UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND Kabanata 9:


UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND
Kabanata 9:
Hindi na pigilan ni Zamora ang lumuha. Sobrang sakit Kasi ang nararamdaman niya Ng marinig niya ang buong pag-uusap ng stepsister niya at si Logan, ang lalaking nakaonenight niya.
Oo, nandun siya ng marinig niya ang mga pag-uusap ng dalawa. Paakyat na sana kasi siya noon oras na iyun ng maalala niya na nahulog niya pala yung kwintas niya dahil sa pagtakbo niya.
At nang makalapit siya sa gate doon niya nakita ang dalawa at narinig ang pinag-usapan nito.
Nasasaktan siya kung bakit ang stepsister niya pa ang girlfriend nito? Bakit kailangan ito pa? Pero ang mas masakit ay parang mahal pa nito si Mariel.
Akala niya pa naman ay siya ang sadya nito pero Ngayon malinaw na nasi Mariel talaga ang pakay nito.
It’s hurt.
Maya maya pa ay napatigil siya sa pagmumuni-muni dahil may kumatok sa kwarto niya.
“Magdi-diner na po kayo ma’am, nandoon na rin po sa baba ang daddy nyo”.ani ng maid na ito ng kanyang pagbuksan.
Tumango nalang siya. Pakiramdam niya wala siyang ganang kumain pero kailangan niya dahil baka isipin ng mag-ina na iyun ay mahina siya. Tsk
Pagkababa niya ay deretso siya sa hapagkainan. Naabutan niya doon ang daddy niya kasama ang dalawang mag-ina.
“Nangiyan ka na pala, anak. Umupo ka na at kumain”.ani ng daddy niya. Ngumiti lang siya ng tipid at umupo sa side nito.
“Dad, may invitation pala galing sa mga Valderema”.biglang sabi ng kapatid niyang Mariel.
“Tungkol saan?”.taka naman ng dad niya. Nakikinig lamang siya.
“Ang sabi daw, about sa party. But I don’t know what it’s talking”.ani nito.
“Ahh, Oo nakausap ko si Mr. Valderema kanina nung pumunta siya sa company”.
“Talaga hon, anong sabi niya?”.curios na tanong ng kab*t ng dad niya.
“He said, na may papalit na sa pwesto niya bilang CEO ng Valderema Bank Philippines”.ani nito. Nakita niya ang panlalaki...


ng mga mata nito.
“Oh my goodness, sino daw?”.halos gulat ang babaeng ito. Napairap lang sa isip si Zam.
“Yung anak, daw nito”.sagot nito.
“Oh my goodness, I’m so excited na makilala kung sino yung anak nito”.parang kinikilig na sabi nitong Mariel. Muli ay napairap sa isip si Zam.
‘Kahit kailan talaga napakal*ndi’.ani niya sa isip.
______
“So, hindi ko na pala kailangang imbestigahan ang babaeng yun, pwede mo naman itanong sa girlfriend mo ahm I mean ex girlfriend mo ang pangalan nun”. tiningnan niya ito ng masama dahil sa ‘ex girlfriend’na sinabi nito.
“Ituloy mo parin, at may nakuha ka bang balita?”.tanong niya. Nagcross-arm ito at ngumisi.
“Nagkita di ba kayo bakit hindi tinanong Yung pangalan niya”.muli napam*ra sa isip si Logan lalo’t naalala niya yung pangyayari kanina sa gate.
“Tinalikuran niya ako”.medyo inis na sambit niya. Narinig niya ang pagtawa nitong kasama niya.
“Seriously bro? Tinalikuran…pft”.natatawang ani nito. Inirapan niya ito at iniinom ang wine.
Nandito sila ngayon sa bar ng kanyang kuya. Wala ngayon ang kuya niya dahil may business trip ito.
Maya lang may ibinigay sakanya itong envelope.
“Ano toh?”.taka niya
“Profile ni Zamora”. nakangising saad nito.
“Who’s Zamora?”.
“Yung babaeng tinalikuran ka,.pft”.pagbiro nito
“Tsk”.
Binasa niya ang profile nito.
“Zamora Montes, fashion model, twenty-seven years old”.pagbasa niya. Napangisi siya ng makita ang mga hot photos na kasama sa ibinigay ng kaibigan niyang ito.
“Grabe ang seksi niya bro”.bigla siya napatingin sa katabi at ngayon niya lang nakitang nakatitig itong playboy niyang kaibigan. Agad niya naman itong sinapak dahil sa titig na titig ito sa litrato ni Zamora na nakatwo-piece.
“Aray… what’s wrong bro”.reklamo nito
“Hindi ko gusto yang titig mo”.inis na sambit niya rito habang masama ang tingin niya. Ngumisi naman ito.
“Possessive, boy”.
A/N: baka po maging slow-update po ako mga dear readers dahil may exam po kasi kami eh at kailangan ko ring magreview☺️❣️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top