TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 22


Ang matapang na sikat ng araw, at preskong ihip ng hangin ay hindi nagpapatalo sa isa’t-isa ngayong tanghaling-tapat ng buwan ng Mayo. The breeze danced the dry leaves gracefully into the ground, at malayang nagpatuloy kahit saan dalhin ng ihip ng hangin.
The sun was shining, until turned into darkness. And, the moon showed up with the brightening stars. Ang mga huni ng ibon kanina lamang ay napalitan ng mga alitaptap. Ang preskong hangin ay mas lumamig pa kaysa kanina.
I was torn between what’s better, lights or darkness, here in Santa Alicia. Pero kahit magliwanag at magdilim man hindi nito maiibsan ang sakit na nararamdaman ko. Lights without darkness, darkness without lights, still, the tears will flow countless times.
Hindi pa rin kayang tunawin ng sinag ng araw ang pait na nararamdaman. Sinasakop pa rin ng kadiliman ang lungkot na nasa lalim ng dibdib.
Ilang buwan na ang nakaraan pero tila sariwa pa ang nangyari sa aking alaala.
Being selfish isn’t a good act. Huwag puro sarili ang iniisip, palawakin ang isip at subukan unawain ang ibang tao sa paligid. Even if it’s makes you cry endlessly… even if it’s hurts you the most.
Kasabay ng pagpatak ng luha’y ang paghaplos ng hangin sa aking pisngi, hinayaan ko ito hanggang sa ang ihip ng hangin din ang nagtuyo.
Inilipad nito ang hanggang balikat kong buhok. Noon, ay iipunin ko ito’t ilalagay sa kanang balikat. Ngayon, pati sa sarili ay pilit kong binago. Kahit mahirap at matagal bago ko mahanap ulit ang ako, pag-iipunan ko ang araw na iyon para sa sarili.
Because moving on is like a battle for yourself. Hindi isang araw ang kailangan kundi higit pa doon. Masakit, masakit dahil nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil nagmahal ka ng totoo. Masakit nga lang isipin dahil hindi kayo para sa isa’t-isa.
Alam kong hindi ko pa narating sa puntong nakalimutan siya, nandito pa rin iyong sakit. Pinagduldulan ko sa isip na okay na but there was a time na kusa na lang papatak ang luha habang nakatingala sa kulay-kahel na buwan. Kusang nagpe-play sa isip ang nangyari.
Gamit ang dalawang braso, niyakap ko ang sarili, pero hindi pa rin sapat iyon para maibsan ang lamig na dumapo sa balat. Patay ang ilaw dito sa terasa, at bilog na buwan ang siyang tanging nagpapaliwanag sa madilim na kapaligiran. Tahimik akong umiiyak.
“Ibuhos mo lahat ang sakit sa pag-iyak. Then, little by little accept the fact na hindi kayo parehas ng daan patungo sa walang hanggan ninyong dalawa. Maybe, you have your own story… more beautiful… but not to him.” Bana told me.
Pero bakit? Ilang balde na ang binuhos ko… wala pa rin nangyari, hindi pa rin nabawasan, mas lumala pa… mas pa iyon! Ang daming bumabagabag na katanungan tumatakbo sa isipan ko, at sa nakakainis pa’y mismo sa sarili wala akong mahanap na sagot sa mga iyon. Parang hinihila pa rin ako ng nakaraan!
Kinaumagahan, masakit na ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.
Nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng aking silid. May narinig akong huni ng mga bakal ng susi at iniluwa mula sa pintuan si Nay Melda.
Tumaas ang kilay nito nang maabutan akong nakahiga pa, “Jusmiyo! Alas diyes na, Nak. Kanina ka pa pinapagising ng Mama mo, an’doon sa ibaba’t galit na naman. ” I pouted my lips. Then, I laughed in a quiet way.
“Good morning, Nay.” malambing ang boses na gamit atsaka ginawaran ng isang halik sa kanang pisngi, at bumalik ulit sa higaan.
Isa sa mga kasambahay namin si Nay Melda, pero parang pangalawang ina ang turing ko sa kanya. Matagal na siya sa’min, nakapusod ang kulay-abo nitong buhok, may kulubot na rin sa mga kurba ng mukha. Batay sa kanya, maagang yumao ang asawa dahil sa sakit na cancer sa baga. At hindi sila binayayaan ng anak.
She got the image of being a good mother. While I got the image of a hero. Bayani ng mga magparaya.
“Hala, bumangon ka na diyan! nakakahiya kay Hiron na kanina pang alas otso naghihintay sa’yo.”
Nagulat ako sa huling sinabi ni ‘Nay Melda, nilingon ko siya, “Bakit daw, ‘Nay?” tamad kong tanong.
