UNWANTED LOVE CHAPTER ELEVEN


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER ELEVEN
Nagdesisyon na si Trisha, pagbibigyan niya si Bryan na manligaw sakanya. Mahal naman niya ang binata at alam niya kung gaano siya kamahal nito. Sapat na ang pinapakita ng binata na pagmamahal at pagaalaga sa anak niya. Naging masaya si Brayll dahil sa sa pagdating nito, kaya wala siyang dahilan para tumanggi.
Umuwi silang masaya, lalo na si Bryan. Gagawin niya ang lahat para mapasagot ang babaeng mahal niya. Nag offer din siya kay Trisha na ito na mismo ang magsusuply ng mga bulaklak sa hotel. Tinanggap naman iyon ni Trisha at hinihintay nalang ang pipirmahan niyang kontrata.
Pagkalipas ng ilang buwan ay lumaki ang negosyo ni Trisha. Ang maliit niyang shop ay pinalaki ni Bryan nagdagdag na din siya ng mga tauhan upang makasama sa pagbebenta ng mga bulaklak. Nagkaroon na din siya ng limang delivery truck para magsuply sa mga karatig bayan.
Dahil nakaipo na si Trisha ng pera ay bumili siya ng sarili niyang kotse. Tinuruan na din siya ni Bryan mag drive. Lalong naging masaya si Brayll dahil nakikitang masaya na ang kanyang ina at may masaya siyang pamilya.
Nalalapit na ang ika- limang taon ni Brayll at ang tanging wish niya lang ay isang family picture kasama sina daddy Bryan at mommy Trisha niya, at ang magsama-sama sila habambuhay.
“Mommy kailan mo po ba sasagutin si daddy Bryan, i already want a little brother or sister”, minsang tanong ni Brayll ng sunduin siya ng kanyang mommy sa paaralan.
“Ok baby, i want to surprise your daddy. Can you help me?”, ang masayang sabi ni Trisha.
“Of course mommy”, sagot ni Brayll.
Malapit na ang father’s day kaya balak surprisahin ni Trisha si Bryan. Dahil naging ama naman ito sa anak niya kaya deserve niya ang father’s day celebration. Kinausap na niya si Manang Saleng na magluluto sila ng masasarap na pagkain para sa dinner. Kinausap niya din ang anak na huwag sabihin kay Bryan ang tungkol sa surprise.
Linggo na noon, dahil weekend ay hindi nagbukas ng shop si Trisha. Pero si Bryan ay may out of town meeting daw kaya buong maghapon itong mawawala sa bahay.
“Anong oras ka uuwi?”, tanong ni Trisha.
“Mga five or six pm na siguro”, sagot ni Bryan.
“Tawagan mo nalang ako pag nasa daan kana pauwi. Mamamasyal kasi kami baka mawili ang bata gabihin din kami”, bilin ni Trisha.
“Ok sige, wala ba akong good bye kiss jan kahit na sa pisngi lang?”, ang kindat ni Bryan kay Trisha sabay ngiti.
Lumapit naman si Trisha at saka hinawakan ang kaliwang pisngi ni Bryan.
“Anong ginagawa mo?”, nagtatakang tanong ni Bryan.
“Hahawakan ko ang pisngi mo para halikan ang kabila. Baka kasi gayahin mo ang iba na kunwari magpapahalik sa pisngi, pero ibabaling ang mukha para sa labi ang mahahalikan”, mataray na sagot ni Bryan.
“Ikaw talaga napaka sigurista mo”, natatawang sambit ni Bryan at hinayaan nalang niya si Trisha.
Hinalikan ni Trisha ang pisngi ni Bryan, may kung anong boltahe ang lumukob sa pagkatao niya. Na para bang may nagliliparan na mga paro-paro sa sikmura niya pataas sa puso niya, dahilan kaya bumilis ang tibok ng puso niya.
“Thank you for that sweet kiss, I love you”, wika ni Bryan sabay haplos sa pisngi niyang hinalikan ni Trisha. At saka na sumakay sa kotse...


