WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 36


Kate’s POV:
HINDI umuwi si David.
Hindi siya umuwi at dalawang araw na rin simula nang tawagan ko siya.
Ang sabi niya, isang gabi lang siya doon sa Cebu. Pero hanggang ngayon, wala pa ang lalaki.
Hindi ako manhid. At lalong hindi ako tanga.
Alam ko na meron silang usapan ni Katrina. Usapan na magkita sila at magsama.
Nandito kasi ako sa kompanya ni David at tinanong ko ang mga empleyado doon.
And they said, walang meeting na naganap sa Cebu.
So after hearing that words, nanghina ako bigla.
Napaupo ako habang hawak-hawak ko ang aking tiyan.
Pinipilit ko na maging matatag para sa anak namin dahil ayokong maapektuhan ang pagbubuntis ko. Pero si David, gumagawa siya ng kamalian para saktan ako.
At oo, tagos na tagos sa damdamin ko ang sakit na dinulot niya.
Hindi sila nagmeeting ni Mr. Xiao.
Hindi sila nagkita at nag-usap.
Dahil ang totoong dahilan ng pag-alis niya ay si Katrina.
Umalis siya para puntahan at samahan ang babae.
Ex-girlfriend niya ‘yon. Minahal niya ‘yon ng buong-buo.
Samantalang ako, kamukha lang ni Katrina. Kamukha ng babaeng minahal niya.
So what do I expect? Panakip-butas lang siguro ako.
Ginamit niya lang siguro ako habang hinihintay na bumalik ang dalaga.
Akala ko pa naman, okay na sila. Wala na akong dapat na ipangamba, pero bakit ang bilis niyang magbago?
Ang bilis magbago ng isip niya.
To the point that he lied to me.
Nagsinungaling siya, para lang pumunta sa tagpuan nila.
“Kate?”, bigkas ng binata sa tapat ko mismo.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking mata at hinarap si Derick.
Boses palang niya, kilala ko na kung sino siya.
“You’re crying. Pinaiyak ka ba ng bago mong kinakasama?”, mabilis na tanong nito.
Hindi ako sumagot, sa halip, kinuha ko ang bag para umalis.
Ano bang ginagawa niya sa kompanya ni David?
Kung mag-aapply siya bilang empleyado, hindi siya tatanggapin dito.
Mainit ang dugo sa kanya ni David, kaya imposible na makapasok siya.
“Saglit lang, Kate. I’m just concern to your health. Narinig ko kasi ang chismis sa baba, buntis ka raw.”, wika muli ng lalaki.
“So what? Walang mali kung mabuntis ako ni David. Nakikita mo ba ‘to?”, pagpapatingin ko sa engagement ring na suot ko.
“Ikakasal na kami. Magiging mag-asawa na kaming dalawa. Kaya pwede ba, ‘wag mo na akong kausapin pa Derick. At kung binabalak mong mag-apply ng trabaho sa kompanya ni David, pinapagod mo lang ang trabaho mo.”, inis kong turan.
“Hindi ako mag-aapply, Kate. Nandito ako dahil kailangan kong kausapin ang kinakasama mo.”, he replied.
“P-para saan?”, curious kong bigkas.
“Umalis ako ng Pilipinas para tuparin ang pangarap ko, ang pangarap nating dalawa kasama si Michael. Kaso yung pangarap ko lang ang natupad dahil sumama ka agad sa iba. Sayang nga kasi inayos ko pa ang sarili ko para sainyo, dahil gusto ko na bigyan ka ng magandang buhay, pero nauwi ‘yon sa wala.”, malungkot na pahayag niya.
I can see on his eyes na medyo nasaktan din siya sa nangyari.
But it’s too late, dahil si David na ang mahal ko.
“–I have my own company here in the Philippines Kate. At kaya ako nandito dahil may kailangan kaming pag-usapan ni David tungkol sa partnership. Nalulugi na ang kompanya na ‘to, so I’m willing to help.”, he continue.
Nalulugi?
Hindi ko yata nabalitaan ‘to.
Wala kasing binabanggit si David sa akin.
Oo, alam ko na merong problema...


