UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND


UNFORGETTABLE ONE NIGHTSTAND
Teaser: Paano kung ang nakaonenight mo ay ang boyfriend ng magiging stepsister mo? Minahal mo na ito nung may nangyari na sainyo pero hindi ka mahal nito dahil stepsister mo parin Ang laman ng puso nito.
Hanggang saan kayang masaktan ng ating bida nasi Zamora Montes na minahal na niya ang nakaonenight niyang si Logan Valderema…
Kabanata 1:
“Dad! Did you hear yourself? Hihiwalayan nyo na si mommy na hindi nyo man lang pinapakinggan ang side niya!”.bulyaw ng dalaga sa kanyang ama.
“Don’t shouting on me, Zamora!. Niloko ako ng mommy mo kaya wala nang dahilan para maghanap ako ng magiging kapalit niya”.galit na sabi nito sa anak.
Napaiyak siya at nanlumo. Wala na, Wala na ang dati nilang masayang pamilya. Dalawang buwan palang ang lumipas simula ng maghiwalay ang mga magulang niya dahil sa isang hindi pagkakaunawaan.
“Dad, mom want to explain to yo–“.
“Stop it, Zamora. Hindi ko na pakikinggan ang mom mo. Kaya tanggapin mo na ang babaeng mamahalin ko at soon to be my wife at magiging mommy mo na rin”.saad nito. Umiling siya.
“No dad. Mom will never replace her position na siya parin ang mommy ko. Siya at wala nang iba”.madiing sabi ng dalaga. Bago siya lumabas sa kwartong iyon. Narinig niya pa ang sigaw ng pangalan niya rito ngunit hindi na niya ito nilingon.
Paglabas niya ay naabutan niya pa ang magiging stepmom niya na ngayon ay nakangisi sa kanya.
“Hi, my stepdaughter”. nakangising anito. Pinunasan niya ang mga luha bago matiim tiningnan ang kerida ng daddy niya.
“Itong tatandaan nyo, miss Beatrice. I will never treating you as my new mom dahil alam kung pera lang ang habol mo kay, dad!”.sigaw niya dito. Ang kaninang nakangiting mukha nito napalitan ng inis.
“Dahan-dahan ka sa pananalita mo, darling. Dahil kahit anong gawin mo ay ako na ang bagong mahal ng dad mo and your mom now is over”.sabay ngiti nitong nakakaasar at nilagpasan siya.
Nanlumo siya kaya naikuyom niya ang kamao niya. Tumayo siya at agad lumabas ng bahay. Sumakay siya sa...


kanyang kotse at agad pinaandar ang makina.
Habang sakay sa kotse ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan.
“Hey, besh. Why did you call?”.tanong nito.
“Let’s meet in a bar”.walang anlilangang Sabi niya.
“Wait.. what? What happened?”.sunod na tanong nito.
Napahikbi siya ng maalala ang nangyari kanina.
“Mamaya ko nalang sasabihin sayo. Let’s drink this night”.at pinat*y na niya ang call.
Umiiyak siya habang nagmamaneho. Hindi niya matanggap na kanyang pag-uwi sa dad niya ay may iba na ito.
Ano nalang ang sasabihin niya sa Mommy niya? Na may iba na ito. Siguradong iiyak na naman ito at magkukulong sa kwarto.
______
Sa kabilang banda ay may dalawang magnobyo/nobya ang nag-aaway sa isang condo.
“Paano mo nagawa toh sa’kin, Mariel? Minahal kita pero nil*ko mo ako!”.halos mamaos ang boses ng binata habang nagsasalita. At ang dalaga naman ay tahimik na humihikbi sa sofa.
“I’m sorry, Logan”.tanging sambit ng dalaga
“Sorry?! For p*ste sake. Kailan mo pa ako nilol*ko at pinagpalit giyan sa Angelo na yan!?”.galit na galit na tanong ng binata.
“Wag mo nga siyang sigawan, Logan!”.suway sa kanya ng binatang nagngangalang Angelo. Galit niya ito sinulyapan.
“You! Shut up!”.
“Pwede ba tumigil ka na, Logan. Yes, nil*ko kita at pinagpalit kay, Angelo. Angelo is rich at bubuhayin niya ako dahil mayaman siya at may sariling negosyo. Eh, Ikaw ano ang ipapakain mo sa’kin kung Wala ka pa ngang naitatayong negosyo”.sumbat ng dalaga sa binata na ngayon ay nadurog ang puso.
“Gusto mo magkaroon tayo ng pamilya kung pera nga wala tayo. You’re not rich Logan buti pa si Angelo may bahay na itinayo para sa’kin kaya let’s end this bullsh*t relationship”.ani pa ng dalaga.
Hinila nito si Angelo at lumabas. Naiwan ang binata na parang pira-pirasong nadurog. Hindi niya matanggap na ang eight years nilang relasyon ay bigla nalang naglaho na parang bula.
Dahil sa sakit. Napag-isipan niyang pumunta sa bar na pagmamay-ari ng kanyang kuya. Yes, mayaman talaga siya. Mayaman na mayaman ang angkan nila. Hindi nga lang ito alam ng nobya niya dahil iba ang profile na ginagamit niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top