niya.
Sa katunayan ay hindi out of town meeting ang pupuntahan ni Bryan. Babalik siya sa lugar nila para kausapin si Jay, upang masigurado ang kapakanan nila Trisha at Brayll.
“Welcome to NBI secret agent Bryan Della Sella”, ang bati ni Jay kay Bryan ng pumasok ito sa opisina.
“Ano ka ba bro sinali mo pa talaga ang secret agent. Dati pa yun, di na ngayon”, ang sabi ni Bryan.
Oo, isang secret agent si Bryan bukod sa pagiging engineer nito. Ngayon ay heto siya at hihingi ulut ng badge para maging secret agent ulit.
” Sabi na nga ba bro kukunin mo na yang badge mo eh”, sabi ni Bryan.
“Lalo na ngayon bro nandito na si Leo, para kahit papano magagamit ko din ang baril kung sakaling may ginawa siyang mali”, wika ni Bryan.
Nagpaalam na ang binata, bibisitahin niya ang negosyo niya at magappahinga saglit sa bahay niya. Pagpatak ng alas kuwarto ay umuwi na siya dahil sabik na syang makita ang mag-ina.
Samantala, kasalukuyang naghahanda sila Trisha at Manang Saleng. Halos naluto na nila ang mga pagkain ng tumawag si Bryan na malapit na siya. Nagbihis na si Trisha ganun din si Brayll. Kinuha nila ang cake na nasa ref at pagkaraan ng ilang minuto ay may dumating ulit na nagdiliver ng isa pang cake. Hindi na binuksan ni Trisha ang kahon dahil sorpresa niya kay Bryan iyon.
Madilim na ng makauwi si Bryan, nagtataka siya kung bakit walang ilaw sa loob ng bahay kay dali-dali siyang pumasok. Pagpasok niya ay may mga kandilang nasa sahig nakaayos iyon papuntang kusina. Kinakabahan na si Bryan dahil baka pakana na ni Leo iyon, dahil wala siyang naririnig na tinig ng mga nakatira doon. Padating niya sa kusina ay nagulat nalang siya sa mga sigaw.
“Happy father’s day!”, sabay-sabay na sigaw nila Trisha, Brayll at manang Saleng.
Ng matauhan si Bryan mula sa pagkagulat ay yinakap niya ng isa-isa ang tatlo. Malawak ang ngiti niya dahil hindi niya akalaing mangyayari ang bagay na iyon.
“Dahil nagpaka-ama ka kay Brayll kaya naisip namin to you deserve this celebration Bryan”, nakangiting sabi ni Trisha.
Tinignan ni Bryan ang cake at nakasulat doon ang “happy father’s day daddy”. Sumunod na binuksan niya ang isa pang cake at laking gulat niya ng mabasa ang nakasulat doon.
” Happy father’s day sweetheart. I LOVE YOU from Trisha”. Maging sina Manang Saleng at Brayll ay nagulat sa nabasa. Ng tumingin ang binata kay Trisha ay nakangiti na ito ng buong tamis.
“Really?”, alangang tanong ni Bryan.
“Yes”, ang biglang sagot ni Trisha.
Hindi na nakapagpigil pa si Bryan yinakap niya ng buong higpit si Trisha, saka niya hinalikan ang labi nito. Tinakpan naman ni Manang Saleng ang mga mata ni Brayll dahil pati ang bata ay kinikilig sa mga nakikita.
Wala ng mas sasaya pa sa gabing iyon, iwinaksi na ni Trisha ang pagdududa kay Bryan dahil nangibabaw ang pagmamahal niya sa binata. Ang tanging pinagdadasal nalang niya ay sana hindi na magpakita ang tunay na ama ni Brayll, at sana hindi si Bryan iyon.
So pano hanggang dito muna ang chapter 10, happy father’s day po sa mga asawa at ama ng mga masusugid kong taga pagbasa. Enjoy po muna natin ang araw na ito kasama sila. Kita kits nalang po tayo sa next chapter. Keep safe po love you all😘😘😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top