The Story of Us*Part7*


Jedrian’s POV ( I hurt You But You Hurt me MoreπŸ’”πŸ’”πŸ’”)..

Shit!!

Pagbukas ko ng isang bote ng beer ay tumalsik ang laman nun sa sahig!

Inutil!sabi ko sa sarili habang pinupunas ko ang basang bahagi ng mesang natapunan nun,madali lang naman dapat sa akin na buksan nun ..Yah dati!nuong wala pang sugat tong isang kamay ko!

Napangiti ako ng mapait ng maalala yung nangyari sa amin ni Ella at yung dahilan kung bakit kahit bote ng beer ay hindi ko pa kayang buksan ngayon! Ilang araw na rin ang nakakaraan ng mangyari yun subalit ang kirot na sa kamay ko ngayon ay walang wala pa sa kirot nararamdaman ko ngayon!!

Nagtungo ako sa sala at duon pumwesto!kinuha ko ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa at sinindihan yun!

Uupo na sana ako pero naalala kong isindi ang casette na katabi ko.Hinanap ko ang pinkamalinaw na istasyon at agad na narinig kong mag play ang isang kanta na eksakto sa umpisa..

Now Playing : Bakit ba By:SiakoL…

Napataw ako,mas mapait keysa sa iniinom ko ngayon!sabi ng Lyrics ng kanta…

🎡Nag aaLiw sa usok at beer Lang
ang kasama..mas okay pang laging ganito
nalilimutan ka..
Hindi ko malaman sayo kung ano ang drama mo..bakit Lagi mo nalang sinasaktan ang puso ko..🎡🎡!

Natawa ako ng pagak sa narating!pati ba naman kanta nakikiramay sa nararamdaman ko!Tinungo ko ulit ang casette at pinatay yun,kundi ako makakapagpigil baka mabalibag ko pa yun .. eksakto kasi ang lyrics sa ginagawa at nararamdaman ko ngayon!

Umupo ako sa lapag sa halip na sa upuan..mas komportable ako sa ganun..Tumungga ako ng beer at gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero saglit lamang naman yun.!Ang sabi kasi nila mabisa daw panlunas sa sugat ang alcohol kaya heto…!naghahanap ako ng panlunas kaya ako umiinom ngayon,sa sobrang laki ng sugat sa pagkatao ko ngayon baka makailang bote pa ako ng alcohol na to.. pero who cares!

Yah!who cares!!wala namang may pakialam sa akin eh,….

At ilang araw naba nakakaraan simula ng araw na yun,isa..dalawa..ah panglimang araw na ngyon,pang limang araw ko naring di pumapasok sa school at pang limang araw ko na ring pinangmumumog ang alcohol! Pinagsasabihan ako ni Mama pero walang pumasok sa tenga ko isa man sa mga salita nya..

Ayuko ng pumasok sa school na yun!ayuko ng makita ang mga kaklase ko!ayuko ng magbasketball at higit sa lahat..ayuko na syang makita!i hate her..!

Naikuyom ko ang masakit kong kamao ng maalala ang mukha nya!Galit ako sa kanya!wala syang kwentang babae!madali lang sa kanyang manghusga..wala naman syang alam sa mga totoong pangyayari!nanghuhusga sya ayun lang sa nakikita nya o kaya naman ay sa naririnig nya!napakawalang kwenta nya!ah bwisit sya!!!

Tumungga ulit ako ng beer!Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa kabila ng mga salitang naiisip ko para sa kanya ay nag pop parin sa isip ko ang mukha nya!ang maganda nyang mga mata!nakakainis!i hate myself!hindi ako to,hindi ako to hindi ako si Jed,!hindi naman ako ganito dati wala akong pakialam sa ibang tao lalo na sa babae!hindi ako madaling maapektuhan sa presinsya ng isang babae dati,ngayon lang!at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at i hate it!!..

