TRUE LOVE WILL MAKE A WAY CHAPTER 6โ€ผ๏ธ


“Marites, gumising kana please,”dinig kung sabi at alam kung kanino itong boses.
“Aray, ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari?”mahinahong wika ko at hindi nga ako nagkamali, si Juanito nakahawak sa kamay ko at nakita kong may luha pa talaga sa mata niya.
“Hoii Juanito ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kaniya ulit dahil putik nakatulala lang siya na nakatitig sa akin. Hindi ko expect ang ginawa niya ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.
“Marites akala ko ano ng nangyari sayo, buti gising kana,” wika niya at niyakap ako ulit.
“Hoi Juanito ano kaba? FYI hindi tayo close at ngayong first day of class pa nga lang tayo nagkakilala tapos ganito kana maka trato sa akin? Wahh! Juanito plsss umalis kana! i think nangyari ito sa akin because of you! alis kana Juanito!” sigaw ko sa kaniya at dinapog-dapog ko siya. Feel ko kase na siya talaga ang dahilan, nong hindi ko pa nakit ang pagmumukha niya ay hindi naman ako nagkakaganito. Bakit nga ba may pumapasok dito sa utak ko? Ano ba to?
Umalis na si Juanito at akoy nakahiga padin dito.
“Putik ano ba to? Grrrr. Nakakainis na talaga!” sigaw ko dahil ako lang naman mag-isa dito sa ward. Oo, grabe dinala pa talaga ako sa ospital.
“Anak!!” dinig kong sigaw ni mama at kaagad niya akong niyakap.
“Mama huhuuu mama tulungan mo ako yong utak ko mama parang sasabog na dahil sa daming pumapasok...


na memorya,” wika ko habang umiiyak.
“Anak? anong pinagsasabi mo?”
“Mama nagka-amnesia ba ako? I mean meron na ba akong kasintahan noon?”
“Huh? Ano bang nangyayari sa iyo Marites? Wala kang amnesia at ni hindi ka nga nag ka boyfriend noon. Hoi ano ba yang pinagsasabi mo?”
“Mama naman eh, hindi ito joke at tiyaka Mama may kilala kabang Juanito ang pangalan?”
“Huh? wala noeh, anak magpahinga ka nalang at huwag mo nalang isipin ang bagay na ganyan,” wika ni Ina at kaya tumahimik nalang ako.
“Sir?” kaagad na wika ko ng makita kong may dalang mga prutas si Sir, grabe naman siya noeh wla pa nga akong isang araw dito sa ospital ay dinalhan na talaga ako ng mga prutas.
“Iha okay ka na ba?”
“Mabuti-buti naman po sir,” wika ko at ngumiti.
“Ah ganon ba, Marites sana hindi mo sayangin ang oras na nandito pa siya, I mean malayo ang pinangglingan niya Marites tapos pinagtabuyan mo lang siya, yong pinanggalingan niya Marites ay malayo pa sa inaakala mo. May oras pa kayo Marites at sana dito mahanap niyo na ang pagmamahal na inagaw sa inyo ng panahon at tadhana. Puso mo ang iyong gamitin Marites huwag ang puro utak lamang, baka sa oras na maalala mo na siya ay siya ring pagkawala niya.” mahabang litanya ni sir at mataposay tumayo para umalis na. Iniwan niya akong speechless dito. Anong ibig niyang sabihin?
TO BE CONTINUED
Words by Starlit Writes






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top