Kate’s POV:
“Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at nilapitan mo ang lalaking ‘yon, anak?”,
“–Halos ininsulto niya ang pagkatao ko!”,
“–Nakakabadtrip siya ha?! At nakakabadtrip ka rin!”, inis kong bigkas nang makauwi kami ng bahay.
“Mama, sorry na po. G-gusto ko lang magkaroon ng papa.”,
“-Naiinggit kasi ako sa mga kaklase ko, lagi nila akong inaasar.”, malungkot na turan ni Michael.
Actually, he’s 7 years old at nasa grade 2 na siya.
16 years old ako nung nabuntis ako, kaya gano’n na lamang ang panghuhusga sa akin ng mga kapitbahay namin.
Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, dahil alam kong nagmahal lang ako.
At yung pagmamahal ko, nagbunga ng isang makulit at madaldal na Michael.
“Baby, kahit wala kang papa. Nandito naman si mama diba? Pwede mo ako maging mama at papa.”, wika ko para alisin ang lungkot sa mukha ng aking anak.
“But I want papa. Bakit ba kasi, hindi ka nag-ayos kanina, mama?”, pagsisisi nito.
“Anak naman, tuwing gabi lang ako nag-aayos. At mabuti na rin ‘yon noh, at least, nalaman ko na lahat ng lalaki, habol lang ay maganda.”,
“–Tsk. Manang daw!”, saad ko nang maalala ko ulit ang walang modo na binata kanina.
Naramdaman ko naman ang pagyakap ng baby boy ko sa aking legs na tila naglalambing.
“Sabagay mama, tama ka po. Medyo bad nga si kuyang pogi. Pero bagay po kayo mama.”, wika niya na tila may panghihinayang sa boses.
“–Alam mo Michael, wala ka pang alam sa love. Kaya ‘wag mong sabihin na bagay kami. Kinikilabutan ako.”, nandidiri kong bigkas.
“Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki, mama?”, pagtatanong nito.
“Mabait, marespeto at may mabuting kalooban. ‘Yon ang gusto ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna ‘yan kailangan. Dahil...