VANESSA CHAPTER 7


JENNY POV

Nasa Maliit na sala kami lahat. Masayang nanunuod ng paburitong palabas ni tatay na ang bida ay si Robin Padilla. Magka tabi si nanay at tatay at magka tabi naman kaming tatlo nila Jessa nasa gitna namin si Vanessa. Habang ang dalawang kambal masayang kumakain ng Bananaque.
Nasa kalagitnahan kami ng panunuod ng biglang Sumigaw si Vanessa habang naka hawak sa ulo niya. Kaya lahat kami ay dinaluhan siya.
“Araaaaaaay ang sakeeeeet” araaaaaay ayokonaaaaa” sigaw niya habang namimilipit sa sakit.
“Vanessa anong ng yayare? Jessa tumawag ka ng motor salhin natin ang ate vanessa mo sa Hospital” sigaw ni Tatay.
“Araaaaaay daddy Help me! ” sigaw ni Vanessa. At hanggang sa Humagulgul na say sa pag iyak.
Ilang minuto lang ay until unti na siyang tumitigil sa pag iyak. At ayaw na niya mag padala sa hospital dahil okey nadaw siya.
“BEshi ano nararamdaman mo. Masakit paba ulo mo? ” tanong ko sa kaniya dahil lahat kami nag aalala na sa kniya dahil kanina Pa siya naka yuko.
Until until niyang inangat ang ulo niya at isa isa niya kaming tinignan
“Nanay ,tatay” jessa, Jenny ” . isa isa niya kaming tinignan at sabay sabing.
“Naaalala kona po ang lahat. Naaalala kona po kung sino ako” sabi niya at umiyak nanaman. Kaya wala kaming ibang nasabi .at niyakap nalang namin siya.

Matapos ng yare kanina.
Nakatitig ngayon si Jenny sa nanay pising niya na pasimpleng nag papahid ng luha. Habang hinahaplos ang ulo ng kambal na mahimbing na natutulog. Kahit si jenny ay nakakaramdam rin ng lungkot dahil sobrang napa mahal sa knila si vanessa lalo na ang mga bata. Pasimple syang umalis aa kinatatayuan at napag disisyunan niyang kausapin si Vanessa.
VANESSA POV


/> dahil sa pinapanuod naming nag babarilan kanina kaya until unting bumalik mga ala ala ko. Lahat lahat natatandaan kona. Lahat ng pinag daanan namin ni seb sa kamay ng mga Kidnaper , at muntik na ako magahasa at sa dahilan ng pag sabog ng sinasakyan Kong helicopter . Ang labis na kinakagalit ko ay alam kona kung sino ang taong nag pahirap saakin at paulit ulit akong pinapapatay. Nanginginig ako sa galit sa kaniya kaya humanda siya pag balik ko. .
Tumayo ako para kunin ang maliit na box sa Drawer ko. Kung saan naka tago ang engagement ring ko na galing sa mahal ko.
Habang binubuksan ko unti unting nag silabasan ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Satwing maalala ko lahat ng pinag daanan namin. ilang beses kaming binalak sirain at pag layuin pero hindi kami nag patinag.
Habang humahagulgul ako sa pag iyak naramdaman Kong pag bukas ng pinto. Kaya diko nato nilingon dahil alam kuna kung sino.
“Kanina Pa ako kumakatok dimo ako sinasagot kaya pumasok na ako “aniya
“Beshi nandito lang kami tandaan moyan ” pagkasabi niya duon kona sya nilingun at agad kona syang niyakap.
“Kaya moyan nandito lang kami ” aniya habang hinahagod ang likod ko. Napaka swerte ko parin dahil may mga taong kagaya nila na tinuring kaming pamilya ng mga anak ko .
Unti unti na akong nahihimasmasan sa pag iyak. At si Jenny hindi parin umaalis sa harapan ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“Magkwento ka makikinig ako ” aniya
Matapos kung e kwento lahat kay Jenny nakita ko sa mukha niya ang pag alala at galit.
“Ano na plano mo ngayon? ” aniya
“Mag babayad sila sa lahat ng Atraso nila saakin “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top