UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️ CHAPTER 7: .•°ANG PAGTIBOK NG PUSO NI MAE KAY JC°•.
-ONE MONTH AGO-
.•°❤️°•. Mae’s Pov;
One month past but so many things was changed. Marami narin akong natutunan at masasabi kong handa na ako makipagsabayan sa mayayaman. Pinag-aral ako ni kuya Jc noong una ay akala ko ay sa public school ako papasuk or sa school niya but he told me na most better if kukuha mona siya ng private teacher na magtuturo sa akin para kapag magaling na daw ako tyaka na ako ipapasuk sa school nito, kailangan ko daw matuto ng husto upang maipasa ang exam na kinakailangang sagotan upang makatungtong ako sa gradong dapat kung kinabibilangan. Hindi naman mahirap iyon sa akin dahil mabilis akong natututo at talagang tinatandaan ko ang mga bagay na itinuturo sa akin…
Mabait at magaling din naman ang private teacher ang kinuha ng kuya Jc niya na sa katunayan ay nakapalagayan na rin niya ng loob.
Nakaupo lamang ako habang mag-cellphone, wala kasi akong magawa dahil katatapos ko lamang din sa mga gawaing bahay. Biglang napatingin siya sa relo alas 10 palang ng umaga pero subra na siyang nababagot, wala ang Kuya Jc niya at Ate Patricia niya pariho itong namasyal. Sa nagdaang isang buwan wala ang mga itong inaksayang pagkakataon lagi niyang nakikitang masaya ang mga ito at masaya rin siyang makita na masaya ang dalawang taong umaaruga at kumupkop sa kanya.
Ngunit sa ibang parte ng puso niya ay hindi masaya, laging may kulang at kapag kaharap niya ang binata ay tila namang nasubrahan ito ng bilis sa pagdaloy ng dug* sa bilis na pagtibok.
Kahit anong gawin niya ay hindi niya nagawang takasan ang nararamdaman niya sa binata. Sigurado siyang sa oras na malaman ng binata ang nararamdaman niya dito ay lalayo ang loob nito at ang masak*t hindi nito masusuklian ang kanyang nararamdaman.
Naluluhang lumabas ng condo, wala pa naman sila kuya siguro ay pupunta nalang mona ako sa punt*d ni mama.
🪦 SEMENTERYO 🪦
Nakaupo ako sa damuhan naka harap sa punt*d ng aking ina.
“Ma, malaki na po ako. Mama, alam mo tinulungan ako ni Kuya Jc na makaahon pati ang girlfriend niya po napakabait pa sakin. Pero ma, masama ba ako? Bakit kahit alam kung may girlfriend si kuya ay mahal ko parin ito. Ma, sana nabubuhay ka pa ngayon para sana napapayuhan mo padin ako. Miss na miss na kita mama” naiiyak na pagkausap ng dalaga sa kanyang ina.
Lingid kasi sa kaalaman ni Jc ay nagkakagusto na sa kanya si Mae, sa kailaliman ng puso ng dalaga ay hindi niya madalas mapigilang makaramdam ng sel*s kapag kaharap niya ang magnobyo. Ganon pa man mas gusto niyang manahimik, napakasam* naman niya kung sisirain niya pa ang mga natitirang araw ni Ate Patricia niya.
Agad din siyang umuwi, pagkarating ay naabutan niya na mag isang nanunuod ng tv ang Kuya Jc niya. Nagtaka siya ngayon niya lamang nakitang hindi nito kasi ang Ate Pat niya.
A/N: Madalas niyang tawaging Ate Pat si Patricia dahil mas madali daw bigkasin hihi.
Ngumiti naman ang binata ng makita siyang dumating.
“Where are you from my dear?” Malamb*ng na tanong ng binata na agad namang ikinaalarma ulit ng puso, simpleng mga salita na normal lang naman pero subrang naaapektuhan siya.
“Galing sa sementeryo po, dinalaw si mama” sagot niya.
“Ah, then bat dimo ako hinintay? para nasamahan sana kita” mausisang tanong pa nito.
“I’m fine kuya, ayaw ko din makaabala sa inyo ni Ate. Malaki na din po ako kaya kaya...