“,Bakit mo ba sya iniisip Jed??”,sigaw ng utak ko”,Hindi sya maganda!hindi sya sexy!marami pang iba jan!marami pa…. “,

Kung ganuon lang sana kadali na maghanap ng iba na mas maganda at sexy sa kanya,nuon ko pa sana ginawa,kaso nag iisa sya!Unang kita ko palang sa kanya gusto ko na sya!kahit naman iwasan kong mainvolved sa kanya ay hindi ki nagawa!kasalanan ko to,sana sa umpisa palang hindi ko na hinayaang mapalapit sa kanya..sana hindi ko nalang sya hinatid sana hindi ako sumusulpot nalang kung saan sya naroroon at sana .. hindi ko nalang sya nakitang tumawa!!tuloy ang hirap mag move on..

Haha!natawa ako!Move on??nakakatawang salita nag momove on ako sa isang tao na kahit kelan ay hindi naman naging kami?ni hindi ko nga rin sya matatawag na kaibigan na kundi lang sya tinawag sa canteen ng mg kaibigan nya ay diko pa malalaman na Ella pala ang pangalan nya!!! Anong klaseng tao ba ako?!

Nagsindi pa ulit ako ng sigarilyo,napuno ng usok ang buong sala.Bawal ako dapat nito eh,bawal ang beer at sigarilyo at kabilin bilinan ni Coach Andy na bawal ang bisyo sa sports ko pero matigas ulo ko eh,tsaka wala naman na mawawala sa akin eh,kahit matanggal na ko sa sports okay lang..dati naman ng patapon ang buhay ko!at na’realize ko yun sa mga salitang binitiwan ni Ella!Yah.. tama sya kulang nga ako sa aruga hindi ko ngarin malaman kung ano pa ang purpose ko sa mundo kung bakit pa ako nag eexist dito gayung wala namang tama na nangayari sa buhay ko! mabuti pa ang beer at sigarilyo dinadamayan ako!!

“,Nakakaawa ka.. “,nag pop ulit sa isip ko ang huling sinabi nya..pinigil kong maglandas ang mga luha sa mata ko,kapag tumulo pa yun dudukutin ko na ang mga mata ko!kapag kasi may luhang pumatak baka maniwala na ako sa sinasabi nya na nakakaawa nga ako.. pero sa totoo lang..

PAGOD NA PAGOD NA AKONG MAGPANGGAP NA MASAYA ..!!

Tapos nakahanap ako ng isang babaeng naging inspirasyon tapos anong ginawa nya? ininsulto lang nya ako,ang masakit tama ang sinabi nya!tama lahat yun,kulang ako sa disiplina!kulang ako sa aruga..kaligayahan ko ang manapak!nagpi’piyesta ang cells ko sa katawan kapag nakakasuntok at kapag may nahohospital sa mga nagulpi ko ay nagpapainoom ako,only because i am me!at walang kahit na sino ang makakaintindi sa akin,not even her..!..

“,Hey.. brokenhearted???!

Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nun ang pinsan kong si Jake..
May kasama itong dalawang magandang babae,sexy at mukhang model ng Ginebra San Miguel….

Pasimple kong kinusot ang aking mga mata.

“,Huwag mong isipin yun mahal ka nun”,lumapit si Jake sa akin at pinakilala yung dalawang magandang babae..

Few moments later.. nahanap ko ang aking sariling nakikipaglaplapan na sa isa sa mga babae..at pansamantala syang nabura sa isip ko..

**Chapter7 (Your the One Till I found another One)..

“,Hey give way the Diamond is on the Way..!”,
Nasa ground kami nuon at nagpapractice ng jingle namin para sa cheering kasi mag uumpisa na bukas ang inaabangan ng lahat!.
ang Intramsss……
Blue Team kami ngayon,red team kami nina Iya nuong nakaraang taon at tulad din ng dati ay sa volleyball ako sasali,si Iya ay sa badminton at si Jecca dahil may pagka boyish ay sa womens basketball.. Natatandaan ko nuong nakaraang taon...


nagkalat si Jecca sa court nuon.. tulad ko din ay pinatalo din ni Jecca ang buong team namin nuon,dahil nga sa mga babae ang mga kalahok ay di maiwasan ang kaartehan ..at isa sa mga babaeng maarte na yun ang di sinasadyang sumiko ng dede ni Jecca dahil bayolente si Jecca ay bigla nalang nyang sinugod yung kalaban at walang warning sign na sinabunutan nya ito..hindi natuloy ang game at nadisqualified ang team namin sa womens basketball… Kulelat din kami sa badminton at lalo na sa volleyball kaya naman kaylangan naming bumawi!!!

