Genre: Romcom
#WLS_ONESHOT
_____________
I’m Lorraine, 17 years old. Grade 11 Senior High school student.
Nagkukunwari ako ngayong nagbabasa ng libro dito sa Library, pero ang totoo ay tinatakpan ko lang ang mukha dahil sa kanina pa akong tahimik na lumuluha.
Walang awat na bumubuhos ang tubig ko sa mga mata, paniguradong mugto na ito. Kagat ko ang labi para pigilan ang paghagulgol at paghikbi, baka may makakita o makarinig sa akin kaya sinadya ko ring sa pinakadulo pumwesto. Iniisip na sana walang makitable sa akin.
Tumatambay ako dito mag-isa dahil ayaw ko pang umuwi lalo na at katatapos ko pa lang makuha ang result ko sa exam.
Nakakaiyak talaga ang result ko lalo na sa math. Ayun, bagsak lang naman. Yari ako kay Mama nito kaya sinasadya kong magtagal pa. Hindi nemen mesheket, mas masakit kase ang batok ni Mama mamaya. Tuluyan talagang luluwag ang turnilyo ko sa utak.
Ilang sandali pa ay hindi pa rin ako mahinto sa pag-iyak. Nangako ako kay Mama na ipapasa ko ang lahat ng subject pero ako, palakol brad. Baka hindi na kamay ni Mama ang dadampi sa akin, kundi palakol na rin.
Abala ako sa pag-iyak, hindi ko na napapansin ang oras. Mukhang wala ring makakapansin sa akin dahil sa natatakpan ako ng naglalakihang mga bookshelves.
“Ah… Miss—————”
May boses na lalaking narinig ko sa may gilid ko, natigil siya sa kaniyang sasabihin nang ibaba ko na ang librong humaharang sa mukha ko. Matalas ko siyang tinignan habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Wala talaga ako sa mood. Bad trip ang araw na ‘to, ayaw ko ng may makakausap.
Napatitig siya saglit sa mukha ko. Humihikbi ko siyang tinignan. Sisigawan ko sana siya kanina dahil sa panira ng moment pero natigilan rin ako dahil, mari! Ang gwapo syete!
Nakabrush up ang buhok niya, nakasuot ng kulay itim na polo. Sa itaas na bahagi ay may hindi pa nakabutones. Ang puti at ang tangkad. Katamtaman ang kapal ng kilay, tangos ng ilong at manipis na may kapulahang labi.
“ahm… Are you okay——————”
“Halata namang hindi tinatanong mo pa?! Tanga ka ba!?” mabilisan kong pamimilosopo at napalakas ang boses kahit basag ito sa kakaiyak kanina pa.
Wala akong paki kung may nakatingin o nakarinig sa akin. Wala rin akong paki sa pagtatanong niyang concern kuno. Bad trip ako, bad trip. Kaiyak!
“What the… Look, Miss I’m just—————”
“asking!? I don’t care e e e e!” pagdugtong ko sa sasabihin niya saka ‘di oras na napakant habang lumuluha.
Nangunot ang nuo niya. Lalong gumwapo, ang unfair. Pag-ako nangunot ang nuo nagmumukha ako lalong mongoloid.
“and downt englesh, englesh mi! Because I’m not graduation! I might get a convulsion, the way you expect the expectation!” bulyaw kong sabi, naglalabas ng sama ng loob kahit hindi ko rin maintindihan ang pinagsasabi ko.
Inis ko pang pinunasan ang mga luha ko para talaga maganda ang iyakan na ‘to. Minsan ko lang ‘to gawin kase pagsasabihan akong OA ng mga kasama ko sa bahay lalo na si Mama.
“Akala mo ba g-ganon lang k-kadali ‘yun!?” patuloy ko sa pagdadrama na tumayo pa sa kinauupuan. Patuloy na pinagpupunas ang mga luha, sinasagad na dahil with matching pautal utal pa ‘yan.
“What did I do?—————” taka niya pa sanang tanong, naguguluhan na sa mga pinagsasabi ko pero pinutol ko na naman ang sinasabi niya.
“You do what you do! And I do a drama do! If you dunat want to dodo to mi!” bulyaw ko ulit.
