The_lost_daughter Chapter_7


Umuwi akong dala dala ang binili kung pancit para kay inay at gamot niya.
Naabutan ko si inay na tumayo pra magluto,pero natumba ito.
Kaya mabilis kung inilapag ang dala ko para alalayan si inay na tumayo at mahiga..
Inay,inay diba sabi ko sayo wag munang gagawin yan,ako na bahala sa pag uwi ko.
Baka kasi pagod kana anak,mahinang sabi ni inay.
Inay para sayo hinding hindi ako mapapagod kaya makinig ka na lang sakin.
Anak patawarin mo ang inay mo,kung pabigat naku sayo.
Inay para sakin di ka pabigat,at hinding hindi ka magiging pabigat.
Ikaw ang inay ko obligasyon kung alagaan kayo.
Tyaka mahal na mahal kita inay,at niyakap ko si inay nang mahigpit..
Ang swerte ko anak kasi dumating ka sa buhay ko.
Isa ka ngang bituin na hinulog sakin nang langit.
Inay ano ba yang pinagsasabi mo,tama na yang emote mo nakakasama sa kalusugan yan.
Kumain kana may dala akong pancit para makainom na agad kayo nang gamot niyo.
Pagkatapos ko painumin si inay nang gamot,ay naghanda narin ako papunta nang simbahan para magtinda nang mga bulaklak..
Inikot ikot ko ang buong simbahan,bitbit nang mga paninda kung bulaklak.
Nang may napansin akong napakagandang sasakyan,kulay pula ito at walang bubong.
Kaya napamangha akong nakatingin.
Mas lalo akong napatitig nang makita ko mga sakay nito.
Wow ang gwapo at ang kisig parang artista,at ang ganda rin nang babaeng kasama niya.
Bagay na bagay sila.
Hanggang sa natulala ako dahil sa imahinasyon ko,na ako ang katabi nang lalaking gwapo at makisig na nakaupo sa sasakyan.
Natigil lang ang imahinasyon kung yun nang may tumawag sakin.
Miss pabili nang bulaklak..
Di pa ako agad nakasagot,at natulala pa sa pagkatitig ulit,dahil ang gwapong lalaking nakita ko sa malayo,ay nasa malapit ko na kinakausap pa ko.
Miss..tawag nito ulit!
Ay..opo! sabay abot ko nang bulaklak.
Sir girlfriend mo ba yang kasama mo,tanung ko agad.
Oo bakit?
Napakaganda niya ho kasi sir at napakagwapo niyo rin po bagay po kayo,ngiti kung sabi.
Talaga,oh ito bayad keep the change sabi nito sabay abot nang pera.
Bago umalis nagsalita muna ang lalaking gwapo.
By the way maganda karin kulang ka lang sa ligo.
Naiwan akong tulala sa sinabi nang lalaking gwapo,pano niya nalaman wala akong ligo.
Nangangamoy naba ako,kaya tinaas ko ang kili kili ko para amuyin.
Pero kahit ganito ako,malinis naman ako sa katawan kaya sigurado ako sa sarili kong hindi ako ang naamoy nang lalaking gwapo,ngiti ko sa sarili.
Habang naglalakad ako pauwi nang bahay ay nakasalubong ko ang kaibigan kung si cynthia na nagmamadaling maglakad.
Cynthia,cynthia saan punta mo bat nagmamadali ka.
Naospital kasi ang nanay ko chuchay,agad nitong sabi na maiiyak na..
Ah ganun,ano sabi nang doktor ok lang ba ang nanay mo.
Kailangan pa icheck ang kanyang...


baga,nakakainis nga kasi saan ako hahanap nang pera nito.
Ito oh limang daan pasensya kana cynthia ha yan lang din maitulong ko,sabi ko sabay abot nang pera.
nang maalala ko si mr gwapo,buti na lang hindi na niya kinuha sukli niya..
Naku,naku wag na chuchay alam ko kailangan mo din yan pambili nang gamot mo kay inay mo.
Hindi tanggapin muna to,nakabili naman na ako nang gamot kay inay.
Tyaka bukas trabaho ulit,edi magkakapera ulit ngiti kong sabi kay cynthia.
Maraming salamat chuchay ha,ang swerte ko naging kaibigan kita.
Wala yun,ano ka ba tyaka wag ka masyadong mag alala sa nanay mo.
Gagaling din yun tiwala lang kay GoD,ok ngiti kung sabi kay cynthia para mabuhayan siya nang loob.
Pagka umagahan,ay nasa palengke nku nang biglang bumulaga sa harapan ko si ondo,kaya binato ko ito nang basket na walang laman sa sobrang gulat.
Kumanta pa ang mokong.
Ang mundo ko ay naging masaya🎶🎶🎶
Salamat sa diyos nakilala kita🎶🎶🎶
Ang buhay ko’y nag iba gumaan talaga🎶🎶🎶
Dahilan nang pagtatawanan nang mga ibang tindero at tindera..
Ano kaba ondo,gutom kaba!? Ito kainin mo sabay lagay ko nang suman sa bibig ni ondo na nkanganga.
Nagtawanan naman ang mga tindera at sumisigaw..
Sagutin muna kasi si ondo chuchay,kawawa naman si ondo matagal nang nanliligaw sayo..
Tinawanan ko lang sila at umalis nku wala naman akong naramdaman kay ondo.
Kundi kaibigan lang,makisig naman si ondo at masipag.
Kaso hindi ko pa iniisip ang mga ganung bagay..
Maya maya ay may sumigaw nang matandang babae ..
Magnanakaw..
Magnanakaw..
Sa harapan ko pa mabilis na tumakbo ang magnanakaw..
Kaya mabilis din ako pumulot nang malaking isda na bangus para ibato sa magnanakaw.
Kaso biglang may sumulpot na lalaking gwapo at mukhang mayaman,kaya sa mukha niya lumagapak ang isdang binato ko.
Diko yun pinansin,pumulot uli ako nang isdang ibabato ulit sa magnanakaw..
Sisiguruduhin kong sa magnanakaw ko na ito mababato.
Binato ko agad sa magnanakaw ang napulot kung isda,at yun lumagapak sa ulo nang magnanakaw ang isda at nadulas ito kaya bulagta sa sahig ang magnanakaw.
Mabilis ko naman nilapitan ang magnanakaw at inapakan.
Kinuha ko agad ang wallet nang matanda.
Magnanakaw ka ha,at pinitikan ko pa sa tenga ang magnanakaw.
Agad naman dinampot nang pulis ang magnanakaw.
Lumapit ako sa matanda at binalik ang wallet niya.
Salamat iha ang galing mo naman.
Wala po yun manang.
Ililibre kita nang maiinom,yaya nang matanda.
Salamat nalang po manang kailangan ko na po kasing umuwi ngiti kong sabi.
Ok sige,ako nga pla si flor!
Manang flor na lang itawag mo sakin.
Ok po manang flor.
Sige ingat ka sa pag uwi.
Nang paalis nku nang biglang may humablot sa braso ko ang lalaking gwapo na natamaan nang isda,at ang tapang nang tingin sakin..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top