TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 4


Hinawakan ko ang ilong ko. Ramdam ko pa rin ang haplos na gawa ni Travis doon. Ngumiti ako na abot sa’king mga mata.
Nagpagulong-gulong ako sa kama, hinablot ko ang isa sa mga paborito kong unan at idiniin sa mukha ko. Sumigaw ako. Sinigaw ko lahat ng kilig na nararamdaman.
Kung kaya ko lang sana na ulitin ang pangyayaring ‘yun. Hindi ako mag-dadalawang isip na ulitin ng paulit-ulit. Nang sa ganun, kahit manlang sa pamamagitan ng paglapit naming dalawa, at kung paano niya ako tignan sa mata nakaramdam ako ng importansya sa buhay niya, na mahawakan niya na parang isa akong babasaging kristal.
But… I forgot, He’s Travis Gellego. The snobbish guy. Walang ibang ginawa kundi pasakitan ang munting kaibigan kong nakatago sa aking dibdib. Kahit gustuhin ko mang balikan ang kaganapang ‘yun. Masaktan at masasaktan pa rin ako, sa kaalamang isang manliligaw niya lang ako na pilit niyang iniiwasan.
Parang isa akong panaginip na ayaw na niyang maalala pa samantalang ako itinuring ko na siyang isang magandang panaginip mula ng makita ko siya.
I sighed. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking puso sa isiping ‘yon. Iniba ko ang posisyon ng aking katawan mula sa nakatihaya kong katawan tumagilid ako.
My eyes darted in the open window. Sumasayaw ang kurtina na nakasabit dahil sa lakas ng ihip ng hangin na pumapasok sa loob ng aking silid. May sariling ritmo ito sa pagsayaw, waring walang pakialaman sa paligid niya.
Why he just can’t love me the way I loved him? Wala ba akong karapatang sumaya habang nabubuhay pa’ko?
Lumaki akong busog sa pagmamahal ng aking mga magulang at sa nag-iisa kong kuya. Pero may kulang. Gusto kong mahalin ako ni Travis. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid, kundi higit pa doon sa binanggit ko.
Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa pala tumutunog. Gumapang ako patungo sa gilid ng kama, tinatamad kong inabot ang cellphone na nakapatong sa mesa malapit sa’king kama.
2 missed call from my mother. I received 5 messages from three person.
Siguro naglalaman ang mensahe ni Keith tungkol doon sa project namin sa isang subject. Siya din ang leader namin. The perks of having a brainy friend. Pero dahil siya si Keith Abuenda, ang striktong leader, wala kang kawala sa kanya.
And I didn’t expect the third person. Binasa ko ang nakarehistrong oras kung anong oras niya pinadala ang mensahe. Halos magkasunod silang dalawa ni Keith.
This is the first time Travis texted me…I mean… ito ang unang nagpadala siya ng mensahe ng hindi ko siya tinetext muna. Everytime he texted me, ako ang unang nagpapadala ng mensahe. Kaya ikinagulat ko ‘to ng husto. Dahil matagal na ding hindi kami nagpapalitan ng mensahe sa isa’t isa.
Not because I don’t like chatting with him but because he hates texting. Biting my lower lip, I excitedly opened his message.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis? Matutuwa dahil nagtext siya sa’kin? O maiinis dahil walang laman ang mensahe niya?
At dahil si Travis ‘yon, tuwa ang pilit kong isinisiksik sa aking dibdib. Hindi dapat ako makaramdam ng inis sa kanya. Dahil kahit kailan siya pa rin ang nagpapasaya sa’king puso. Kahit na kaba ang mas nangingibabaw sa lahat ng nararamdaman ko tuwing nasa paligid siya.
Tinignan ko ulit ang blanko niyang mensahe ‘gang sa may umukil na ngiti sa’king labi.
Did he accidentally hit the send button through my name? But …why?
Ano ang ipinapahiwatig niya sa blankong mensahe?
Nag-aalangan pa ako kung itetext ko siya o hindi? Nagbilang ako ‘gang sampu, at natagpuan ko na lang ang sarili nagta-type sa cellphone.
Ako: You sent blank message, Travis.
Totoo ba ang tinatawag nilang tadhana? Pinaglalapit na ba kami ng tinatawag nilang tadhana? O ang tao mismo ang gumagawa ng sarili nilang tadhana? O sila mismo ang pumipili sa anong nakatadhana sa kanila?


