When a Single Mom meet the Hot CEO Chapter 31


Kate’s POV:
BWISIT!
Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik si David.
Siguro nag-enjoy na siyang kasama si Katrina.
Naiinis na ako!
Kanina pa ako nilalamon ng selos, pero pinipigilan ko lang.
Ayoko kasing makita ng mga tao na nababaliw ako dito.
Mag-isa pa naman akong naka-upo sa buhangin habang nakatingin kay Michael na lumalangoy sa mababaw.
Mga negatibo na rin ang tumatakbo sa isipan ko dahilan para mapagbuntungan ko ng galit ang buhangin sa aking kamay.
“Hayss! Talagang inaabuso mo ang kabaitan ko!”, sambit ko sa sarili.
I always check the time on my cellphone, para malaman ko kung ilang minuto na lang.
And bullshit, five minutes left at matatapos na ang binigay kong oras sa kanya.
“Tsk. I hate you, David! Paasa ka!”, muli kong bigkas.
Tumayo na ako at nilapitan si Michael para patigilin na ito sa paglangoy.
Hindi ko na kayang maghintay pa sa wala.
Masyado na siyang abusado!
“Umahon ka na dyan, Michael! Uuwi na tayo!”, sigaw ko sa bata.
“Ano po?!”, balik na turan niya na tila hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
“Uuwi na tayo!”, pag-uulit kong sambit.
At sa pangalawang beses, narinig niya na ito.
“Bakit po tayo uuwi, mama? Nasa’n po si papa?”, tanong nito sa akin.
“Nando’n sa kabet niya. Kaya umalis na tayo dito, dahil naiirita lang ako.”, diretsang wika ko.
“Kabet? Sinong kabet mama?”, he asked again.
“Ang hirap ipaliwanag, Michael. Ang mabuti pa, mamaya ka na magtanong ha?”, turan ko na lamang.
I hold his hand and we walk together.
Hindi pa man nakakalayo, may humarang na lalaki sa amin.
“Hi miss, can I get your number?”, saad nito na may ngiti sa labi.
Gwapo siya, matipuno, at nakakaakit din ang dimples niya.
I was about to say ‘yes’, pero si Michael na mismo ang sumagot.
“Hindi pwede. Magagalit ang papa ko.”, maangas na sambit ng bata.
“Ohh, anak mo pala? I thought, dalaga ka pa. Hindi kasi halata sa itsura mo na may anak ka na.”, wika ng binata dahilan para masiyahan ako.
Syempre, nakakataba ng puso na marinig ‘yon mula sa bibig ng iba.
Kahit papano, may nakaappreciate din ng ganda ko.
“Huwag mo ng bolahin ang mama ko. Tsaka, yung tingin mo, dapat sa mukha lang, ‘wag sa dede ng mama ko. Naiintindihan mo ba ‘yon ha?”, pagduduro ni Michael.
Daig niya pa ang malaking tao dahil sa inaasta niya.
“Anak, tumigil ka nga. Nakakahiya. Hindi kita tinuruan ng ganyan.”, pagsasaway ko.
“Mama, pinoprotektahan lang kita. At binilin sa akin ni papa David, na ‘wag kong hahayaan na may lumapit na ibang lalaki sayo.”, tugon niya bilang paliwanag.
Napakamot na lamang ako ng batok at humingi ng pasensya sa kaharap namin.
“Sorry, we need to go.”, sambit ko rito.
Bago pa man kami makaalis, muling nagsalita ang binata.


/> “I hope to see you again. It nice meeting you.”, pakindat na sabi niya.
Pero si Michael, dinilaan lang ito at siya na mismo ang humila sa akin palayo sa lalaki.
“Michael, mali ang ginawa mo ha? Hindi ka dapat nagsasabi ng gano’n, lalo na sa mga may edad sayo.”, pangangaral ko sa bata.
“Mama, hindi ko po gusto ang titig niya sa’yo. Wala po akong tiwala sa taong ‘yon.”, muli nitong saad.
Kahit kailan talaga, hindi ko matalo-talo ang anak ko.
“Nga pala mama, nasa’n pala si papa? Paano tayo uuwi? Alam mo ba kung saan ang sakayan?”, pagtatanong niya.
Napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan sa isat-isa.
“Yun lang. Wala akong alam dito eh.”, matamlay na bigkas ko.
“Naku naman mama! Nagmamadali ka po, tapos hindi mo naman pala alam. Naudlot tuloy yung paglangoy ko. Ang cute pa naman nung babaeng kasama ko kanina.”, turan nito na may paghihinayang sa boses.
Marahan ko siyang binatukan dahil ngayon ko lang nalaman na masyado siyang pabibo. Kaya pala, hindi umaahon, dahil sa batang babae.
“Mama naman.”, ngusong sambit niya.
“Manang-mana ka talaga kay David, babaero.”, inis kong saad.
Tsk. Naalala ko tuloy ang ex-girlfriend niya. Magkasama sila ngayon.
“Ang David na ‘yon, nakakakulo ng dugo! Dumating lang si Katrina, ang bilis niya. Ni hindi man lang naisip na bumalik. Iniwan talaga tayo dito! Kapag ‘yan nakita ko, hindi ko talaga siya kakausapin. Manigas siya!”, pagalit kong sabi habang nakapamewang.
Nagsasalubong na ang kilay ko at konti na lang sasabog na talaga ang aking mukha.
“Galit ka na ba sa lagay mong ‘yan?”, wika ng nasa likuran ko.
“Oo, galit na galit ako.”, I replied.
Pero unti-unti kong naramdaman ang braso nito na pumulupot bigla sa katawan ko.
“Sorry na honey. 10 minutes late lang naman ako.”, he whispered.
Teka, si David na ba ‘to?
“Anong sorry ka dyan? Akala mo ba lahat ng sorry, maibabalik sa dati ha?”, bulyaw ko nang alisin ko ang yakap niya.
“Nag-usap lang kami ni Katrina, inayos ko ang tungkol sa amin. And I said, na meron na akong girlfriend.”, pahayag ni David.
“I’m not asking.”, pataray kong tugon.
“Ayokong mag-isip ka ng kung ano-ano, kaya sinabi ko na. So sorry.”, seryosong bigkas niya.
“Hindi ako marupok ha? Pero sige na nga, bati na tayo. Basta ‘wag mo ng uulitin.”, turan ko sa binata.
Ngumiti ito at dinampian ako ng halik sa labi.
“Opo. Hindi na mauulit, kumander.”,
“Okay na po ba? Ayos na kayo diba? Baka pwede na akong lumangoy ulit. Naghihintay na ang girlprend ko.”, pagsisingit na sambit ni Michael.
Sabay kaming tumawa ni David dahil sa kalokohan ng anak namin.
“Go ahead. Suportado kita dyan.”, saad naman ng papa niya.
Hindi man sila magkadugo, pareho naman sila ng ugali.
END OF CHAPTER 31
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top