THE WILD SILENCE CHAPTER TWENTY ONE


📍JIRO📍
Kaysa maburyong ay nagdesidyon akong aliwin ang sarili ko na tumungo sa dagat, binuksan ko ang pinto palabas pero hindi ako nakagalaw.
Matinding kaba ang lumamon sa’kin kasabay nang pagaalala, nanghihinang ngumiti sa’kin nag sugatang si Alexa.
“Kamusta. ” aniya pa kasabay ng pagbagsak nya sa balikat ko.
“A-alexa…Alexa! “saad ko tsaka ko pa bahagyang niluglog ng balikat nya pero lalong dumagundong ang kaba ko nang nahawakan ko ang sugat sa braso nya. “alexa….”nang gilid ang mga luha ko at nagmadali na buhatin sya, tumulo ang luha ko nang hindi sya dumilat.
Malalaking hakbang ang pinakawalan ko at diniretso ko sya sa kwarto ko. “Daddy! Daddy! “narantang saan ko. ” Daddy! ” ulit ko pa, hinalughog ko ang buong bahay hanggang sa natagpuan ko sila sa likod, halos mapaluhod ako nang makalapit sa kanila at ganun na lang kabilis ang naging pag agos ng luha ko
“Daddy! Si Alexa daddy! Iligtas natin sya! ” umiiyak na saad ko, napatayo si Daddy at alalang-alala sa’kin. “Daddy! Tumawag ka ng doctor baka mapahamak si Alexa daddy! ”
Niyakap ako ni Daddy at pilit na pinakalma, ” She’ll be okay son don’t presure your self too much. ” ani Daddy nang matapos ang pagtingin ng doctor kay Alexa.
“Malalim na sugat po ang tumama sa kanya, ano po ba ang nangyari? Mainam po sana na maisangguni ito sa mga nakakataas. “suhestyon ng Doctor.
“No, “kaagad na sagot ni Captain Borex. “Agen’t kami mula sa pinaka mataas na Samahan.” ipinakita ni Borex ang I. D nya. “kaya’t hindi na kialangan pa.”
Tumango naman ang doctor.” umaasa ko na ililihim mo ito Doc Pasco.” ani Daddy.
Tumungo ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo na syang ipinamumunas ko kay Alexa, nagluto na rin ako ng pagkain kung sakali na magising sya.
“alam mo ba, gustong-gusto na kitang makita, pero hindi naman sa ganitong paraan alexa. ” bahagyang pumiyok ang huling linya ko dahil muli kong naalala ang itsura nya kanina. “sa totoo lang ay ayokong nalalayo ako sa’yo, pakiramdam ko kasi ay palaging nasa panganib ang buhay mo, Noon ay ayoko nang mabuhay dahil ganito ang pagikot ng mundo ko palagi akong itinatago, palaging itinatakas pero...


mula nang dumating ka ay nawala ang mga pangamba ko.” napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman ko. “pero kung dahil sa’kin ay palagi mong sasapitin ito, ano pa ang dahilan at kailangang mabuhay ako. ” umagos ang luha ko matapos ay hinagkan ko ang likod ng palad nya. ” magpahinga ka.” paalam ko tsaka ko dinampian ng halik ang noo nya.
Binitiwan ko ang palad nya pero hindi iyon humiwalay, sa halip ay lalong humigpit kaya nilingon ko si Alexa.
Unti-unting dumilat ang mata nya, napahikbi ako.
“*sob.. *Sob.. H-hindi mo ba alam kung gaano ko nag alala sa’yo? ” umiiyak na saad ko, wala akong pakialam kahit pumangit pa’ko.
“Sino ba may sabi sayong mag alala ka? ” natatawang aniya.
“napaka sama mo.”saad ko tsaka pinahid ang luha sa pisngi ko gamit ang kabilang braso ko. “wala ka ba talagang pakialam sa felli- – -” hindi ko naituloy iyon nang dumampi ang labi ni Alexa sa labi ko, hirap man ay pilit nyang inabot ang labi ko.
“kung wala akong pakialam eh di sana wala ako dito ngayon. ” aniya nang ihiwalay ang labi sa’kin, pero wala akong nasabi dahil nakatulala ako.
‘to.. Too bang… Hinalikan nya ko? ‘
“Hoy! “masungit na aniya, napangiti ako tsaka sya niyakap.
“Miss na miss na miss kita.. “saad ko tsaka pilit na isiniksik ang mukha ko sa balikat nya.”Mahal kita.. Parang… Mamamatay ako kapag nawala ka. ” bulong ko sa kanya, naramdaman ko ang isang braso nya na yumakap sa likod ko.
“Hindi ako mawawala, pangako. ”
Iniangat ko ang paningin ko, tsaka ko dahan-dahang inilapit ang labi ko sa kanya hindi tumutol si Alexa sa halip ay pumikit sya kaya bahagya akong napangiti, nang magdampi ang labi namin ay inisip kong hanggang don lang yon at sandali lang pero may nagtutulak sa’kin na hwag kong pakawalan ang labi ng babaeng ito kaya’t lumalim pa iyon na tila ba may Ritmo kaming sinasabayan na nagdudulot sa’kin ng kakaibang kuryente.
Nagtagal pa iyon ng ilang segundo at ngayon ay iba na ang aking pakiramdam, iyong pakiramdam nang kasiguraduhan..pakiramdam ng sumpaan at higit sa lahat ay pakiramdam ng puno ng pagmamahal, ‘Mahal na ako ni Alexa iyon ang nasisiguro ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top