Nadamay pa tuloy si kuya sa pagkaloka-loka ko. Sorry kuya, nagpapractice lang talaga ako para sa dramahang magaganap mamaya sa bahay kung saka-sakaling habulin ako ni Mama na may dalang palakol.
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay ako naman ang natigilan nang napangisi ito. Ngayon ko lang na gets ang nasabi ko kanina.
Hala! Tanga! Anong dodo to mi!? Lorraine!? Ano ng nasabi mo! Gago ka kase! Mali-mali na nasasabi mo!… Bakit kase siya nag-eenglesh, ‘di naman lahat ng nasasaktan napapa-englesh lalo na kung bobo.
“What if I want to?—————”
“You gago!” ikinagulat ko ang kan’yang tugon. Ngumisi na naman!
Dinuro ko siya. Nagkros siya ng braso saka nagtaas baba ang tingin sa akin.
“Look, lady… I don’t want to start a fight here.. I just want to—————”
“Patapusin mo muna ako! Nyeta naman… Moment ko na ‘to e, ‘wag ka munang umepal, please” pakikipagprotesta ko.
“Ny*ta ang sakit…’Yung tipong nagpuyat ako para magreview… t-tapos… hindi naman pala lalabas sa exam! Syete! Sino ba kaseng g-gumawa ng exam sa math… nakakagago na ah” paglabas ko muli ng sama ng loob daig ko pa ang broken, kulang na lang magpabili ako kay kuya ng red horse.
Humagulgol ako ulit at naghahabol ng hininga sa sobrang pag-iyak, ngunit pinanganak nga siguro akong siraulo. Tumawa ako bigla nang maisip na…
“Kalain mo ‘yun… 10/60! Bagsak! Ny*ta! pero at least ako ang highest! ‘Yung iba kong score, bunos points lang ‘yun!” lumuluha akong tumatawa na parang demonyeta, nagkukwento pa.
“Bwesit na ‘yan… Ang sakit sa heart, sana may puso rin ang gumawa ng mga punyetang tanong na ‘yun….” inis ko muling sabi, nagpatuloy sa pagdadrama at naupo ulit.
“Kung sa discussion, one sentence lang’ ‘yung tanong… pero bakit pag exam or quiz na… nyeta one paragraph na! Daig pa englesh subject” reklamo ko pa ulit.
Napatakip ako ng bibig at doon humagulgol. Lumalakas ang paghikbi, nanatili pa ring nakatayo sa gilid ang lalaking inaway ko ng walang dahilan.
“ahm.. It’s english” pagtatama niya pa, panira talaga. Kailangan talaga artehan ang pagbigkas.
.
.
.
Naalipungatan ako bigla. Nakaramdam ng sakit sa bandang leeg ko. Saka ko namalayang nakahilig pala ang ulo ko sa mesa habang nakaupo. Hindi ko akalaing nakatulog ako sa hindi komportableng posisyon. Para tuloy nabali ang leeg ko sa sakit.
Pumipikit-pikit pa ang mga mata kong nilibot ang paningin sa madilim na paligid pero may liwanag na nagmumula sa labas, lumulusot sa salaming bintana dito.
Minamasahe ko ang leeg ko habang patuloy na nagtataka kung nasaan ako. Kinuha ko ang phone ko at inilawan ang paligid. Ilang minuto ang lumipas sa paglilibot.
Nataranta ako bigla nang makita kung anong oras na sa cellphone ko.
Patay! Patay talaga ako kay Mama! Bakit pa kase ako nagdadrama kanina! Ayan, tuloy nakatulog ako!
Para akong nababaliw kakahanap ng switch dito o kaya naman ang labasan. Hanggang sa
“Ah! Kalabaw!… Ikaw na naman!?” napatili ako ng ‘di oras.
Habang iniilawan ko kase ang buong paligid ay dumapo ang ilaw doon sa table ko kanina. Kita ko ang presensya ng lalaking inaway ko kanina.
Nakakros ang mga braso at kampanteng nakaupo. Mukhang natutulog dahil sa nakapikit ito kanina, naimulat lang ang mga mata nang ilawan ko siya at mapasigaw.
Kumukunot muli ang nuo niya at lumilitaw ang kulay brown niyang mga mata nang lingunin niya akong nasisilaw at mapungay ang mga mata.
Ny*ta! Kanina ko pa ba siya katabi!?
