Lumapit sakin sila manang flor at ate inday nang mapansin na kanina pako sa lababo,pero di parin tumigil ang pagsusuka ko.
Chuchay may nakain kabang iba ngayong araw,bat nagsusuka ka!
Agad na sabi ni manang flor habang hinihipo likod ko.
Wala naman po manang flor.
Chuchay may boyfriend kaba!? Tanung ni ate inday na nagpatulala sa akin.
Kasi kung may boyfriend ka at nakagat ka sa alaga nito,baka buntis ka.
Chuchay sabihin mo samin ang totoo may boyfriend kaba,seryosong tanung naman ni manang flor.
Kasi manang..
Arrrghhh di matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa pagsusuka.
Napansin naman agad ito ni Christian pag pasok pa lang nito sa loob nang bahay.
Nang makitang seryoso sila manang flor at ate inday na nakatingin kay chuchay habang nagsusuka.
Chuchay kailangan natin masigurado kung ano yang nararamdaman mo,nanghihina kana at namumutla kana,pag aalalang sabi ni manang flor.
Manang,anong nangyari bungad ni christian habang papalapit.
Eh sir ito kasing si chuchay kanina pa suka nang suka hindi nkakain nang maayos dahil sinusuka lang nito.
Chuchay ok ka lang ba,tanung ni christian.
Oo okey lang ako.
Aargghhh
Sir baka buntis si chuchay pero wala naman kaming ibang maisip kung sino boyfriend ni chuchay,maliban sayo sir mahinang sabi ni ate inday.
Buntis!?
Oo sir..
Lets go chuchay punta tayo nang doktor.
Agad naman inalalayan ni sir christian si chuchay papasok nang sasakyan.
Agad naman chineck nang doktor si chuchay pagkarating nila sa ospital.
Nasa sasakyan pa lang sila kanina tinawagan na ni sir christian ang kaibigan niyang doktor na si Ethan na siya ang mag check kay chuchay.
Chan congrats miss marichu is pregnant.
Nagulat at natuwa naman si Christian nang marinig iyun.
Narinig mo yun chuchay magkaka baby na tayo,at agad na yumakap ng mahigpit..
Tulala parin ako sa narinig di ako makapaniwala na magiging ina na ako.
Kaya tinanung ko ulit ang doktor.
Dok,sigurado po ba kayo na buntis po ako!?
Oo miss marichu,dalawang buwan ka nang buntis.
Sa Mansyon nang mga Fernandez.
Lito ano na,matagal na di mo parin ba mahanap hanap kung sino at taga saan yang si chuchay,inis na sabi ni madam mariel sa kausap sa phone.
Mahirap po hanapin madam,tingin ko wala na pong pamilya si chuchay.
Ok,ok basta kung may balita kana sabihin mo agad sakin,at agad ini off ang tawag.
Nakauwi na nga nang bahay sila christian at chuchay,halata sa mga mukha nito ang saya.
Oh ano sabi nang doktor chuchay,ano ba daw nangyari sayo, bungad na tanung ni manang flor nang makita kaming papasok.
Buntis po si chuchay manang,agad na sabat ni sir christian na tuwang tuwa sa sinabi.
Buntis ka chuchay!? Bakit sino ba boyfriend mo,pagkukunwaring tanung ni ate inday.
Ate inday,ako! Ako ang ama nang pinag bubuntis ni chuchay,ako ang kanyang boyfriend.
Ha,eh kayo pala salarin sir..
Congrats sa inyo!!
Kita naman sa mga mukha nila manang flor at ate inday na tuwang tuwa sa nalaman nila.
Kaya manang flor ate inday kayo na bahala kay chuchay na umalalay na di mapagod o magkasakit si chuchay,pag aalalang sabi ni sir christian habang inaakbayan ako.
Oo sir wag ka mag alala iingatan namin si chuchay.
Siya nga pala manang pwede pakilagay nalang lahat nang gamit ni chuchay sa kwarto ko.
Nang marinig ko yun...