WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 14


David’s POV:
“Umiwas ka sa lalaking ‘yon. He’s not a good person.”, kalmado kong wika kay Kate nang umalis na si Edward.
Alam ko kasi na babalik at babalik ito sa kompanya para kulitin siya.
I know him very well.
Base palang sa pagkakausap niya, halatang natitipuhan nito si Kate.
Si Edward, kilalang fuckboy siya. At kapag sumama ka sa kanya, tiyak pati pagka-babae mo, kukunin nito.
But at this point, tahimik na umupo si Kate at tila ayaw akong pakinggan.
Nawala yata ang mood niya dahil sa inasta ko, kanina.
Tsk. It’s not a big deal anymore.
I’m just doing that for her.
Ayokong mapabilang siya sa mga babaeng na-kama ng kaibigan ko.
“Tayo na lang ang kakain ng luch. Let’s eat together, later.”, pag-aaya ko rito.
“H’wag na. Hindi ko trip na kumain na kasabay ka.”, she replied.
“Why? Don’t tell me na mas trip mo na makasama si Edward kaysa sa akin?”, inis na turan ko.
“Pa’no kung sabihin kong oo, may magagawa ka ba ha?”, balik na saad niya.
Bigla tuloy uminit ang ulo ko dahilan para itapon ko ang papel na aking hawak.
Malakas ko itong tinapon sa sahig at wala pasakalyeng nilapitan ang babae sa kanyang pwesto.
“I already told you, that you’re now my wife. Mahirap bang intindihin ‘yon? O baka naman, gusto mong siilin pa kita ng halik para matauhan ka.”, wika ko na may kadiinan sa pagsasalita.
“Bakit ka ba ganyan, David? Pinaparamdam mo sa akin na mahal mo ako at mahalaga ako sayo. Pero alam natin pareho na ginagawa mo lang ‘to, dahil kamukha ko ang ex-girlfriend mo diba?! Tapos ano, kapag bumalik si Katrina, idedeadma mo na lang ako? ‘Yon ba ang gusto mong mangyari ha?”, pagalit n’yang sigaw nang tumayo na rin ito.
Halos magkalapit na ang aming mukha, kaya lalo kong nakikita ang matatalim nitong titig.
Medyo natameme rin ako sa sinabi niya.
Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin.
I still love Katrina.
Pero hindi ko...


gusto na mapunta si Kate sa iba.
I want her mine.
Only mine!
“Siguro nga, dapat na nating itigil ‘to. Ayoko na ng laro.”, patuloy n’yang saad.
She was about to leave my office, pero marahas kong hinawakan ang braso nito.
Isinanday ko na rin siya sa dingding at inamoy ko ang kanyang leeg.
Sh*t.
I can’t control myself. Gusto ko s’ya lagyan ng marka para hindi na ito agawin pa ng iba.
“A-ano ba ang g-ginagawa mo?”, tanong nito na rinig ko ang paglunok niya ng laway.
“Let’s take it seriously, Kate. Be mine. Be my woman. And be my wife. H’wag na natin ‘tong haluan ng kasinungalingan.”, I whispered to her ears.
Kaso mapwersa niya akong itinulak dahilan para magkalayo kami sa isat-isa.
“Nahihibang ka na yata!”, bigkas nito na tila uusok na ang ilong sa galit.
“–Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi pa dumarating si Katrina. Kaya ako ang napagtitripan mo!”, she said again while shouting.
Malalim akong napahinga at seryoso ko s’yang tiningnan.
Maging ako ay naguguluhan kung bakit ang hirap para sa kanya na paniwalaan ako.
“Fine. Hindi na kita pipilitin at kukulitin, kung ‘yan ang hiling mo. But can I have favor?”, mahinang turan ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
“A-anong favor ba?”, tanong nito sa akin.
“H’wag kang makikipag-usap sa ibang lalaki, lalo na kay Edward. Ayokong mapalapit ka sa taong ‘yon.”, litanya ko bilang sagot.
“P-pero bakit? Wala naman akong nakikita na mali sa binata.”, saad niya na tila ayaw pa akong pagbigyan.
“Basta, sundin mo na lang. Para rin ‘yan sa ikabubuti mo at sa ikabubuti ko.”, tanging sabi ko.
“Pa’no kung ayaw ko?”, sambit niya na animo’y hinahamon ako.
“Seriously Kate, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinusuway ang gusto ko.”, I just replied.
“At ano naman ang gagawin mo kapag nakita mo akong nakipag-usap sa kanya?”, she asked me habang naka-angat ang mukha.
“Binubuntis ko.”, mabilis kong tugon sa babae.
And that made her mouth shut.
©Binibining_Timoji
To be continue..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ay un lng? bakit subrang ikli kakabitin

Leave a Reply


top