Walang masama kung kaibigan ko’y mga lalaki!


Walang masama kung kaibigan ko’y mga lalaki!”
By: Ken Anderson
[Read Carefully]
**********************
“Ang landi niyan!”
“Pokpok ‘yan!”
“Flirt siya napakaraming kasamang lalaki!”
“Feeling maganda!”
“Kati niya girl!”
“Higad ang peg!”
“f*ck girl ‘yan!”
“Pati boyfriend ko finiflirt”
“She’s such a Whore!”
“Imagine lahat ng kasama lalaki!”
“Oo nga!”
“Lakas ng apog niya!”
“Puro lalaki kasama palibhasa pokpok!”
Naririnig ko ‘yan araw-araw mga salitang ganito ganiyan dahil puro nga lalaki ang mga Kasama ko.
Mabuti nalang sinasabi nang mga Kaibigan kong lalaki na…
“Huwag mo na silang pansinin!”
“Kilala ka namin, shhh!”
“Tropa kaya tayo! Huwag mo nalang pansinin mga ‘yan inggit lang ‘yan!”
“Ikaw pa eh bunsoy kita!”
“Pagmay mang away sa’yo sabihin mo lamg samin kakantiin namin ‘yan hahaha!”
“Huwag mo nalang silang pansinin alam namin kung ano ka at kung ano kami sa’yo magkakaibigan tayo– kaya pasok sa kabila labas sa kanan mong tenga ‘yang pinagsasabi nila,”
Ganyan sila sa’kin– kaibigan ko lang sila at yung iba nama’y kuya ang turing ko sa kanila. . . Hindi naman masama kung halos lahat ng kaibigan...


ko lalaki– mas masaya nga ‘yon eh, less drama at tropa ang turingan namin. . . Kung tutuusin mas gugustuhin ko pang lalaki ang mga kaibigan ko nandiyan sila kapag kailang ko hindi mga plastic masaya pang kasama– protected pa ako.
Mga taong mapanghusga lang talaga ang nagsasabing ganito ako ganiyan– pok-pok, malandi at kung ano-ano pang masasakit na salita na puwede nilang ibato sa’kin.
Wala akong magagawa eh. . . Lalaki ang gusto kong mga kaibigan hindi porket lalaki na ang mga kasama at kaibigan malandi na at pokpok hindi ba puwedeng tropa-tropa lang? isip niyo nilalanggam.
Thankful nga ako kase ganiyan ang mga kaibigan ko kesa naman sa mga babaeng pa-plastic puro drama ang ganap sa buhay. . . Less kadramahan less kaplastikan kaya sila ang gusto kong kaibigan. . .
Dahil walang masama kong ang mga kaibigan ko’y lalaki– ang masama lang ay ang panghuhusga niyo dahil lang sa nakikita niyo!
Lalo na kapag nasa Pilipinas ka kapag kaibigan mo’y halos lalaki lahat tatawagin ka nilang “Pick me gurl” in an instant.
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top