“You’re too noisy” reklamo pa niya. Iniwas ko ng bahagya ang ilaw sa mukha niya. Iyon na naman ang pag englesh, englesh niya.
“Hoy! A-anong nangyari!? Ba’t walang ilaw?… Brown out ba!?… Tsaka asan ang mga tao!?”
“Stupid. This library is closed”
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Ako ay kabado na pero siya kalmado pa. Puny*ta.
Ny*ta! Nasaraduhan ako sa Library!?
“ANO!?… T-TEKA! SERYOSO KA BA!?”
Tinignan niya lang ako, mukha ngang seryoso siya. Nasabunot ko ang buhok ko at nagpabalik-balik sa paglalakad. Nababaliw na naman. Mas nababaliw ako sa lalaking ito, sa lahat ng natatrap siya pa ang mukhang walang pakialam.
“Can you lower your voice?.. You’re annoying, lady” napakamot pa siya sa tainga niya.
Napapadyak ako sa kinauupuan.
“Ny*ta kase! Kasalanan mo ‘to!”
“Wait, what? Me? Why me? What did I do?” sunod-sunod niyang taas ang mga kilay sa pagtatanong. Kainis ang mukha niya, ang gwapo ang sarap sugatan.
“Ba’t kase hindi mo ko ginising!?”
“haha”
Napangiwi ako nang bigla siyang tumawa. Napaatras ako agad nang tumayo siya sa kinauupuan at naglakad papalapit sa akin.
“Hoy, anong ginagawa mo!? D-d’yan ka lang!” banta ko pa habang iniilawan siya.
Panay ang atras kahit hindi ko nakikita ang nahahakbangan ko.
“D’dyan ka lang sabi! Nagtatanong lang ako kung bakit hindi mo ako ginising! Ayan tuloy! Pareho tayong naiwan dito!—————AH!” pagprotesta ko.
Sa isang iglap, may nasagi ako na sa tingin ko ay upuan dahilan para sa pagkurap ko ay namalayan ko na lang na may humapit ng bewang ko kasabay ng paghiga ko sa kung saan.
Mariin kong iminulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng mainit na hiningang tumatama sa may labi ko, amoy mint ng toothpaste.
Laking gulat ko nang mamalayang nasa ibabaw ko ang lalaki at nakadagan sa akin. Hawak ko ang kwelto ng polo nito ng mahigpit. Siya ang may hawak bewang ko at nagawa kong unan ang braso niya.
Kitang-kita ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t-isa. Natitigan ko ng malapitan ang mga mata niya. Dahil iyon sa liwanag na nagmumula sa phone ko, hawak ko pa rin iyon ng mahigpit ang phone ko sa takot na masira iyon at walang pambili agad.
Halos hindi na ako gumiginhawa sa lapit niya sa akin at nag-iiba na rin ang direksyon ng mga mata ko, nagkalapit rin tuloy. Nagkatitigan.
“I don’t want to wake you up… because you might scold me again for no reason.” paliwanag pa niya na parang hindi na aapektuhan sa posisyon namin.
Natauhan ako nang magsalita siya kaya kaagad akong nagpupumiglas upang maitulak siya pero ang baliw na lalaking ‘to mukhang nagpapabigat pa!
Natigilan ako sa isang nakakalokong pagngisi niya. Napalunok akong muli tinignan siya sa mga mata. Bumaba ang tingin niya sa ilong ko pababa sa labi ko kasabay ng pagpisil niya sa bewang ko. Dumadausdos pababa ang paghaplos sa may hita ko. Namilog ang mg mata ko.
“AH! MANYAK!” buong lakas ko siyang pinagtutulak at pinaghahampas.
Tatawa-tawa siyang umalis na sa pagkakapatong sa akin at inis akong bumalikwas ng bangon. Inayos ko ang uniporme ko lalo na ang may kaiklian kong palda. Dumistansya ako agad sa kaniya, mukhang delikado ang isang ‘to.
.
.
.
Tuluyan na akong sumuko sa paghahanap ng susi dito upang makalabas na. Tanging switch lang ng ilaw ang nahanap ko.
Ang lalaking manyak na iyon, ayun lang naman siya nakahiga sa isang couch malapit doon sa pwesto namin kanina. Sa sobrang pagkakalmado niya ay nagawa pang...