Napasinghap siya, “Aba! Malay ko, Ikaw ang kasintahan tapos ako ang tatanungin mo. Kaya nga pina-pababa kita para harapin iyong tao.”
Mula sa mga binitiwang salita ni ‘Nay Melda ay ang panghuli ang hindi ko na kinontra pa. Para saan pa? Kung sasabihin ko ang totoo, hindi rin naman siya maniniwala.
People nowadays believe what they see through action more than a words, they find it difficult to balance in one truth. In fact, it should be equal, action explained with words. Words and action should agree.
My foot started to moved toward the door of the comfort room. Pagpasok, I slowly closed it and didn’t mind to locked it. Napasinghap ako sa naabutan kong itsura sa harap ng salamin. Magulo ang buhok, halos ‘di na makita ang singkit kong mata dahil namumugto ito, at ang maputlang labi… halos maiihintulad ko na iyon sa kulay ng balat ko. I moved a little bit closer to the mirror, just enough to see the small brownish spot on my face, ang hindi lang nagbago at nawala sa buong mukha ko.
A pale, broken hearted with freckles all over her face, is no other than me.
Guminhawa ang pakiramdam ko nang humaplos sa mukha ko ang malamig na tubig galing sa gripo. Pagkatapos ng lahat ng ritwal sa kada-umaga kong ginagawa’y bumaba ako para harapin ang sinasabing bisita.
“Hindi ka ba napapagod sa pagsasalita, Bana? Putak ka ng putak, sarap mong bigwasan sa bunganga. Nakakarindi ‘yang boses mo!”
“Subukan mo! Magulat ka na lang nasa mukha mo na ‘tong kamao ko. Sira na nga! mas lalo pang masisira!”
“Pwede ba! Shut up you two,”
“Sana hindi na lang kayo sumama!”
Nagulat ako pagkababa mula sa hagdan dahil sa mga boses na nabungaran. Akala ko ba si Hiron lang?
“Akin na nga ‘yang remote, Atep. Sumasakit ang ulo ko kalilipat mo ng channel, eh.” boses ni Liyk iyon.


/> “Ayoko sa basketball.”
Namataan kong tumayo si Hiron, as always, he gave me his best one sweet smile for this morning, “Hey, Candace.”
I nodded at him, at hilaw na ngumiti. “Ano’ng atin?” baling ko sa kanila. I looked at Hiron questioningly.
Nakuha ni Bana ang tingin ko kay Hiron, “Wow! Nag-maynila lang, bagong gupit na, Ano’ng atin?” balik tunog namamangha na tanong sa’kin ni Bana.
Mga ilang araw rin kaming hindi nagkita-kita na magkakaibigan dahil kailangan kong sumama kay Mama. Nagkaproblema kasi ang isang branch ng restaurant sa Manila.
I’ve stayed there. Namasyal buong araw mag-isa, hindi ko naman kailangan magpasama pa kay Mama dahil busy siya, at isa pa kailangan kong sanayin mag-isa. At ibaling sa mga bagay ang atensyon ko.
Bumalik lang kami nitong noong nakaraang isang araw. Sa pagbalik ko ay bumigat ulit ang puso.
“Wala, trip ko lang. Mainit kasi dito sa Santa Alicia.” sagot ko na lang.
Tumagal muna ang tingin sa’kin ni Bana pero nagkibit balikat na lang sa huli, at sumubo ng cookies.
“Sorry, my fault.” nakadekwatrong sabi ni Liyk sa pang-isahang sofa, may naglalarong ngisi sa kurba ng labi niya.
“Tss,” Si Astepa, na kanina pa hindi mapakali sa paglipat ng channel.
“Matagal ng mainit dito, Ugok.” tirada ni Astepa kay Liyk.
“Iyang-iyan! Kasing init ng ulo mo!” asik ng isa.
Napapailing na lang ako sa bangayan nilang dalawa. Sanay na akong marinig ang mga mababagsik na salitang binibitiwan sa isa’t-isa.
“Ganda, ah.” nasa akin na ang atensyon ni Liyk, hindi ata nagustuhan nang sa wakas may napiling panuorin ni Astepa. Hindi iyon basketball gaya ng sinabi niya kanina.
“Kumusta ka na, Candace?” rinig ko ang boses ni Hiron sa gitna ng ingay na nagmumula sa pinapanuod ni Astepa.
“You always asking me that. I told you, I’m still breathing and kicking.” walang habag na sabi ko.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako tinanong niyan ni Hiron.
“Hindi mo lang alam, Candace. Hindi ‘yan mapakali katitingin sa cellphone niyan hanggat ‘di ka nagre-reply.” tumatawang sumbong ni Liyk na ikinasuntok ni Hiron sa braso nito.
I don’t know what’s part in every words he dropped is funny. Tinaasan ko siya ng kilay.
