SANDRA’s POV:
ISANG meeting lang naman ang ginawa ko ngayong araw.
Pasakalye ko lang ‘yon para pahirapan si David.
Gusto kong maghabol siya hanggang sa mapagod at lumuhod sa harapan ko.
Natutuwa kasi ako kapag gano’n ang mangyari.
And I can’t wait to see him begging on me.
“Melanie, kapag dumating si Derick na wala pa ako, pakisabi sa kanya na may pinuntahan lang ako na importante.”, pagbibilin ko sa Secretary.
Balak ko kasing dumalaw sa puntod ni Michael. Gusto ko siyang makausap at sabihin na inuumpisahan ko na ang paghihiganti.
Ito kasi ang pangako na binigkas ko nung mamatay siya. At ngayon, sinisimulan ko na ito kay David. Siya muna ang uunahin ko.
NAGDRIVE na ako patungo sa cementeryo kung saan nilibing ang anak ko.
Katabi no’n ang kabaong na akala nila ay ako. Pero hindi ako ‘yon, dahil hindi pa ako patay. Ibang tao ang nakalibing sa lupa.
Kaya pagkarating ko do’n, napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa may damuhan.
Likod palang nito, kilala ko na agad.
Si David!
Oo, si David nga!
Dumalaw siya sa puntod namin.
Hindi ko makita ang reaksyon niya, pero sa palagay ko, nilalamon na siya ng konsensya.
Kung sabagay, siya ang pumatay sa anak ko.
Pinatay niya si Michael. At siya pa mismo ang nagpalayas sa amin habang binuburol ko ang bata.
Agad na umapaw sa aking dibdib ang galit. Nagagalit ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa niya sa amin.
Trinato niya ako na parang basura.
Samantalang si Michael, nagawa niyang lasunin.
Para ano? Para balikan si Katrina?
Ibang klase! Ang hayop niya!
HINDI ako nagpahalata na apektado. Pinili ko maging kalmado habang lumalapit sa puntod ng anak ko.
Nang huminto ako sa likuran ni David, napalingon ito sa akin.
Nasilayan ko ang luha sa mata niya na mabilis niyang pinunasan.
“Miss Sandra? Anong ginagawa mo dito?”, tanong nito na may pagtataka.
Tumayo ito kaya nagkaharap kaming dalawa.
“Hindi ba obvious? May dadalawin ako.”, sagot ko na medyo may katarayan.
“D-dinadalaw? Sino?”, bigkas muli ng lalaki.
“Bakit ba ang dami mong tanong?”, balik na turan ko sa kanya.
“W-wala naman. Akala ko kasi–“,
Bago pa man siya makasalita, agad kong nilagay ang bulaklak na binili ko kanina.
Inilagay ko ito sa unahan ni Michael.
Hindi ko kilala kung sino ang patay na ‘yon, pero umakto ako na kamag-anak ko ang tao.
“She’s my auntie. Nalason siya. NILASON SIYA. Kaya namatay. Eh ikaw? Sino ba ang dinadalaw mo dito?”, taas-kilay na bigkas ko.
Talagang diniinan ko ang salitang ‘nilason’ para matamaan siya sa sinasabi ko.
Pero yung mukha niya, hindi nagbago.
“Binisita ko ang mag-ina ko.”, tugon nito sa mahinang boses.
Awtomatikong napalunok ako ng laway, at bahagyang napaatras sa lalaki.
“M-may asawa ka? Akala...
kht anonf gawin mo.kate/sandra mahal mo pa rin c david