UNWANTED LOVE CHAPTER TWELVE


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER TWELVE
“Yes finally I win your heart!”, sigaw ni Bryan habang buhat si Trisha at saka umikot-ikot. Napatili naman si Trisha dahil sa gulat at takot na baka mabitawan siya ni Bryan.
Tawa din naman ng tawa sina Manang Saleng at Brayll habang nagaperan silanv dalawa. Napagusapan nilang kumaen na para mapagsaluhan ang araw na iyon.
Naging masaya ang lahat sa bahay, parang isa na silang pamilya dahil natupad din ang wish ni Brayll. Pero ang tanging hiling niya sa mommy at daddy niya ay magkaroon siya ng kapatid. Upang may kalaro siya at maaalagaan. Pero tawa lang ang sagit ni Trisha dahil hindi pa daw siya handang magbuntid ulit.
Hindi din nagsasama ang magkasintahan sa iisang kwarto. Desisyon iyon ni Trisha dahil hindi pa naman daw sila mag asawa, magkasintahan lang. Iginalang iyon ni Bryan. Pero nahahalikan naman ng binata ang labi ni Trisha at nayayakap sa paraan na gusto niya.
Ngunit sa tuwing naghahalikan ang dalawa ay may isa sa kanila ang pumuputol nun para hindi sila humantong sa bagay na ayaw pa ni Trisha. Sa tuwing lumalapat ang labi ni Bryan sa labi niya, ay hindi niya maiwasang mag sink in sa utak niya ang halik ng ama ni Brayll. Kapag ganun na ang naiisip niya ay tinutulak niya si Bryan. Umabot ang relasyon nila ng sampong buwan. Masaya naman sila sa set up ng buhay nila.
Isang araw sinabi ni Bryan na gusto niyang ayusin ni Trisha ang garden ng resort niya sa probinsya. Pumayag naman ang babae dahil may alam naman siya sa landscaping. Bumyahe sila at naiwan si Brayll dahil nag-aaral ito. Pagkarating nila sa resort laking gulat niya ng makita ang kabuuan niyon. DELLA SELLA’ RESORT ang pangalan nito.
Hindi dahil sa lawak at laki ng hotel, bar at restaurant niyon. Kundi dahil ito ang lugar kung saan dinala siya ng driver ng taxi noong panahong lubog siya. Lugar kung saan niya nakuha si Brayll. At pagmamay-ari pa ito ni Bryan. Papasok na sila sa restaurant at nasa likod siya ng binata.
She saw the bar and she turned her way para pumasok sa dito. Liningon niya muna si Bryan ng tuluyan na siyang nasa loob, mabuti nalang at hindi nito napansin ang pag-iba niya ng daan. Linibot niya ang paningin sa kabuuan ng bar, dati parin ang itsura nito. Presko ang hangin galing sa dagat, bagamat hindi pa gabi ay wala pang masyadong mga tao na umiinom.
Nalingunan niya ang isang waiter, naaalala pa niya ito na nagbigay noon sakanya ng order niyang tequila. Linapitan niya at kinalabit.
“H-hi naaalala mo pa ba ako?”, tanong ni Trisha.
“Po?”, ang gulat na sagot ng waiter at tila ba aligaga dahil sa presensiya ni Trisha.
“Four years ago, nung uminom ako dito at alam ko ikaw yung waiter na nagserve sakin. Naalala mo na?”, ang tanong ulit ni Trisha.
“Ah ehh pase na kayo ma’am, sa tagal na po nun at sa dami na po akong sinervan dito hindi ko na po kayo maalala”, naiilang na sagot ng waiter.
“Ganun ba, may importante sana akong itatanong sayo. Kasi nung lasing ako may lunapit sakin na lalaki at binuhat ako papunta sa isang kwarto. Tapos ayon may nangyari...


samin at nagbunga yun. Hinahanap nga siya ng anak namin eh. Kilala mo ba siya?”, patuloy ni Trisha.
Alam niyang may alam ang waiter at hindi lamang nagsasabi ng totoo. Ngayong andito na siya siguro hindi na din masama ang magimbistiga ulit. Magsasalita na sana ang waiter pero biglang dumating si Bryan.
“Sweetheart what are you doing here? Akala ko ba kakain na tayo, ready na ang pagkain”, wika ni Bryan.
“Oh sorry naakit kasi ako sa itsura ng bar kaya nagtanong ako ng mga details about dito”, pagsisinungaling ni Trisha.
Let’s go”, patuloy niya.
Bago tunalikod si Bryan ay kinindatan niya ang waiter, nagpapahiwatig ng pasasalamat sa hindi nito pagamin kay Trisha. Pagkatapos kumaen ng dalawa ay ilinibot ni Bryan ang kasintahan sa resort at itinuro ang nga gustong palitan na halaman. Naiplano naman na ni Trisha ang gagawing landscaping habang naglilibot sila.
Huli nilang pinuntahan ang hotel ng resort, hindi na tuloy maiwasan ni Trisha ang maalala ang lalaking nakaniig niya. Tumingala siya at nasilayan ang kwarto kung saan naganap ang pagniniig nila. Napalunok siya sa kaba dahil pakiramdam niya at malapit na niyang malaman ang kasagutan sa mga tanong niya.
“Do you want that room sweetheart?”, pukaw pansin ni Bryan kay Trisha.
“Ah no sweetheart, pinapaupahan mo yan diba kaya hindi ko dapat piliin kong hindi na bakante”, wika ni Trisha.
“That was vacant, hindi ko na yan pinapaupahan and i owned that, gusto mong silipin?”, tanong ni Bryan. Tumango naman si Trisha at pinuntahan nga nila.
Pagkabukas ng pinto ay bumulaga kay Trisha ang ayos nito. Maganda na ito di tulad ng dati, maraming mga gamit na parang tinitirhan ng permanente. Napalunok siya ng makita ang kama, naalala niya ang dugo na nasa bedsheet noon.
-Ang kwarto kung saan nawala ang pagkababae ko- sabi ni Trisha sa isip niya.
“Kailan mo pa ito hindi pinaupahan?”, tanong ni Trisha.
“Four years na ata yun, ang ganda kasi ng view kaya ginawa ko nalang private”, sagot ni Bryan.
“May problema ba?”, tanong niya.
“Wala, wala ang ganda kasi”, wika ni Trisha at pilit na ngiti ang ibinigay niya sa binata.
“Dito ka nalang magstay, sa bahay din ako. Mamaya pupunta tayo dun para makita mo, sige na pahinga kana ipapaakyat ko nalang yung nga gamit mo”, wika ni Bryan at saka na sinarado ang pinto.
Napabagsak si Trisha sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya akalaing ganun ang nararamdaman niya ng malaman na apat na taon ng inalagaan ni Bryan ang kwartong iyon. Ibig sabihin importante sakanya ito, imposible na gawin niyang private room iyon kung walang dahilan.
Bumalik sa isip niya ang pagdududa, hindi niya alam kung paano masisimulang magtanong kay Bryan. Napakabait nito kaya nahihirapan siyang alamin ang totoo. Dahil sa oras na nalaman niya ay kamumuhian na niya ang kasintahan.
Nakaisip siya ng paraan, susubaybayan niya si Bryan. Lalo na andito na siya sa resort kailangan niyang makakuha ng bagay na gagamitin niya para ipa DNA sina Bryan at Brayll. Yun na lamang ang alam niyang paraan, kung ayaw sabihin ni Bryan ang totoo siya ang gagawa ng paraan para matuklasan ang gusto niyang malaman.
Magwawagi kaya si Trisha sa gagawin niya? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top