TWIN OF NIGHT Chapter 2


—–Labis naman natutuwa si mona sa ibinigay ni rose na pangalan sa kanyang kambal..

“Ang bilis muna man mag isip rose.” Ngiting sabi nito sa kaibigan. Pagkatapos ng maghapon. Ilang beses ng nag isip si mona kung paano niya ma ipaparating kay paco ang isa niyang anak.

“Ako nalang ang magbigay sa kanya mona, para sa ganun ay hindi ka na niya kukulitin. Mas okey ng makalayo sa kanya, dahil may asawa siyang tao.” Tuloy toloy na sabi ni rose sa kaibigan ng mapansin nitong naka tingin sa kawalan. Nagulat naman siya sa sinabi ng kaibigan.

“Paano kung pilitin ka niya. Dahil kilala ko si paco. Noon pa man gusto na niyang makipag hiwalay sa asawa niya!” Pag alalang sabi nito sa kaibigan.

“Ako na ang bahala diyan.” Ngiting sagot nito sa kaibigan.

“Pero! Rose!”
“Walang ng pero-pero mona. Gagawin ko ang lahat para makalusot lang ako sa mga tanung niya.” Dagdag nito.

Ilang araw nang naghahanap si paco sa kanyang mag ina. Pero palagi siyang bigo kumuha pa siya ng private detective para mahanap lang ang si ramona.

Galit naman si carlota sa mga ginagawa ng asawa nito. Dahil lang sa paghahanap niya kay ramona.
Lalo na at palaging lasing ito. Minsan pinagsasabihan siya ng kanyang ina na si mama liza. Pero sabik din siyang makita ang apo nito dahil hindi pa siya nagka apo. Ang tagal din niyang naghintay sa mag asawa. Pero dahil ayaw pa ni carlota kaya naunawaan din niya ang nag iisang anak.

Isang malakas na ring ng kanyang mobile ang pumukaw sa kanyang mahimbing na pagtulog.

“Y-yes!” Sagot nito na halatang kagigising lang.
“Paco!” Isang boses na babae ang nasa kabilang linya. Bigla siyang nakaramdam ng pangamba. Lalo na at familyar ang boses ng kaibigan ni ramona.

“Rose!! Thank’s god at tumawag ka. Alam mo bang labis akung nag alala sa kalagayan ni ramona.!?” Anito na may ngiti sa kanyang labi na tila bang nagkaroon ng pag asa na makapiling ang kanyang mag ina kahit alam nitong may asawa siya.

“Bukas, magkita tayo sa mall.” Aniya. Bakas sa tuno nito ang kawalang sigla.

Labis naman umiiyak si mona dahil hindi na niya makakasama ang panganay nitong si samantha. Dahil siya ang ipapadala niya kay rose para ibigay sa ama nito.

Nangako naman siyang dadalawin niya ito....


At alam din niyang hindi siya pababayaan ng ama nito. At maibigay dito ang lahat ng luho na gugustuhin niya.

Maaga palang umalis na si paco para puntahan si rose sa mall. Wala siyang kamalay-malay na lihim siya sinusundan ni carlota.

Si rose ang unang nakakita kay paco at tinawag niya ito. Nasa third floor sila ng mall kung saan nandun ang mga palaruan ng mga bata.

“Rose!” Masiglang sabi nito.
“Si ramona, nasaan! Bakit ikaw lang.?” Anito.
“Uhm-uh-uh.. wala si ramona, pagkatapos niyang manganak iniwan saakin ang bata.” Seryosong sagot nito kay paco.

“Nasaan ang anak ko rose, gusto ko siyang makita.” Sabik nitong sabi sa kanya.

“Andun siya.” Sabay turo nito sa kinaroroonan ng anak. Agad niyang nilapitan ang anak nito na mahimbing na natutulog.

“Samantha ang pangalan niya paco.” Agad naman sabi ni rose.

“Thank you!rose sa pag hatid mo sa anak ko saakin.” Maluha luhang turan nito habang dahan dahan niyang kinuha sa may troller nito si samantha.

“Ikaw ang ama kaya ko siya hinatid sayo.”
“Pero nasaan si ramona, bakit niya iniwan sayo ang anak namin.” Anito.
“Pasensya na talaga paco, diko talaga alam e.’ Pagdi-diny nito sa kaharap.

Labis naman sumabog sa galit si carlota ng makitang kausap at karga karga na niya ang anak nito.
“Letse ka! Ramona! Bakit mo pa ibinalik ang anak mo.!?” Anito habang nagkukuyom ng kanyang kamao. Di niya matanggap na magka-anak ang asawa niya sa isang utusan.

Abot langit ang tuwa ni mama liza ng mahawakan ang unang apo nito.

“Ang gandang bata. Kamukha ko.!” Aniya habang nasa kandungan niya ang apo nito.

“Ma! Samantha po ang pangalan niya.” Sabi naman ni paco.

“Samantha! Ang ganda naman ng pangalan niya.”

“Nakita muna pala ang anak mo.” Taas kilay na sabi naman ni carlota sa asawa nito. Nabigla naman sila sa biglang pagsulpot ni carlota.

“Iha! Sana nagpabuntis kana para naman makita ko ang aking apo. Kaso mas nauna pa si ramona sayo.?” Walang alinlangang sabi naman ng ginang. Na siya naman ikinaiinis ni carlota. Pero sa kanyang sarili lng niya inilabas ang inis na iyon para sa ina ni paco.

“Don’t worry ma! I can do that soon!” Sagot nlng niya dito..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top