WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 35


Kate’s POV:
ANG kausap at kaharap ko palang babae ay magulang ni David. Hindi ko lubos-maisip na ganito ang itsura ng nanay niya. Tila dalaga kasi ito kung titingnan kaya wala akong kaalam-alam.
Syempre, medyo nahiya ako dahil nawalan ako ng galang. So I was about to say sorry, kaso hindi ko na nasabi dahil mas tinaas nito ang kilay niya nang lumabas si Michael.
“Mama, sino po siya?”, pagtatanong nito.
Yung reaksyon ng Ginang, halos umapaw ang katarayan.
“My ghad! May anak ka na? Ibig sabihin, disgrasyada kang babae nung nakilala ka ni David? Shit! Siguro ginayuma mo siya, ano?”, mapanghusga na sambit niya.
“Hindi ho. Hindi ako gano’n na tao para gawin ‘yan sa anak niyo. Kung ako sayo, tanungin mo na lang si David kung paano kami nagkakilala.”, wika ko naman.
Ayoko sa lahat na binabastos ako sa mismong harapan ng anak ko. At lalong ayoko sa lahat yung dinadamayan ang bata sa away.
“Wala kang ugali. Ako ang nanay ni David na kinakasama mo. Kaya dapat matuto kang rumespeto sa akin.”, saad niya
“Ang respeto, binibigay ‘yan sa tamang tao. Pero pasensya na, dahil hindi ka tao sa paningin ko.”, pagtuturan ko.
And because of what I’ve said, sinampal niya ako ng malakas.
Naramdaman ko ang hapdi, pero binalewala ko lang.
“Huwag mo akong gagalitin. Dahil iba ako sa iniisip mo.”, madiin nitong sabi.
“Opo. Ibang-iba ka nga. Dahil yung iniisip ko noon, mabait ka. Pero ngayon, nakita ko ang totoo mong kulay. Nagtataka tuloy ako, kung anak mo ba si David? Kasi kung oo, ang malas niya dahil naging nanay niya ang tulad mo. So excuse us, papasok na ako sa loob.”, wika ko at hinila ko na si Michael.
Buntis pa naman ako kaya...


talagang mainit ang aking ulo.
Mabilis akong mairita at mabilis kumulo ang aking dugo.
Nawalan ako ng galang ngayon.
Pero okay lang, dahil hindi ko gusto na tinatapakan ang pagkatao ko.
Sinulyapan ko ng tingin ang Ginang na pumasok na sa kanyang kotse.
Umalis na ito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Matapang lang ako kanina pero bigla akong nanghina dahil first time kong sumagot sa may edad sa akin.
“Mama, bakit po gano’n ang mama ni papa? Bakit ang taray niya?”, usisang bigkas ng bata.
“Hayaan mo na ‘yon, anak. Gano’n talaga kapag may edad, umiiba ang ugali.”, pagpapalusot ko.
Wala kasi akong maisip na sagot kasi hindi ko rin alam kung bakit ‘yon masama.
LUMIPAS ang oras na wala akong ginawa kundi ang manood ng TV, magcellphone at makipaglaro sa anak ko.
Naglinis din ako pero hanggang walis lang ang ginawa ko.
Apat na oras palang ang tinagal, namimiss ko agad si David.
Nasanay akong kasama siya at niyayakap lagi ang katawan ko.
Nakakamiss din pala ang mokong na ‘yon.
Napangiti tuloy ako nang maalala ko ang mga jokes at banat ng lalaki sa akin.
Wala eh, kahit corny, napapatawa niya ako.
Tsaka lang ako natigilan, nung tumunog ang messenger ko.
Agad ko itong binuksan sa pag-aakala na si David ang nagchat sa akin.
Pero ang ngiti ko, biglang napawi nang makita ko ang pictures ng aking asawa na kasama ang babaeng kamukha ko.
Oo, may nagsend sa akin na pictures at hindi ko alam kung sino ito.
But one thing I know right now, magkasama si David at Katrina sa Cebu.
Kumirot tuloy ang puso ko dahil sa aking nakita.
I thought, he has a meeting.
Pero bakit nito kasama ang ex-girlfriend niya?
Β©Binibining_Timoji
To be continue…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sabi ko na nga ba.buyshit nmn tong mama ni dao ming si ay este david

Leave a Reply


top