UST MAIN BUILDING


NOTE:
Pasensya kung hindi maayos ang pagkaka kwento ko dahil kapag naaalala ko itong pangyayari na to, kinikilabutan parin ako.
This creepy story happened last December 2015. Dalawa kami ng classmate ko na pumuntang UST para mag inquire for college. Ang sabi sa amin sa registrar, ang faculty of pharmacy ay nasa main building, so kami pumunta na sa main building para makita ang main building. Sabi ng classmate ko ikutin daw namin main building from 1st floor up to the last floor since 1pm palang naman. Nung nasa 3rd floor na kami doon banda sa hagdan pa 4th floor, nag iba yung aura ng lugar. Sa isip isip ko, baka dala lang ng pagod dahil mula 1st floor hanggang 3rd floor na ang inaakyat namin. Then pag akyat namin may naaaninag kami sa bandang dulo na babaeng nakaitim na nakadungaw sa bintana na parang may tinitignan sa ibaba. Nung medyo lumapit lapit na kami sakanya, don ko lang mas naaninag na sya ay madre (yung suot nya ay parang kay valak ng the conjuring). Medyo weird kasi di manlang sya naiinitan knowing na tirik ang araw sa kinatatayuan nya...


dahil tanghaling tapat nung oras na yon at nakasuot sya ng pang madre. Then nung isang room nalang ang layo namin sakanya, nag iwas na ako ng tingin kasi nakakailang kung makita nyang tinitignan ko sya. Nung nalagpasan namin yung madre, nakaramdam ako ng kakaiba, para bang lumamig panandalian. Nakakapag taka lang kasi wala namang lumabas na studyante sa room kung saan nakatayo yung madre. Nung nakarating kami sa pinaka dulo which is cr pala, biglang may parang kung anong nagsara ng pinto sa loob ng cr ng pabagsak kaya nagulat kami ng classmate ko at naisipan na naming pumihit pabalik kung saan kami umakyat. Doon ko lang napansin na yung madre ay wala palang anino. Nagulat at kinilabutam ako sa nakita kong yon. Naisipan kong lingunin ulit yung madre kasi baka namamalikmata lang ako sa nakita kong wala syang anino, pagkalingin ko, nakita ko yung madre na nakatingin sa cr. Ang nakakatakot doon ay nakaharap sa bintana yung katawan nya pero yung ulo nya ay nakalingon sa cr.
Nagdasal ako kaagad pagka uwi ko na sana hindi ako gambalain ng madreng nakita ko nung araw na yon.
– Eyli






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top