nuong nagdaang gabi!matapos ko syang makita sa coffee shop kung saan inagaw ko ang kape nya ay ewan ko.. napanaginipan ko na sya kinagabihan!.. sya kasi yung unang babae na hindi yata umepekto ang charm ko sa kanya.At kaya naman pala..

Isa na naman sya sa mga babaeng nagayuma ni Jed!Kundi ako nagkakamali sya ang gf ni Jed!

Biglang umasim ang mukha ko!Yung unang babaeng nakilala ko sa school at pinantasya ko na naman ay Girlfriend pa pala ni Jed?bat ba palaging may connect sa akin si Jed?

Ang bwisit na Jed na yan!sana malunod na sya sa Cr!!!!

Sinipat ko pa ang ilang mga pictures ng babae ..sabi ni Jed kanina Perfect daw ang gf nya,pero puro wacky naman ang mga nasa picture.. pero i cant keep myself smile kasi cute naman sya.. sinungaling si Jed,hindi perfect ang gf nya.. siguro mas perfect pa sya sa Perfect .. shes cute!

Ang swerte na naman ni Jed..
Bumaon muli ang inis ko kay Jed..pero mas naging determinado ang pusta ko! magiging akin ang babaeng ito kahit walang pustahan!!

At hindi na ako makapaghintay na makita syang muli.. alam ko yun!

Bago lumabas ng banyo si Jed kumuha ako ng picture nung babae..may tatak ang bawat picture sa likod na Jed love Ella..kaya sure akong Ella ang pangalan nya..

Nagnakaw ako ng isang picture at ibilnulsa yun,sa dami nun..alam kung di naman mahahalata ni Jed na nanguha ako..hehe!

Paglabas ni Jed ng banyo nagpa’pito pito pa ako kunwari ..kawawang nilalang walang kaalam alam sa ginawa ko!

***
Kunabukasan nakita ko si Ella papuntang coffee shop,sinundan ko sya ..naririnig ko ang usapan nila nung kausap nya sa phone wala silang ginawa kundi pag usapan ng nakakatawa ang ibang tao..

Untill inunahan ko sya sa pag order ng kape nya,alam kung hindi maganda ang unang pagkikita namin which is ininuman ko lang naman yung kape nyang inumin well gawain ko naman yun sa ibang babae,at dapat nga proud pa sya kaso parang nainis sya sa ginawa ko!
At sya ang unang babaeng nainis sa prescence ko..

Nilapag ko sa harap nya ang kape at agad naman nya yung kinuha,nag order ako ng sa akin at Binayaran yun ng cashier na patay na patay sa akin ..sa totoo lang walang dating sa akin ang cashier na yun kahit punong puno sya ng make up..

Hinanap ng mata ko si Ella.. palabas na sya ng shop,nagmadali ako upang abutan sya…

“,Hindi ka naman nagmamadali sa lagay na yan?”,tanong ko..na ikinagulat nya.. ang sagot nya ang hindi ko napaghandaan..ang sagot nya Natatae na daw sya.. Natawa ako,grabe naman tong babaeng to!ni hindi manlang sya nahiya sa akin . .Pero alam ko namang nagsisinungaling lamang sya,limang cr na kaya ang nalagpasan namin,alam kung umiiwas lamang sya sa akin.. pero nag eenjoy naman ako sa kilos nya, bahagya pang natatapon sa kamay nya ang ilang talsik ng kape dahil nagmamadali sya maglakad..ilang beses kong napansing napapangiwi sya sa sakit..pero hinayaan ko lamang sya!!
Pagkatapos sinabi nyang namamahay ang Pwet nya..

Duon na tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya..No wonder mahal sya ni Jed..dahil sa hindi nya pinag iisipan ang sinasabi nya..At para makasiguro na sya nga si Ella.. tinanong ko ang pangalan nya!nagulat ako ng sabihin nyang

JOLINA ang pangalan nya..

Bago pa ako nakapagsalita,mabilis na syang nakalayo..

Ah,may pagkasinungaling naman pala tong gf ni Jed.. mukhang hindi sya madaling mapanalunan ah, ngayon palang parang gusto ko ng umatras sa pustahan!Pero..naisip ko rin, mukhang mas magiging exciting ang buhay ko ngayon..

At dahil to sa babaeng yun..

Kay ELLA!

At kaylangan ko syang Makuha!!

*****!!

Hallah may eeksena pa yata haha!
Hoy Kyle Humanap ka nalang ng Panget na walang sabit ka’imbyerna ka hahahahah!!

Pa’comment naman po kung Team Jed kayo or Team Kyle.. pag di kayo nag comment diko to itutuloy hehehe .charrrr!!!

enewey hello readers…muah!






Share On Whatsapp

"14" Comments
  1. team jed

  2. grabe Ang ganda

  3. pls po next nakakaexcited po.

  4. Your Name Rhea

    pls po next

  5. Your Name Rhea

    team kyle.

  6. part 3 in book 2 pls…..thank u

  7. next part na po excited na ako sa pusta team Jed

  8. Hahaha!!

  9. ayy asawa ko pala ipupusta ko kay Kyle hehehe

  10. pusta ko pustiso ko kay Kyle hahaha

  11. Salamat po sa mga komento, kaya Lalo along ginaganahang magsulat dahil sa into eh.. ILoveyah readers!

  12. team jed next po please

Leave a Reply


top