Nitong mga nakaraang araw ay naging busy na kami at pabor naman yun sa akin dahil hindi ko na gaanong naiisip ang mga nagdaang mga araw.. na ayuko na sanang maalala,!!..

Hindi ko na ulit kinulit si Alex pagkatapos ng pangyayari alam ko namang iiwasan nya lang ako.. at yung tungkol kay Jed,,,wala na rin akong pakialam sa kanya ! Kahit mamatay pa sya sa harap ko ngayon..galit na galit ako sA kanya!ayuko na sa kanya Period!simula din ng araw na yun diko na sya nakita pa,masaya naman ako dahil sa mga araw na yun ay naging maganda para sa akin.. Nag focus nalang ako sa pag aaral at sa ginagawa namin ngayon..

“,Kayong mga juniors hah!wag kayong magpapatalo sa ibang team,okay.. “,nasa harap si Iya at kinakausap kami at iba pang teammates namin mula sa first year hanggang sa kaming mga fourt year..”,

“,Mananalo tayo tiwala lang! fighting! “,Pagpapalakas loob ko..

“,Dapat lang noh..”,sapaw ni Jecca hiyang hiya na ako sa records nating puro kulelat!!”,..

“,Okay.. one round pa!!!”,.

Napatigil kami ng marinig ang tinig ng basketball coach ng varsity..Nag ja’jogging sila sa gilid ng groud..kalahati ng mga kababaihang estudyante sa gitna ng ground ay nakuha nil ang atensyon…

“,Hoy focus! focus! eto na nga ba ang sinasabi ko eh!”,reklamo ni Iya at sinasaway ang mga juniors na kinikilig sa mga member ng basketball player na dumaan sa harap namin..

Sinundan ko ng tingin ang mga players….
Gusto kong sawayin ang aking sarili dahil nakuha nila ang atensyon ko,wala naman na ako dapat pakialam pa sa kanila pero sabi ng puso ko..lingunin ko sila.. Siya !!!

Kaso nadismaya lang ako ng makita kong wala ni anino ni Jed ang naroon!..

“, Hoy ..”,tumabi sa akin si Iya at Jecca,pinaalis na nila yung mga pasaway na juniors..mukha mas nagfocus pa sa mga gwapo keysa sa sinasabi nila,pag ganun sila bukas siguradong kulelat na naman kami “,hinahanap mo sya??!”,

Pinanlakihan ko ng mata si Iya..”, Hah hindi noh,bat ko naman sya hahanapin yung mayabang na bwisit na yun no——!!!”,

Humakhak si Iya “,relaks.. masyado mo namang pinapahalatang namimiss mo sya eh wala naman akong sinabing pangalan..”,..

Ngekkk!! pinamulhan ako ng mukha..

Sumandal sa likod ko si Jecca”,aminin mo na kasi,type mo si Jed???,”mas brutal naman to magtanong.

“,Sino?ako no way !!! Pakialaman ko dun!at bakit ko sya magiging type?walang maganda s katAngian nya noh”,of course it was a lie 100 percent Lie..

Humarap si Iya sa akin..”,sure ka ba dyan?kasi may chika minute ako sayo..”,

Naintriga ako..ano na naman kaya yun..si Jecca naman kaya ang kapalit ni Kris ngayon?

“,Pero gusto ko munang malaman na talagang wala kang gusto kay Jed..”,..

“,Wala nga!”,i yelled..

“,Hindi mo sya pinagpantasyahan kahit isang gabi lang??”,..

No!

Hindi mo sya hinahanap sa gabi?

No!

Hindi mo namimiss ang prescence nya?

No!

Hindi ka kinikilig kabang nakikita sya?

Hell No!

Wala kang nararamdaman kapag nakikita mo syang nakangiti??

No!!!!No!No! Kung may lie detector test mAn,siguradong bagsAk na ako sa unang tanong palang !!

