The_lost_daughter Chapter_11


Nang makita ko ang malaking apoy at usok ay naisip ko agad si Inay.
Agad ako tumakbo para puntahan si inay,kaso pinigilan ako nang mga pulis at fireman.
Inay!! Inay! Sigaw ko bitiwan niyo ko.
Kailangan ko iligtas ang inay ko,humagolhol nku sa iyak.
Matapos ang isang oras napigilan na nga ang apoy,agad ako lumapit sa mga pulis at fireman.
Pero nanghina ako nang lumabas ang mga ito na may binuhat na bangkay na tinakpan.
Unti unti akong lumapit para tingnan kung sino..
Nakita ko si inay!
Inay sigaw ko,patawad hindi ko kayo naligtas.
Patawad kung natagalan,ako nang uwi..
Inay panu nku ngayong ako nalang mag isa inay.
Ano gagawin ko inay,patuloy sa pag agos ang mga luha ko.
Natigil ako nang may isa pang nilabas na bangkay,at sumunod nito si aling carina na umiiyak,at lumapit sakin.
Kung di tinawag nang nanay mo ang anak kung si sofie,siguro buhay pa ngayon ang anak ko,hagulhol nitong iyak..
Aling carina bakit naman pinatawag ni inay si Sofie,agad kung tanung..
Manghihiram daw nang ballpen inay mo, kaya tinawag niya si Sofie habang nag aaral..
Kaya pumunta si sofie sa bahay niyo para ipahiram ang ballpen.
Si sofie ay 16 year old pa lang ito at nag aaral pa sa koliheyo,dahil sa nangyaring ito ay diko mapigilan ang sarili na sisihin.
Kung umuwi lang sana ako nang maaga,maliligtas ko pa sana si inay,at wala sanang mangyayari kay sofie,pero hanggang pagsisi na lang ako dahil huli na.
Dahan dahan ako pumasok sa loob nang bahay namin,na ang ibang parte ay natipok na nang apoy.
Umaagos ang luha ko habang iniikot ko ang mga mata ko sa loob nang bahay,na noon lagi kung nakikita si inay na nakahiga o nakaupo.
Ngayon ay diko na masilayan kahit kailan..
Hanggang ala-ala na lang.
Kinuha ko ang isang kahon,kung saan nakalagay ang mga gamit ko nung napulot ako ni inay.
Kinuha ko ito at niyakap habang humahagolhol nang iyak.
Inay panu naku ngayon…
Isang linggo ang nakalipas ay nalibing na nga si inay,hindi muna ko nagtrabaho at nag mukmok muna sa isang sulok nang bahay nmin.
Pinuntahan ako ni Cynthia..
Chuchay ano ka ba,malulungkot si inay mo.


/> Pag lagi ka niyang nakikitang nagmo mukmok.
Isipin mo na lang nakapahinga na si inay mo sa sakit niya.
Chuchay nandito lang ako,kung gusto mo nang makakausap,pag alalang sabi ni cynthia.
Niyakap ko si Cynthia at hinayaang umagos ulit ang mga luha..
Cynthia anong gagawin ko,hindi ko alam kung paano magsisimula ngayong wala na si inay.
Bagong buhay,chuchay.
Bagong pag asa,nasan na ang kilala kung chuchay na laging positibo mag isip..
Kinabukasan ay bumalik na nga ako sa dati kong ginagawa,iniisip ko nalang na lagi ko parin kasama ang inay ko..
Tama si cynthia malulungkot si inay pag nkikita akong malungkot.
Kaya simula ngayon inay,kahit di kita kasama lagi ka naman nandito sa puso ko.
Pagkatapos nang aksidenteng iyun kay Christian,ay di niya nakalimutan ang mukha nang babaeng tumulong sa kanya.
Bago pa siya tuluyang nawalan nang malay,ay nakita pa niya ang mukha nang babaeng yun.
Alam kung siya ung binilhan,ko nang bulaklak noon,bulong nito sa sarili.
Noong nasa ospital pa siya ay tinanung niya,si syra kung nasaan ang tumulong sa kanya..
Ako lang ang tumulong sayo,para madala ka sa ospital wala nang iba,inis na sabat ni syra
Naalala niya kung bakit siya naglasing nang gabing yun,niloko siya nang fiancee niya.
Nakita niya si Syra kahalikan si Ali.
Masaya kana ba,Syra masaya kana ba?
Im sorry nabigla lang din ako nang hinalikan ako ni Ali,ikaw ang mahal ko chan..
Ikakasal na tayo pero nagawa mo pang makipaghalikan sa iba.
Kasalanan mo rin kasi,wala ka nang oras sakin,puro nalang ang oras mo nasa company.
Kasalanan ko pa talaga ha..
Umalis kana,lets cool off sabi ni chan kahit ang totoo masakit pa sa kanya na pakawalan si Syra..
What!? Cool off..ok fine ikaw may sabi niyan,inis na sabi ni Syra bago iwan si Chan sa Ospital.
Habang nag aalmusal naman si Ali Agustin,ay tumawag ang kanyang daddy sa phone..
Kamusta ang paghahanda mo para pabagsakin si Don Federico,agad nitong tanung..
Nagsisimula na Dad,kinakaibigan ko na ngayon ang anak ni Don Federico na si Syra..
Mabuti naman kung ganun,malapit na ang pagbabalik namin nang mommy mo,ihanda muna ang matitirhan namin..
Yes Dad agad naman na sagot ni Ali..
Itutuloy….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top