Mabuti na lang dahil inunahan akong magsalita ni Bana, dahil wala rin naman akong mahanap na salitang itugon kay Liyk.
“Uy, Candace, Kesa magmukmok ka diyan sa kwarto mo, bakit hindi ka na lang sumama sa’min nila Astepa sa Sentro mamayang gabi. Paniguradong maraming kababaihan doon dahil kay Gregor, dahil baka sa susunod na eleksyon itutuloy ang yapak ng tatay na si Gob. Escartin kaya ayon at nagpapabango sa mga tao,” sabi ni Bana.
Kada-taon ay nakagawian na ng may matataas na ranko dito, na gumawad ng sayawan sa bulwagan sa Sentro ng Santa Alicia. Lahat ng tao, lahat ng may nais sumayaw… pumaroon at makisayaw sa kasiyahan. Sa likod ng gawad na iyon ang pagkilala sa mga tatakbong indibiduwal na opisiyal kahit pa matagal ang sinasabing eleksyon. Kagustuhan na umugong ang pangalan.
“Ang buhay politika nga naman oh! Sa simula lang ‘yan mabango, pag-tumagal lalabas ang sariling baho. Kung hindi lang gwapo ang batang Escartin. Ay! naku, talaga, maswerte siya dahil kahinaan ko ang mga gwapo.” Tumawa ang dalawang lalaki sa turan ni Bana.
“Oo nga, sasakyan naman ni Hiron ang gamit natin.” Astepa seconded what Bana said.
Tumango ako. Maganda na rin sumama ako sa kanila at baka mabaliw pa ako dito sa bahay kakaisip sa… kanya.
My hand automatically reach a piece of cookies on top of the round table that made of glass, at kumagat ng kaunti.
Matamis iyon kabaliktaran sa mapait na nararamdaman. Pilit ko iyon inubos kahit labag sa kalooban ko ang tamis na nalalasahan.
Bahagya akong ngumiwi nang maramdaman ang presensiya ni Hiron sa tabi ko. Nilingon ko siya, kasabay ng panunukso nila na pinangungunahan ni Liyk.
” ‘Da mobes,” Bana said not perfectly pronouncing the word ‘v’ because her mouth’s full of cookies.
Humagalpak naman ng tawa si Liyk, Astepa just shook her head beside Bana. Umiling na lang ako mga panunukso nila, sanay na akong tuksuhin sa hindi ko alam na dahilan.
Sa nakaraan buwan ay maayos naman ang pakikitungo namin sa isa’t-isa ni Hiron bilang magkaibigan.
Based on their reaction, may iba silang pinapahiwatig doon! Not just pure teased but what they see on Hiron’s simple moved. I stiffined a bit nang maramdaman ang hininga ni Hiron sa likod ng aking tainga.
“Don’t mind them.” he whispered under his breath.
I cleared my throat, lumayo ako ng kunti palayo sa kanya.
“Pupunta ka?” hindi sinasadyang naibulalas ko, hindi pinakitang naiilang dahil sa sobrang lapit niya kanina.
Malamang pupunta siya! gaya ng sinabi ni Bana, sasakyan niya ang gagamitin namin papuntang Sentro mamaya. Pero iyon ang unang pumasok sa isipan ko. Sa dami ng pwedeng itanong sa kanya, iyong halata pang tanong ng isang taong naiilang.
I picked a simple white off-shoulder dress and wore it. It was a white flowing dress that grazed my knees. Na tinernuhan ko ng magkaparehas na kulay-kapeng sandals na may kasamang tali na nakapalibot pataas ‘gang kalahati ng biyas ko.
Bumaba ang tingin ko sa suot na kwintas, half-moon ang disenyo noon. Bukod roon ay wala na’kong ibang suot na alahas.
“Candace, ‘andiyan na sila Hiron.” ani ng isa naming kasambahay.
Tumayo ako sa harap ng salamin at tinanaw muna ng huling beses ang kabuuan bago tuluyan bumaba.
Bana’s wearing a black dress above her knee, hindi masyadong mababa ang neckline noon. Naka-ponytail ang may kahabaang buhok, nakangiti habang kinukuhanan ng litrato ang sarili.
Beside her is Astepa, malayo sa suot namin ni Bana. Simpleng pantalon at kulay-rosas na pang-itaas, atleast nagmumukha pa rin siyang babae dahil sa kulay na suot.
Naka-white v-neck shirt naman si Liyk na pinatungan ng leather jacket, medyo may kaguluhan ang buhok na nababagay sa palaging nakangisi niyang labi.
Samantalang si Hiron naman ay kulay-abo na long sleeves ang suot, nakalislis ang manggas ‘gang siko. Nahuhulog ang ilang hibla ng kanyang buhok sa noo. Seryoso siyang nakatingin sa gawi ko.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. where is the other page of the story?

Leave a Reply


top