UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND Kabanata 8:


UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND
Kabanata 8:
Hindi makapaniwala si Zamora na nakikita niya Ngayon sa kanyang harapan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib para ba itong luluwa dahil sa kaba.
“W-what are you doing here?”.tanong nito sakanya.
“I-ikaw dapat ang tinatanong ko. Anong ginagawa mo rito?”.balik na tanong niya. Nakita niyang napapikit ito na marahil naguguluhan rin.
“S-siguro wrong house lang ang napuntahan mo”.giit niya bago niya ito pagsarhan ng gate.
“Hey, open this door!”.rinig niyang sigaw nito mula sa labas. Dahil sa kaba dire-deretso siya pumasok sa loob at napatigil lang siya ng makita niya si Mariel, ang kanyang stepsister.
“Sino kausap mo doon?”.mataray na tanong nito sa kanya.
“Bakit hindi mo tingnan”.mataray niya ring sabi at saka niya ito nilagpasan. Dumiretso lang siya sa kanyang kwarto.
Pagkasarado niya ng pinto ay pabagsak siyang humiga sa kama at tumingin sa kisame. Napahawak pa siya sa dibdib niya na pa hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog.
‘Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman ang bahay ko?’.ayaw niyang mag-assuming na siya ang ipinunta nito pero hindi niya talaga mapigilan. Paano kung nandito ito dahil sa nangyari sa kanila? Pero malinaw naman ang sinabi nito na wala itong pakialam sa nangyari sa kanilang dalawa.
Napasabunot ng buhok siya dahil sa gulong gulo na ang isip niya.
______
Laglag panga parin na nakatingin si Logan sa itim na gate. Pagkatapos kasi niyang makausap ang dad niya ay napagdesisyonan niyang puntahan ang bagong address ng bahay ng girlfriend niya.
Ngunit sa pagbukas nito ng gate ay hindi girlfriend niya ang nakita niya kundi ang babaeng nasaktan niya at ang babaeng pinaimbestigahan niya pa sa kaibigan niya.
Nakatulala pa ito sa kanya at ganun rin siya. Natulala siya hindi dahil bakit nandito ito? Natulala siya dahil sa simpleng floral dress na suot nito na bumabagay sa kagandahan nito.
Napapalunok pa siya habang pinagmamasdan ito pero agad rin siya nito pinagsarhan ng gate na ikinalaglag panga niya.
“F*ck, what she is doing here?”. naguguluhang tanong niya sa sarili.
Nakapameywang siya habang kagat ang kanyang lab*. Gusto niyang sapak*n ang kanyang sarili dahil sa pagkakapipi niya. Dapat kinausap na niya ang babaeng ito.
Aminado siya na nasasaktan pa ito dahil sa ginawa niya pero, f*ck nagsisi siya dahil doon.
Nagulat siya ng muling bumukas ang gate at doon niya...


nasilayan ang kanyang girlfriend na kuno’t noong nakatingin sakanya.
“L-logan, what are doing here?”.gulat na saad nito. Bumuntong hininga siya at lumapit rito at walang sabing niyakap niya ito.
“Babe, let’s forget what happened yesterday. Comeback with me”.malambing na pakiusap niya habang nakayakap rito. Nagpumiglas naman ito sakanya at agad siya sinampal.
“How d*re you to hug me? Hindi pa ba malinaw sayo na break na tayo!”.bulyaw nito sakanya.
“No, Mariel. Eight years tayong nagkarelasyon tapos gusto ko kalimutan ko iyun. Hindi ko kaya”.wika niya
“Then kayanin mo. Dahil hindi na ako babalik saiyo. I’m with Angelo na. Forget the past, Logan”.madiing sabi nito. Napakuyom siya ng kamao.
“Dahil ano? Dahil mas mayaman ang Angelo na yun? Huh?”.galit na tanong niya. Hindi na niya napigilan ang sarili na magalit.
“Eh ano naman?”.parang wala lang na sagot nito.
“He’s rich, than you Logan. Malaki ang pangarap ko at isa na doon ang magkaroon ng magandang buhay na hindi ako maghihirap”. paliwanag nito.
“Kaya pwedeng ba umalis ka na!”.pagtataboy nito sakanya.
“Pagsisisihan mong nakipagbreak ka saakin, Mariel. Kung dahil lang pera kaya mo ako hiniwalayan pwes nagkamali ka, Mariel”.nagtaka naman ang dalaga.
“Ano bang pinagsasabi mo?”.taka nito
“Hindi mo ako lubusang kilala, Mariel. At kapag nakilala mo ako ay baka lumuhod ka pa sa harapan ko”.nagulat siya ng tumawa ang dalaga.
“Ikaw na ang nagsabi, Logan na eight years tayong nagsama. Kaya kilalang Kilala kita”.ani to.
“Mas mayaman ako sa Angelo mo, itatak mo sa utak mo iyan”.lalong naguluhan ang dalaga.
Inayos niya ang suot na polo bago niya kunin ang isang pulang sobre na invitation card. At ibinigay niya sa dalaga.
“Ano toh?”.
“Invitation card yan from Valderema’ party”. paliwanag niya.
“Anong meron? At tsaka pa’no ka nagkaroon ng card mula sa mga Valderema?”.tanong nito.
“Wag ka nang magtanong pa. Kunin mo yan at sana makadating kayo”.ani niya.
“By the way, sino yung babaeng giyan sa inyo?”.napakunot ang dalaga at napataas ang kilay.
“Wag mong sabihing interesado ka sa kapatid ko?”.mataray na sabi nito.
“Kapatid?”.gulat niyang tanong
“Nope, anak siya ng bagong Asawa ni, mom. At saka pwede ba umalis ka nalang at wag mo rin pagkainteresan ang babaeng yun”.inis nitong sabi sakanya at saka siya nito tinalikuran.
Naiwan naman siya ng puno ng pagtataka.
A/N: Ano kaya Ang mga susunod na mangyayari?😅






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top