UNWANTED LOVE CHAPTER FOUR


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER FOUR
Kumatok si Trisha sa bahay nila mommy niya, pinagbuksan siya ni Manang Saleng at pinapasok.
“Manang si mommy?”, ang naiiyak na tanong ni Trisha.
“Nasa likod iha nagpapahangin”, ang sagot ni Manang Saleng.
Agad na pumunta si Trisha sa likod at nadatnan niya ang kanyang ina na nagbabasa ng magazine.
“M-mom”, ang sambit ni Trisha.
“Oh anak nakauwi ka? Kumusta kana? Bakit ganyan ang itsura mo?”, ang sunod-sunod na tanong ni Mrs. Caridad, ang kanyang ina.
“Sino ang mga Dela Peña mommy?”, ang agad na tanong ni Trisha, hindi na niya pinansin ang mga tanong ng kanyang ina.
“A-anong ibig mong sabihin? Nakilala mo ang mga Dela Peña?”, ang garalgal na boses Mrs Caridad.
“Mommy sino ba ang tunay kong ama, sabi mo sakin patay na siya bakit ganito ang nangyayari sakin”, ang umiiyak ng sabi ni Trisha.
“Sinaktan ka ba nila ha?”
“Mommy!”
Natigilan si Mrs Caridad dahil hindi na maayos ang anak, yinakap niya ito at saka hinaplos ang likod nito. Patuloy parin sa pagiyak si Trisha, at ilang sandali ay huminto na ito at saka umupo. Inumpisahan na ng kanyang ina ang pagkwento tungkol sa ama niya.
Magkaibigan noon sila Caridad at Enricho, hanggang sa nahulog ang loob nila sa isat’t-isa at nagmahalan. Pero itinago nila iyon sa pamilya ni Enricho dahil may babae silang inirereto sakanya, si Mildred. Ngunit ayaw ni Enricho kay Mildred dahil mas mahal niya si Caridad.
Ng malaman ng mga magulang ni Enricho ang kanilang relasyon ay pinigilan nila ito, hindi daw nila kapantay si Caridad dahil anak siya ng isang mangingisda. Samantalang si Mildred ay anak siya ng negosyante kagaya nila. Pinaglaban ni Enricho si Caridad at sila ay nagtanan.
Ng natunton ng mga magulang ni Enricho at ni Mildred ang kinaroroonan nila ay sumugod si Mildred at sinabing buntis siya. Dinala niya ang isang CD na naglalaman ng video ng pagniniig nilang dalawa ni Enricho.
Sobrang nasaktan si Caridad, at kahit anong paliwanag ni Enricho ay hindi na niya pinakinggan. Lumayas si Caridad ngunit nahanap siya ni Enricho. At bago pa ikasal ang binata kay Mildred, ay nagsama sila at may nangyari.
Nalaman iyon ng mga magulang ni Enricho, pinagbantaan nila si Caridad na kung hindi siya lalayo ay ipapapatay nila ang pamilya niya. Dahil sa takot ay umuwi siya sa kanila, ngunit galit na galit sakanya ang mga magulang niya kaya napilitan siyang makipagsapalaran sa Manila.
Doon na rin niya pinanganak si Trisha, at sinabi nalang niya na patay na ang ama nito dahil ayaw na ni Caridad ng gulo. At lalong lalo na na ayaw niyang saktan nila ang anak niya kapag nalaman ng mga Dela Peña na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Enricho.
Tahimik lamang na nakikinig si Trisha sa kwento ng kanyang ina. Ramdam niya ang sakit at hirap bg dinanas ng kanyang ina, at kung hindi sana pinigilan ang pagmamahalan nila ng kaniyang ama ay hindi na niya nararanasan ang pinagdadaanan niya ngayon.
“Ngayon anak sabihin mo ang ginawa nila sayo”, ang nagngingitngit ng sabi ni Mrs Caridad.
Sinalaysay lahat ni Trisha...


ang nangyari, maging ang pakikiniig niya sa isang estranghero. Wala siyang linihim sa kanyang ina. Umiiyak na din ang kanyang ina dahil sa sinapit ng anak.
Pagkaraan ng ilang linggo ay nararamdaman na ni Trisha ang pagbabago sa katawan niya. Nasusuka na din siya at nahihilo, lahat ng sintomas ng nagbubuntis ay nararanasan na niya. Delay na din siya kaya napagpasiyahan niyang magpa check up sa doctor. And at last, it was positive. She was pregnant because of the stranger.
Pag-uwi niya sa bahay nila ay nagkulong siya sa kwarto at doon umiyak. Nag-alala ang kanyang ina kaya pinilit nitong makapasok sa kwarto niya.
“Anak ano bang nangyayari sayo ha?” ang naiiyak ng tanong ni Mrs Caridad ngunit hindi umimik ang anak.
Nakita niya ang isang envelope at binuksan, result iyon ng check up ni Trisha at nakitang positive ito.
“Pinangarap ko mommy na maging buo ang magiging pamilya ko. Na ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko na walang ama. Pero hindi ko natupad ang pangarap kong iyon mommy”, ang umiiyak na sabi ni Trisha.
“Huwag kang mag-alala ha hindi kita pababayaan, makakamove on ka din kapag nakita mo na ang anak mo. Buhayin mo ito para may magmamahal sayo at hindi ka iiwan, katulad ng pagmamahalan nating dalawa”, ang malambing na sabi ni Mrs Caridad.
Pagkaraan nga ng ilang buwan lumipat na ang kanyang pamilya sa probinsya at tanging si Manang Saleng nalang ang naiwan sakanya at nagsilbing ina niya habang nagbubuntis. Minahal niya ang bata sa sinapupunan niya at ng ipinanganak niya ito ay isang malusog na batang lalaki.
Wala siyang maisip na ipangalan ng bigla niyang maalala si Bryan, kung kaya Brayll nalang ang ipinangalan niya. Napalaki niya ng maayos si Brayll kahit walang katuwang at doon niya napagtanto na totoo ang sinabi ng kanyang mommy. May natira pa sa perang naipon niya at nagpatayo ng sariling negosyo at iyon nga ang flower shop niya. Doon na natapos ang pagkwekwento ni Trisha kuna Cindy at Lester tungkol sa naging buhay niya.
Hindi mapigilan ni Cindy na maiyak, yinakap naman siya ni Lester para mapagaan ang loob niya. Pagkatapos ng kanilang paguusap ay kumaen na sila ng hapunan, naging masaya ulit si Trisha at lalong lalo na ang anak niya dahil ngayon lang nito nakita na humahalakhak ang ina.
“May flower shop si Trisha diba bat hindi nalang siya ang kunin natin na magayos ng mga bulaklak sa kasal natin”, ang sabi ni Lester.
“That’s good ide, at syempre magiging ring bearer ang baby Brayll namin”, ang masayang sabi ni Cindy.
“Really tita, sige po gusto ko yun magdadala ako ng ring niyo at ipag prepray ko na kasing gwapo ko ang magiging baby niyo”, ang masayang sabi ni Brayll.
Napuno ng halakhakan ang buong bahay dahil sa sinabi ng bata. Masaya din si Cindy dahil sa wakas malalagay na sa tamang lalaki ang kaibigan niya, at sa kabila ng napagdaanan nilang pagsubok ay sa simbahan ang tuloy nila.
UP NEXT. . . .
Ang kasalang Lester at Cindy.
Imbetado lahat ng readers na pumunta sa kasal nila ah hehe wag kalimutan iyon kasi happily ever after na ang ateng Cindy natin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top