“let me take the wheel. ” ani Alexa pag dating nila sa Parking lot.
“Oh. ” masama ang loob ni Jiro nang iabot nya ang susi sa dalaga, padarag syang sumakay dahil pakiramdam nya ay natatapakan ang pride nya sa pag trato ng babae sa kanya.
“Wear your Seatbelt, ipapakita ko kasi kayo kung paano maging blurr ang paligid kapag ako ang kasama mo. ” nakangising ani Alexa tsaka pinikitan si Jiro gamitang isang mata nya *Wink
Pero hindi sya pinakinggan ng binata, nag cross arms ito at prenteng naupo.
“sige ikaw bahala kung ayaw mo. ” Nag kibit balikat si Alexa tsaka binuksan ang Engine ng kotse.
*Broooom! Brooom!
Kinabig nya ang kambyo ng kotse tsaka walang kagatol-gatol na pinatakbo ito.
Sinuot ni Alexa ang Sunglass na kanina ay hinubad nya dahil sa pag papalit ng damit nya ayon sa kagustuhan ng lalaking kasama nya.
Napakapit si Jiro sa gilid ng upuan ni Alexa habang ang isang kamay nya ay nakatuon sa salamin ng bintana at tila na sorpresa sa bilis na kayang ibigay ng kotse nya.
“A-ano ba! wala na bang i-ibabagal to! ” sumisigaw na aniya dahil sa napaka bilis na pag mamaneho ni Alexa.
“Sinabi ko na sayo mag seat belt ka. ” tatawa-tawang saad ng dalaga, ikinabit nito ang Earing Bluetooth sa tainga nya tsaka binuksan ang phone nya sa gitna ng pag mamaneho nito.
“Hello? “saad ng dalaga, ” ibagsak mu yung gamit ko sa building 300 kilometer ang layo mula sa kinalalagyan ko. In 10 minutes dadating ako. ” aniya tsaka pinatay ang linya. Sinwipe nya ang phone nya at napunta ito sa Gps, tama ang kalkulasyon nya tatlong daang kilometro ang layo nya sa building na tinutukoy ni Borex kaya’t lalo pa nyang pinabilis ang kotse dahilan para umagos ang kaunting luha sa gilid ng mata ni Jiro dahil sa hangin na dumadaan sa bukas na bintana ng sasakyan.
Sa kabilang banda ay panay ang pagtatago nang tatlong Agent mula sa phoenix dahil sa pag papaulan ng bala, may maliit na tama si Amoriz sa braso pero nanatili sya sa tabi ng matandang Vergara.
“Captain! Matagal pa ba ang hayop na babaeng iyon? ” nawawalan ng pasensyang saad ni Amoriz dahil sa iniindang sakit, maya-maya ay nag ring ang phone nito.
“paakyat na ko ng Elevator at isusunod kita kapag nakita kong humihinga ka pa. ” kalmado ang boses ni Alexa mula sa Linya tsaka ito namatay.
Hindi makapaniwala si Amoriz sa pangyayaring iyon. ”Paano nyang nalaman na sya ang tinutukoy ko? ” naibulong nya.
“Baka nalilimutan mong Kapitan ng Alpha ang Hayop na tinutukoy mo. ” nakangiting saad ni Kevin.
Mula sa Elevator ay hawak-hawak ni Alexa ang mahabang Attache case na kulay itim, habang hawak naman ng kaliwang kamay nya ang kamay ni Jiro.
“Hoy manang kailangan ba talaga to? ” angal ni Jiro at kinailangan pang itaas ang kamay nilang magkasalikop para ilarawan ito.
“Wala ka namang Girlfriend kaya ayus lang yan, isa pa mahihirapan ako kapag nasaktan ka. ”
Hindi talaga mahulaan ni Jiro kung nababaliw na ba sya dahil dalawa ang nagiging kahulugan ng bawat binibitawang salita ni Alexa. “Manahimik ka dahil tungkol sa trabaho ang sinasabi ko. ” naging malinaw kay Jiro ang tanong sa isip nya matapos iyong sambitin ng dalaga. “Nandito na tayo.”
Kalmadong naglakad si Alexa palabas ng elevator, ang ilang mga Staff ng Building na pinasukan nila ay nakatanaw sa kanila pero binaliwala lang iyon ni Alexa sa halip ay pumasok sya sa VIP room na nirentahan nya sa loob ng tatlong oras.
Nilock nya ang pinto ng kwarto tsaka nag alis ng long sleeve dahilan para mataranta si Jiro.
“Napaka Dugyot mo Talaga !” galit na namang anito tsaka pumikit.
“Naka sando ako. ” aniya. “Hwag kang umasa na ipapakita ko ang katawan ko sayo, kapag kasi nangyari yun tyak na katawan ko ang pinaka magandang makikita mo sa kahuli-hulihang hininga mo. ”
Idinilat ni Jiro ang Mata nya at kaagad na napako ang paningin nya sa Colar bone ng dalaga, pero kaagad nya ding inalis iyon nang magka salubong ang mata nila.
Ipinatong ni Alexa ang Atache case sa kama tsaka ito binuksan, napa maang si Jiro matapos nyang makita anf laman noon.
Suot ang puting sando na kadoble ng Long sleeve nya ay isinuot nya ang Patigue na Choleco, kinuha din nya ang Isang Bulletproof na Vest tsaka iyon hinagis kay Jiro.
“Isuot mo, hindi ko kayang maging panangga kapag nakikipag barilan ako.”
Napalunok si Jiro sa kaba, ‘talaga bang makikipag barilan...