“,Isa pa sasabunutan na kita,*,,”banta ko!
Nagkatinginan sila ni Iya pagkatapos ay nakangisi na humarap sa akin”,so ano nga yung balita???”,

“,Fasten your seatbelt dahil im sure dika maniniwala sa sasabihin mo!”,

“,Patay na si Jed?!”,

“,GagA hindi noh!oh heto na sasabihin ko nah!!

MINEKANIKO NI MONICA ANG PUSO NI JED!

“,Ano daw??!”,bigla akong napahalakhak sa pag duet nila hindi ko naintindihan yung sinabi nila!!

“,Okay uulitin ko.. “,tumayo si Jecca at madamdaming sinabi ang mga katagang—-!!!

SI MONICA ESPIRITU AT ANG ISANG SIKAT NA BASKETBALL PLAYER NA HOT AT GWAPO NA ITAGO NATIN SA PANGALANG JEDRIAN SANTOS AY NAPABALITANG NAG’DE’DATE!!!!

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jecca sa tenga ko! paulit ulit yun!parang sirang plaka… Feeling ko nga nasira na yun!Nakatunganga ako at di ko alam kung anong ekspresyon ba ang uunahin ko.. ! Hindi ko alam..parang biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa narinig–++++!!

“,Glad wala kang reaksyon!meaning wala ka talagang gusto sa kanya,proud ako sayo betfren..’,dinaluhan ako ng dalawa.Syempre anu ba ang dapat kong maging reaksyon?alangan namang magwala ako sa ground isa pa wala na ako pakialam sa lalaking yun diba?kahit magpakasal pa sila ng Monica bla bla bla na yun baka magpresinta pa akong mag ninang noh!tseeee??!

“,Hoy bruha san ka pupunta?!”,.

Namalayan kong tumatakbo na ako papasok sa room at dumiretso ako sa banyo.Pagkasara ko ng pinto ay sinandal ko ang likod ko duon,
hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon..

Chineck ko munang nakalock ang pintuan Pagkatapos ay nag walling ako,nag emote,!!
After ng ilang sandali..namalayan kong tumutulo na ang luha ko… Umiyak na naman ako dahil sa kanya,pero sa kabilang banda ay masaya ako sa kanya..nanghihinayang nga lang ako, nagsinungaling ako sa mga sinabi ko kela Iya na kahit kelan hindi ko hinahanap ang prescence nya.. kasi ang totoo!

MISS NA MISS KO NA SYA!!WAHHHHH!!!!

ILang araw ko na syang di nakikita,nagsisi naman ako sa mga Pinagsasabi ko sa kanya dahil alam kong wala naman akong karapatan na insultuhin sya..Nagalit lang din ako sa kanya kasi nga napahiya ako!hindi yun matanggap ng pride ko..kaya naisusumpa ko sya gabi gabi pero.. sa kabila nun ay ang pag asam na makita ko sya ulit,na maging okay kami,na kahit isnob pa nya ako maghapon ay okay lang atleast nakikita ko sya..na okay lang makita syang nakikipag away..kasi yun sya eh,sya si Jed!yung nakilala kong Jed!yung basagulerong Jed!

Napasubsob ako sa palad.Nakakalungkot isipin na habang iniisip ko sya gabi gabi ay hayun—–masaya sya sa piling ng iba!!Ah congrats nalang sa kanila…

“,Hoy Ella ano ba lumabas kana dyan!na’e’ebak na ako ano ba??!”,..

Naiinis akong lumabas ng Cr ng marinig ko ang boses ni Jecca,kahit kelan naman si Jecca panira ng moment eh ….

Nilisan ko ang Cr at naiwan duon ang mga katanungang …

Bakit Jed? Bakit ????!!!

**
Sino po dito nakabasa ng Paubaya*Love Story ni Missy at yung My Charming Bestfriend??!haha diko na naituloy mga yun since nag focus na ako dito..

Amh,wala lang na share ko lang 😘😘😘!!






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Margie Asuncion

    next episode pls..chapter 8

  2. please ituloy niyo yung may charming bestfriend

Leave a Reply


top