Trapped In His Arms


Prologue
“Ano ba ang akala mo Haze, mamahalin ko ang b*sura na katulad mo?” Puno ng panunuya na tanong niya sa akin.
Halos damanhin ng buong pagkatao ko ang masakit na salita na lumalabas sa bibig niya.
Ang luhang kanina pa nag babadya na lumabas at pilit ko na pinipigil, dahil sa oras na pakawalan ko ito ay mas lalo niya akong sasaktan.
“I am not asking for your love. Sapat na siguro ang pagmamahal ko sayo para hindi ka umalis.” Puno ng tapang na segunda ko.
“Enough?” He said bitterly.
“If you loved me enough? Why the f*ck you cheated on me Haze?!” Halos tila isang malakas na kulog ang boses nito, na bumalot sa malaking living room ng bahay.
“I’m not f*ck*ng enough, may hinahanap kapa ba na wala sa akin?”
“Oh talagang makati lang ang d*gyot mong katawan na kahit kaylan ay hindi magiging sapat sa sarili mo na asawa!” Puno ng diin ang bawat salitang...


binitawan nito.
“Luke… hindi ganun….” Halos yun lang ang lumabas sa akin bibig.
Dahil hindi ko naman alam kung paano ko ipaliwanag sa kanya ang lahat, kung paano ko ipapaunawa sa kanya kung bakit kami nasa sitwasyon na ganito.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko ng idarag niya ako sa malamig na pader at binigyan ng mag liliyab na tingin.
Ang bawat pag hinga nito ay kitang kita. Ang gigil niya sa akin at ano man oras at puwede niya akong saktan.
“You know Haze, I was just trapped in this useless st*pid marriage!.” Madiin na bulong nito sa pagitan ng titig namin dalawa.
Nanginginig ako napatingin sa kanya. Nanginginig ako dahil sa sakit ng lumalabas sa bibig niya, asawa ko siya pero kung tratuhin niya ako ay parang isang lamang basura.
“M-mahal.. kita.” Sagot ko sa kawalan habang ang tingin niya sa akin ay nakakapaso parin.
“Hindi ko kaylangan ng walang k*wentang pag mamahal mo.” He said nonchalantly.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top