The Untold Story Of Rapunzel


The Untold Story Of Rapunzel”
By: Ken Anderson
[Read Carefully]
***********************
“Ma? Bakit gugupitan mo na agad yung buhok ko? ang ikli pa nga eh, si Rapunzel nga ang haba-haba ng buhok pero hindi ginupitan.” Maktol ng anak ko.
“Huwag kang maingay ayaw kong nakakakita ng may mahabang buhok!”
“Eh? Sige ma kwentuhan mo nalang ako tungkol kay rapunzel para naman ‘di ako mabagot habang ginugupitan.”
“Sige anak magkwekwento ako… Alam mo bang hindi totoo ang nakikita mo sa pelikula tungkol kay rapunzel?” Pagsisimula ko.
“Bakit ma? Pano mo nasabi?” Takang tanong nang anak ko.
“Eto ang totoong estorya ni Rapunzel… Siya ay hindi nakakulong sa isang tore, bagkus siya ang may ari ng toreng ‘yon ang kanyang nanay-nanayan na kumuha sa kanya sa loob ng palasyo ay mabait talaga, itinuring siya nitong parang tunay na anak, ngunit no’ng siya’y nagdalaga’y biglang nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang nanay-nanayan dahil ginupit nito ang mahabang buhok niya,” kuwento ko sa anak ko.
“Luh ma? bakit parang ang sama naman niya, parang ginupit lang yung buhok niya,”
“Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang pagbabago ni Rapunzel, Pinatay niya ang kanyang nanay-nanayan gamit ang gunting na ginamit pang gupit sa kanyang buhok, sinak-sak niya ito nang walong beses… ginupit niya rin ang buhok nito hanggang sa makalbo na at pawang anit nang buhok nalang ang natira. Nilagay niya sa isang salamin ang buhok niya at ng kaniyang nanay-nanayan.” Salaysay ko.
“Nakakatakot naman ma!” Kita ko ang panginginig ng anak ko dahil sa kinekwento ko.
“At hindi pa diyan natatapos ang kwento niya. .Nakilala pa niya ang isang binatang naligaw sa kagubatang...


kanyang tinitirhan, si Eugene. Trinato niya ito na parang nobyo ngunit dahil sa pinakialaman ni Eugene ang buhok na nasa loob ng salamin, ang buhok ni rapunzel at ng kanyang nanay-nanayan, pinatay niya rin ito gamit ang gunting, isinilid niya ang katawan ni Eugene sa isang sako at itinapon sa ilog maging ang buhok nito’y kinuha ni rapunzel at isinilid rin sa loob ng salamin.”
“Maaa! nakakatakot na!” Sigaw ng anak ko ngunit ngumisi lamang ako.
“Shhhh! Hindi pa tapos ang kwento!” Sita ko sakanya saka itinuloy ang pagkwekwento. “Pagkatapos niyang patayin si Eugene, Sumakay naman siya ng kabayo para puntahan ang kanyang tunay na mga magulang para patayin rin, kinuha niya ang mga buhok nito isinilid rin sa loob ng salamin, sinak-sak niya rin ang mga ito ng walang kaawa-awa at hanggang Ngayon patuloy paring nangongolekta si Rapunzel ng Buhok upang pagtagpi-tagpiin ang mga ito’t gawin sariling buhok niya.”
“I-Ibig sabihin ma! buhay pa si Rapunzel?” Takot na tanong ng anak ko, Nginisian ko naman siya saka tumango ng makahulugan.
“Buhay na buhay pa si Rapunzel anak! Dahil ako at si Rapunzel ay iisa.” Kasabay ng pagbigkas ko ng mga katagang ‘yon ay ang pagsak-sak ko sa kanya ng Gunting hawak ko nang walong beses. Ginilitan ko rin ang leeg niya at Ginupit ang buhok sabay isinilid sa loob ng salaming lalagyan ko ng mga buhok!.
“HA-HA-HA-HA-HA! Hindi ko akalaing magkakaanak kami ni Eugene ngunit pasensya na anak, kailangan kitang patayin alam mo na ang sikreto ko! Gaya ng tatay mo HA-HA-HA-HA!” nababaliw kong tawa.
At dahil alam mo na ang sikreto ko… isusunod na kita!
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top