David’s POV:
MABILIS na natapos ang meeting, kaya mabilis akong tumungo muli sa opisina.
Atat na atat akong makita at mayakap si Kate.
Ganito na siguro ako ka-inlove sa kanya, dahil kahit isang oras palang ang nakalipas, gusto ko na agad masilayan ang mukha nito.
“Honey, I’m back!”, masiglang sambit ko pagkabukas ko ng pinto ng office.
Pero yung ngiti ko, biglang napawi nang hindi ko makita ang babae.
Tahimik ang kalooban at wala na rin ang gamit niya.
“Hays. Sinabihan ko palang siya na ‘wag lumabas. Ang tigas din ng ulo ni Kate. Kurutin ko ang singit niya.”, inis kong saad sa aking isipan.
Isinara ko ang pinto para pumunta sa first floor.
Nando’n kasi ang kainan kaya tiyak, baka nagutom siya.
Kaya lang, ni isang anino ni Kate, hindi ko man lang nasilayan.
“Sir David, hinahanap mo po ba ang Secretary mo?”, tanong ng isang tao sa akin.
Nagawa pa ako nitong lapitan na animo’y alam ang tumatakbo sa utak ko.
“Yeah, I’m looking for her. Alam mo ba kung saan siya pumunta?”, turan ko sa babae.
“Yes po. Kani-kanina lang, nagmamadali s’yang umalis.”, pagsasagot niya.
Akma na sana akong lalabas ng kompanya, pero muling nagsalita ang babae.
“By the way Sir, si Sir Edward, pumunta din kanina. Sa mismong office mo siya tumungo, kaso lumabas din agad.”,
Dahil sa sinabi nito, nagkaroon ng kutob ang damdamin ko.
Mukhang may nangyari nung wala ako.
Kaya hindi ko na sinayang ang oras at kumaripas ako ng takbo palabas.
Nilinga-linga ko pa ang bawat paligid, baka sakaling hindi pa nakakalayo si Kate.
But sh*t! I didn’t find her.
Nababahala tuloy ako, kung ano ang pinag-usapan nila ni Edward.
____
Tumawid na rin ako ng kabilang kalsada, para lang hanapin ang babae.
Ngayon lang ako nagkaroon ng kaba dahil sa nagiging kaganapan sa mga oras na ‘to.
Paano na lang kung umalis siya at hindi na nagpakita sa akin?
Paano na lang kung iwan niya ako?
Dahil tuloy sa pagod, hingal akong napa-upo at nagawa ko na ring isuklay ang aking buhok gamit ang kamay.
“David?”, tawag ng babae sa pangalan ko.
Sa boses niya palang, bigla akong ginanahan.
“Ano bang ginagawa mo dyan?”, muli nitong saad at tuluyang lumapit sa pwesto ko.
Ang itsura niya, puno ng pagtataka.
Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, mahigpit ko siyang niyakap.
“David, ano bang nangyari sayo at pawis na pawis ka?”, she asked me again.
“Pinag-alala mo ako, Kate.”, malungkot na tugon ko.
“Huh? Bumili lang ako ng makakain natin. Ang sarap kasi ng turon, kaya gusto kong matikman mo ‘to.”, wika nito at pinakita ang isang supot na punong-puno ng turon.
“Bakit ba kasi dala mo pa ang mga gamit? Akala ko tuloy, iniwan mo na ako.”, inis kong saad.
“H’wag ka ngang O.A, dinala ko lang ang gamit ko para feel na feel ko ang pagiging Secretary ng isang sikat na kompanya. Ayaw mo no’n? Proud lang ako.”, ngiting sabi niya na animo’y walang pakialam sa naging reaksyon ko.
Halos mabaliw na ako sa kakahanap sa kanya, tapos nandito lang pala siya at bumili ng turon.
Kaya malakas kong pinitik ang noo ni Kate dahilan para matahimik ito sa kakadaldal. Kasabay no’n, napatingin ito sa akin.
“Aray ko ha! Masakit ‘yon. Hindi ka naman dyan inaano, tapos inaano mo ako? Masyado ka ng nakaka-ano!”, bigkas niya na parang bata.
So I just kissed her lips to make her mouth shut.
“Sorry na. I love you.”, tanging turan ko sa taong kaharap ko ngayon.
Dahil yata sa ginawa n’ya, hindi ko na...