TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 23


The moon is full tonight, it’s clearly visible with billions of stars. Look like they gave people underneath a full of hope…great hope for this year.
Humiwalay sa’min si Liyk dahil may sarili itong motorsiklo. So, I ended on the passenger seat beside Hiron, who’s handsomely driving. Tanging relo ang suot sa pulso.
Si Bana at Astepa ay sa likod nakapwesto. “Picture tayo, Astepa. Dali!” Si Bana.
“Mag-isa ka!”
“Kumilos babae ka nga, smile, Astepa… hindi iyon nakabusangot lagi.” And I perfectly imagined Bana’s widely smile on how to smiled infront of Astepa’s poker face.
Napalitan ang huni ng makina ng ingay ng mga tao sa paligid. Pero mas nangingibabaw ang lakas ng tugtog sa bulwagan kung saan gaganapin ang sayawan.
Sa ilalim ng kulay kahel na buwan sa Santa Alicia, nagkakasiyahan ang mga tao. I roamed my eyes around, nanuot sa’king ilong ang amoy ng popcorn. Kita sa kabilang bahagi ang mga nagtitinda ng mga balot, cotton candy, chicharon at iba pa.
Kinuha ni Bana ang braso ko at ipinag-ekis iyon sa kanya, saka ako hinila.
Malawak ang bulwagan, walang pader sa apat na sulok kaya malayang nakakapasok ang malamig ng ihip ng hangin sa pang-gabing ito.
“Doon tayo!” pasigaw na sabi ni Bana para marinig naming apat.
“Tara,” boses iyon ni Liyk.
Pinasadahan ko ng tingin ang aming tinatahak, nasa may pinakadulo na kami umupo, saktong apat na plastik na upuan iyon. Pagkaupo ni Bana ay sumunod ako, pinagitnaan ako nila Bana at Astepa.
Narinig ko ang boses nila Hiron at Liyk, hindi ko iyon maintindihan masyado dahil sa kalakasan ng tugtog.
Nang matapos ang kantang nadatnan ay pumailanlan na naman ng panibagong kanta. Sweet song iyon.
May dalawang pares na nauna ng sumayaw, at may sumunod ulit hanggang sa hindi ko na mabilang ang nasa gitna. They danced with their heart through the melody of the song as the gentle wind concurrently danced with them underneath the moon.
“May I have this dance?” namamaos ang boses na humahalo sa lakas ng tugtog.
I lifted my head. Ngumisi’t tumayo ako mula sa pagkakaupo, at nagpatianod sa pa-anyaya ni Hiron.
He gently wrapped his arms around my tiny waist, and dragged me slowly to him. I put my arms around his neck, at hinayaan ang sariling tangayin ng ritmo ng kanta.
His eyes never leave mine, hindi naiilang ay sinalubong ko iyon. I swear… I tried, but I didn’t felt it.
Sinubukan ko! pero sa subok na iyon ay wala pa ring nagbago. I wanted to let go from the pain, and start from new chapter of my life, again. Pero hindi ko magawang makaalis sa pahinang ‘yon, dahil kahit baliktarin ko man ang libro, at laktawan ang mga pahina… siya at siya pa rin.
Ako ang unang nagbaba ng tingin.
We danced sweetly. Not romantically ‘gaya ng bawat binibitiwang lyrics sa kanta,...


kundi sa anong estado namin ni Hiron ngayon, we both know what the real score between us.
Hindi ako bulag para hindi makita ang mga galawan ni Hiron, hindi ako bingi para hindi marinig ang mga salitang hindi para sa isang kaibigan lamang. Bukod sa lahat, hindi ako manhid para hindi malaman ang pinapahiwatig niya, kahit matagal na nung nagtapat siya sa’kin noong unang taon pa lang kami sa kolehiyo. I think he’d take it slowly what’s his next step dahil hindi pa ako handa.
“Candace,”
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko, ngunit hindi sa kanya dumeretso ang tingin ko, lumagpas iyon sa balikat niya.
I stiffined, my heart suddenly stop from functioning. I can’t hear the loud sounds around me. Tila ang mata lang gumagana sa buong katawan ko, maski ang paglapat ng kamay ni Hiron sa baywang ko ay hindi ko nararamdaman.
Tinatamaan ng liwanag sa gawi niya. Taimtim at nakahalukipkip sa mga nakahilerang upuan ng mga matataas na tao sa Santa Alicia. Nakasandal ang malapad na likod ni Travis sa sandalan ng upuan, magkasalubong ang makapal na kilay. He darkly looked straight ahead and kept talking with Gregor beside him.
When was the last time I saw him? Natatandaan ko pa ang petsa, at anong araw ‘yon. Ngunit hindi ko kayang isatinig isa-isa ang numero sa isipan ko. Itinuring ko na lang iyon na isang bangungot ng nakaraan.
Humigpit ang pagkakatali sa puso nang makitang may lumapit na babae. Si Keith, wala na ang dating suot na salamin sa mata, nakalugay ang mahabang buhok na umaalon. Nakasuot ng may kaiksihang bestida, malayo sa nakasanayan. Tinapik nito ang balikat ni Travis saka nakangiting bumulong.
Magkasalubong ang kilay na tumango ang kanina pang-dahilan kung bakit huminto sa paggana ng katawan ko.
Binalingan niya ulit si Gregor ng tingin, at may sinabi na ikinatawa ng huli.
Travis’ lower jaw protruded as he arrogantly elbowed Gregor nang nginuso nito ang kausap na babae kanina. Then, a smirked plastered on the two soft parts sorround his mouth.
Inayos niya muna ang suot na kulay-bughaw na long sleeves sa pagkakatupi sa kanyang siko . Atsaka, tumayo habang tumatawa sa kaninang binulong ni Gregor. Moments later, I saw how he mellowly run his fingers through Keith’s back vertically covered with thin cloth. At tuluyang nilisan ang bulwagan.
“Something wrong? Gusto mo na bang umupo?” bahagya pa akong niyugyog ni Hiron.
Ako dapat ‘yon… ako dapat ang kasama niya… ako dapat ang dahilan ng pag-ngiti niya… ako dapat ang dahilan kung bakit siya masaya…
That should be me.
Pero dahil sa sariling desisyon, ako ang magdurusa, tiisin ko ang sakit dahil ito ang pinili ko. Panindigan ko iyon dahil iyon ang tamang desisyon. Kahit walang humpay na sakit ang ipalasap sa’kin…tiisin ko. Dahil ako mismo ang lumikha ng sariling pagsugat sa puso.
Kahit may kalakip doon na panghihinayang.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top