WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 33


KATE’s POV:
ABOT LANGIT ang saya ko nang lumuhod sa harapan ko si David.
Isa ito sa kahilingan ko kay Lord na gusto kong maranasan.
Ang sarap lang sa pakiramdam dahil tinanggap ako ni David.
Tinanggap at minahal niya ako sa kabila ng pagiging single mom ko.
Tama nga sila, sa mata ng lalaking seryoso, perpekto ka sa paningin nila.
At ganito nga ang pinaparamdam ng binata sa akin.
Hindi niya ako binigo kahit dumating si Katrina.
Pinili niya ako. Pinili niya kami ni Michael.
Kaya kampante na ang kalooban ko na hindi niya ako sasaktan.
“N-naduduwal ako.”, bigkas ko sa kanila.
Nasa hapag-kainan kami, at si David mismo ang nagluto ng ulam. Kaso nung hinain niya ito at nilagay sa mesa, bigla akong nasusuka.
Hindi ko nagustuhan ang amoy. Parang panis na eh.
Kaya mabilis akong lumayo sa mahabang mesa at tumakbo sa may lababo.
Nga pala, it’s been two months since magpropose si David.
At oo, sa sunod na buwan, ikakasal na kami.
Minamadali ng lalaki ang lahat para maging legal na asawa ko siya.
Ginagawa niya raw ito dahil ayaw niyang maagaw ako ng iba, especially sa totoong ama ni Michael.
Ewan ko ba sa kanya. But until now, takot pa rin siya sa pwedeng gawin ng ex-boyfriend ko.
Wala daw siyang tiwala sa taong ‘yon, kaya hindi ko naman siya masisisi.
“Dinatnan ka na ba?”, tanong ni David sa likuran ko.
“H-hindi ako dinatnan eh.”, tugon ko at napaayos ng tayo.
Alam ko na yata ang nasa isip ng binata.
Dahil maging ako, gano’n rin ang tumatakbo sa isipan ko.
Hindi ako dinalaw ng regla at halos lahat ng paborito ko noon, inaayawan ko na.
Hindi na sa akin bago ang pagbubuntis dahil nga single mom ako nung nakilala ng lalaki.
“Sasamahan kitang magpacheck-up ngayon.”, pagdedesisyon nito.
“Huh? As in, ngayon na talaga?”,
“Yes honey. Gusto kong makompirma ang hinala ko. I can’t wait to hear from the doctors na buntis ka.”, masayang wika niya na may excitement sa boses.
Kaya agad kaming tumungo sa hospital.
Hindi na namin sinama si Michael dahil busy na ito sa pagkain.
Nang makarating kami do’n, agad akong chineck ng doctors.
And after thirty minutes, nakangiti siyang umupo at sinabi ang good news sa amin.
“Congratulations. Buntis ang asawa mo. Magkaka-anak na kayo.”, sambit nito.
Syempre natuwa ako sa nalaman ko.
Pero mas natuwa si David dahil nagawa nitong tumalon at sumigaw.
Natatawa tuloy ang doctor sa pinakita niya.
“Sabi ko na! Makakabuo tayo! Wala kasi akong sinayang na sperm.”, proud na wika niya.
Kinurot ko ito sa tagiliran dahil nakakahiya sa doctor ang pinagsasabi nito.
“Thank you po, Doc. Aalis na po kami. Mahirap na, baka pati posisyon na ginawa namin, mabanggit niya.”, saad ko rito.
Hinila ko na...


si David palabas nang makabayad kami.
Pero hanggang kalsada, patuloy siyang sumisigaw. Kaya yung atensyon ng mga tao, napunta sa kanya.
“MAGIGING TATAY NA AKO! WOAAAH!”, malakas nitong bigkas.
“Hoyy, tumigil ka nga. Baka sabihin nila, baliw ka.”, pahayag ko para sitahin siya.
“Honey, ang dami kong pinahid na sperm sa kumot noon. Kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko nang malaman kong buntis ka.”, pagtuturan niya.
“Hays.”, tanging saad ko at pumasok na lamang sa kotse.
“Akalain mo ‘yon, hindi lang ikaw ang ihaharap ko sa altar. Pati yung baby natin ipapakilala ko sa harapan mismo ng Diyos. God is good talaga.”, wika nito bago pinaandar ang sasakyan.
Ang totoo niyan, masayang-masaya din ako.
Pero syempre, hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.
Medyo nega kasi ang utak ko sa ganitong pangyayari.
“I love you, Kate. Hindi ako magsasawang sabihin ‘yan. Don’t worry, aalagaan ko kayo ng magiging anak natin.”, muli niyang sabi.
Ngumiti na lang ako at hinawakan ang tiyan.
Ang swerte ng baby namin.
Ang swerte niya dahil si David ang magiging tatay niya.
NAKAUWI kaming safe sa bahay.
Marahan kasi ang pagdadrive ng binata na halatang nag-iingat siya.
Kung noon, mabilis itong magpatakbo ng sasakyan, ngayon halos pagong na kung kumilos.
Siguro dahil buntis ako at umiiwas siya sa aksidente.
“May maganda kaming balita sa’yo Michael.”, agad na pahayag nito.
“Ano po ‘yon papa?”, tugon ng bata habang kumakain ng fried chicken.
“Buntis ang mama mo kaya magkakaroon ka na ng kalaro.”, saad niya dahilan para mabitawan ni Michael ang kinakain.
“B-bu-b-buntis ka mama? Magkakababy ka ulit, mama?”, bigkas nito sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
At nakita ko sa mukha niya ang kasiyahan. Pero unti-unti, bigla siyang natahimik at napalitan ng lungkot ang reaksyon.
“Ohh? Anong itsura ‘yan? Akala ko ba, gusto mo ng kalaro?”, tanong ni David.
“Gusto nga po.”,
“Gusto naman pala. Pero bakit parang malungkot ka?”,
“Wala po. Huwag niyo na po akong isipin.”, tugon niya sa lalaki.
“Michael, may problema ka ba?”, I asked him already.
“K-kasi mama, naisip ko, pa’no ako? Kasi diba, hindi naman ako totoong anak ni papa David. Tapos yung baby sa tiyan mo, totoong anak siya. Ibig sabihin ba, hindi niyo na ako mahal?”, sambit niya habang nakanguso.
Nagkatinginan kami ni David, dahil alam namin ang pinupunto ng bata.
“Anak, makinig ka sa akin ha? Hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na ‘yan. Hindi man kita kadugo, pero mahal kita. Totoong anak ang turing ko sayo. Kaya walang magbabago kahit manganak pa ang mama mo.”, litanya nito.
Napawi naman ang lungkot sa mukha ni Michael kaya mahigpit kaming nagyakapan sa isat-isa.
Sana kung magkaroon man ng problema sa pamilya namin, sana walang bumitaw.
Sana hindi ako bitawan ni David.
END OF CHAPTER.
©Binibining_Timoji
240






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sana di darating ang mama ni david

Leave a Reply


top