sa kompanya, pero hindi raw ito malaking sagabal.
But shit, I don’t have any idea na ganito pala ang kinakaharap ng kompanya ni David.
*Ting!*
Tunog ulit ng messenger ko ang nagpamulat sa akin.
Mabilis ko itong kinuha sa bag at tiningnan ang nagchat.
Hindi ko siya kilala. Dummy account yata ‘to dahil walang picture sa profile. At yung name niya, hindi ko mabasa ng maayos.
She/He send me a pictures.
At ang pictures na ‘yon ay si David at Katrina na magkatabi sa kama.
Hubut-hubad sila na natutulog habang binabalutan ng kumot ang parte ng katawan nila.
Pero mahahalata mo talaga na wala silang saplot na suot.
Sa sobrang gulat, nabitawan ko ang cellphone.
Si Derick na mismo ang pumulot nito kaya nakita niya rin kung ano ito.
“TANGINA! Niloloko ka ni David?!”, malutong na mura niya.
“Ano ba, akin na ‘yan.”, pag-aagaw ko sa binata.
“ANG SABI MO, MAHAL KA NIYA? MAHAL BA ANG TAWAG NITO, KATE HA?!”, he shouted.
I feel so shy, right now.
Hiyang-hiya ako dahil yung tao na pinagtatanggol ko, sinasaktan din ako.
Kaya marahas kong inagaw ang phone kay Derick at tuluyan ng lumabas ng kompanya.
Buo na ang desisyon ko, pupunta ako ng Cebu.
Na-send kasi sa akin yung hotel, kaya hindi ako mahihirapan na makita sila.
Ilang oras lang yata ang biyahe patungo doon. So I think, maaabutan ko pa si David.
I need to see the truth.
Baka kasi gawa-gawa lang nila ito para sirain kami.
Halos tumagal din ang pagpila ko sa airport hanggang sa lumipad na ang eroplano patungong Cebu.
Nagtanong-tanong lang ako, kaya napabilis ang paghanap ko sa hotel.
Habang papasok ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Number 204. Ito ang room na ginagamit nila. Kaya malakas ang kutob ko na nandyan sila sa loob.
Nagdadalawang-isip pa ako, kung kakatok ba ako o hindi.
Pero sa huli, kumatok ako.
“Sino ba kasi ‘yan? Hindi pa ako nagpapadeliver ng food. Kaya—“, David cut his words nang masilayan ako.
Siya ang bumukas ng pinto.
Binuksan niya ito habang tuwalya lang ang suot. Nakapulupot lang ito sa kanyang bewang na tila bagong shower ang lalaki.
“K-kate.”, bigkas nito sa pangalan ko.
Ayokong umiyak.
Ayokong umiyak sa harapan niya dahil magmumukha akong kawawa.
“David, ba’t mo naman ako iniwan sa banyo?”, sunod na sambit ng babae nang lumabas ito mula mismo sa paliguan.
That girl is Katrina.
Sobrang kamukha ko nga siya.
Magkaiba lang ang kulay ng aming buhok at mas maputi siya kumpara sa akin.
“Kate, I w-want to explain–“, saad niya pero malakas ko siyang sinampal.
Yung luha ko, tuloy-tuloy na bumuhos.
Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa bigat na nararamdaman ko.
“Buntis ako, David. Binuntis mo ako. Pero bakit nagawa mong makipagtalik sa ex-girlfriend mo? Ang daya mo naman. Ikakasal pa tayo, diba?”, wika ko sa kabila ng pag-iyak ko sa harapan niya.
Binubuhos ko na ang sakit dahil hindi ko na talaga kaya pa.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko.
“Sana hindi mo na lang ako ginalaw, kung babalik ka din sa kanya. Hindi ako parausan, David. At lalong hindi ako laruan.”, muli kong sabi.
Pagalit kong inalis ang singsing at tinapon ito kay Katrina.
Matalim ko siyang tiningnan sa mata kasabay no’n, nagbitaw ako ng salita.
“Ang ganda mo sana, kaso ang hilig mong mag-recycle ng basura. Tinapon mo, pinulot ko, tapos inagaw mo ulit. Ang galing mo!”,






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. bravo kate

Leave a Reply


top