/> Kung tao nga, bakit may mga taong mas pinili ang maging masama? kung pwede namang piliin ang maging mabuti. Ang piliin ang magparaya sa taong minamahal? kung kayang-kaya mo naman siyang ipaglaban.
Will Travis and I last forever?
Ano kaya ang nakatadhana para sa’kin? Pipiliin ko ba ang masama kaysa sa mabuti? Kaya ko bang magparaya, kahit ikakasakit ng puso ko ng husto?
Sa isiping ‘yon. Kung tayo nga ang gumagawa ng ating sarili nating tadhana. Pipiliin ko ang maging mabuti. Lahat naman tayo. Sino ang gugustuhing maging masama? Only to those who want to ruined their self. May choice ka man o wala, pero ‘pag ginawa mo pa rin ang isang bagay na masama… kagagawan mo iyon… hindi dahil inutos ng ibang tao, hindi dahil iyon ang nakatadhana… kundi dahil ‘yon ang pinili mo sa dalawa.
But there’s still a chance, everyone deserve a second chance, and make sure na pipiliin mo na ang kabutihan.
Ayokong magparaya. Magdusa ako at magsakripisyo para sa taong mahal ko.
Dahil mahal ko, ipaglaban ko siya. Kung sa huli matatalo man ako… mauuwi sa wala o maging kawawa… Okay lang.
Hindi ako magsisi dahil para sa’kin, mahirap kung hindi ko sasamantalahin ang pagkakataong maging maligaya ako sa piling ng mahal ko.
Ipaglaban ko siya ‘gang sa mahalin niya ako. Dahil ayoko na pagsisihan ang mga araw na dadaan at tatanungin ang sarili ng maraming “What if?”
I sighed heavily. Marahan kong ipinilig ang ulo ko, pilit iwinawaksi ang anumang pumapasok sa isipan ko.
Nagtipa ulit ako ng bagong mensahe, at pinadala sa kanya. Baka sakaling tugunan niya.
Ako: What are you doing?
I asked. Not bad to start a new conversation with him.
My eyes locked in the screen of my phone. Waiting for his name to appear.
I closed my eyes, wishing to all the genie that his name will appear in the screen of my phone.
Luckily, my wish is granted. My phone beep once.
Travis: Texting.
Nakahiga’y mabilis ulit akong nagtipa.
Ako: Sino pa ang katext mo? Bukod sa’kin.
Namula ang mukha ko nang mapagtanto ang laman ng mensahe ko. Huli na nang tuluyan ng naipadala ang mensahe. Sa oras na’to baka binabasa na niya ang mensaheng hindi ko man lang pinag-isipan ng mabuti!
Baka isipin niyang clingy akong tao. Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw niya akong sagutin.
“Sh*t! Ang tang* mo, Candace!” I cursed myself.
Sinabutan ko ang sarili ko. Tumigil lang ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko, senyales na may bagong mensahe.
Travis: Just you.
Pitong letra. Pitong letra pero milyon ang nagsasaya na paru-paru sa’king tiyan. Higit dalawang daang boltahe ang binibigay nitong intesidad sa’kin katawan.
The beats of my little friend inside my chest is not normal anymore. Parang maiihi ako sa sobrang kilig.
Gusto ko tuloy i-screenshot ang convo namin para i-post sa facebook at ipagyabang sa lahat ng friends ko doon.
My caption would be like this “My Travis’ only texting me. Mainggit kayo, please.”
I typed another new message.
Ako: Ikaw lang din ang katext ko.
Laman ng mensahe ko kahit hindi ako tinatanong. Hindi ako assuming! Advance lang talaga ako mag-isip!
Binuksan ko ang bago niyang mensahe.
Tarrik: Good.
Wala na akong masabi. Pagdating sa kanya nawawalan ako ng sasabihin.
I cursed myself, again and again.
Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko.
Kinuha ulit ang phone, hindi para itext siya kundi maglog-in sa facebook ko.
Itinapat ko ang mukha sa camera at kinuhanan ang sarili na nakangiti.
Tinignan ko ‘yun. Malayang nakakalat sa mukha ko ang ilang takas na buhok, halos hindi na kita ang mata ko dahil sa malawak kong pagkangiti. Napasinghap ako ng may mapagtanto sa itsura kong iyon!
Mukha akong inlove sa picture kong ‘yun!
Pinost ko iyon na may kasamang caption na,
Acantha Candace Mondelo: Best saturday ever! ❤






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. PLAGIARISM IS A CRIME!!!!!!!!
    PLEASE DELETE MY STORY!!!!!!

Leave a Reply


top