VANESSA CHAPTER 6


_____________
Nasa isang sikat na Cafe si Don Rafael upang hintayin ang private investigator na kaniyang kikitain ..tungol sa impormasyun tungkol sa babaeng kamukha ng kaniyang anak. Hindi rin naman nag tagal ay dumating narin ang kaniyang hinihintay. Naka ngiti itong lumapit sa Don kaya patunay lang na Good news ang sasabihin nito.
” sir mukhang matatanggap kona ngayon ang 50 million ko ” naka ngiting sabi ng lalake bago naupo sa kaniyang harapan at sabay lapag ng Brown Envelope na hawak nito sa kaniyang harapan.
“Ito naba? ” paninigurado ng Don.
” oo naman sir. ” sagot nito at dahan dahan binuksan ng Don ang Envelope at nag umpisang mangilid ang kaniyang luha ng unang tumambad sa kaniya ang larawan ng isang babaeng kamukhang kamuka ng kaniyang anak. Hindi siya pwedeng magka mali. Ang babaeng nasa larawan ay ang babaeng nag iisa niyang anak. Kahit na tumaba ito ng konte at humaba ang buhok nito ay sigurado siya na si Vanessa iyon.
“sir ito po ang, kaniyang video para makita niyong maigi ” sabi ng lalake sabay abot ng phone nito at ipinakita ang babaeng nasa Video, nag tatawag ito ng kostomer sa palengke. Pawis pawis at makikita sa mukha nito ang sobrang pagka pagod.
“Ang, anak ko my princess ” umiiyak na ani ni Don Rafael habang pinapanuod ang video ng babae.
Pagka tapos panuorin ni Rafael ang Video ay tinignan paniya ang ibang laman ng Envelope . At nakita niya duon ang litrato ng dalawang bata. Napangiti siya habang patuloy sa pag tulo ang kaniyang mga luha dahil sa Sobrang saya.
“May mga apo na ako? Mga apo ko ” naka ngiting sabi ni Don Rafael at hinalikan ang litrato ng dalawang kambal. Hindi mapagkakaila na mga apo nga niya ito dahil kamukhang kamukha ni Sebastian ang batang lalake. At kamukhang kamukha ng kaniyang naunang asawa ang batang babae.
” nag mana siya sa Lola niya. Kamukhang kamukha niya si Romina ” naka ngiting sabi ni Rafael sabay pakita sa Litrato ng batang babae.
Pagkatapos makuha ni Don Rafael ang magandang balita ay binigay niyarin ang 50 Milliong pabuya ng kaniyang inutusan.

“Martin kumusta ang ipinapagawa ko sayo? ” tanong ni margarita sa lalaking nag pupunas ng Baril
“Mahal Kong Margarita binisita mo talaga...


ako sana pinasama mona rin ang anak natin para complete family tayo. ” sagot ni Martin bago ibinaba ang hawak na baril.
” tumigil ka Martin! Sagutin mo ang tanong ko. Nagawa muna ba?! ” naiiritang sabi ni margarita sa lalake. .
“Oo nagawa kona bukas na bukas ay lalabas na sa balita tungkol sa bangkay ni Vanessa ” sagot ni Martin sabay yakap kay margarita.

Habang si Sebastian naman ay parang wala sa sariling kinakausap ang larawan ng babaeng kaniyang minamahal
“Wife please comeback, imissyou so much wife “umiiyak na ani ni Sebastian habang naka titig sa larawan ni Vanessa . At naalala nanaman niya yung araw ng kanilang kasal kaya napa hagulgul nanaman siya.
FLASHBACK !!!
Sa isla VS gaganapin ang kasal nina Vanessa at Sebastian. Ang lahat ng mga imbitado ay naiinip na sa kakahintay dahil sobrang late ng bride, habang si Sebastian naman ay hindi mapakali, kinakabahan siya ng hindi niya mawari kung anong klaseng kaba ang kaniyang nararamdaman
“Dad, tito Dad nasaan na si Vanessa mag iisang oras na . Wala parin siya. ” tanong ni Sebastian sa kaniyang ama at sa tatay ng babaeng papakasalan niya.
” tumawag na ako sa Hotel sinabi nila na kanina paraw naka alis ang Helicopter na sinakiyan ni Vanessa. ” sagot ng kaniyang ama.
Ngunit natuon ang pansin nila sa limang mga tauhan na humahangos patakbong papalapit sa kanila. Ang mga tauhan na palaging nag Babantay kay Vanessa
“Sir Sebastian, Don Rafael. Si -si Seniorita —
” ano !? Leo nasaan ang anak ko ? bakit wala parin siya dito? Bakit kayu nandito na. ? ” sunod sunod na tanong ng Don sa Limang Bodyguard ng kaniyang anak.
” Don Rafael yung helicopter na sinakiyan ni Seniorita su-sumabog ho ” namumutlang sagot ng isang bodyguard .
Habang si Sebastian naman ay napa luhod at napa hagulgol sa narinig na balita.
“No no no no no no wife no hindi pwede. ! ” umiiyak na sabi ni Sebastian , tumayo siya at mabilis na tumakbo papunta sa dagat. Hinabol siya ng mga Tauhan para pigilan ngunit lahat, ng humahawak sa kaniya ay pinag susuntok niya.
END FLASHBACK!!!
//Next
Ang pag babalik ng ala-ala ni Vanessa!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top