DEO’s POV:
HINDI sakit ang naramdaman ko nung dumampi ang palad ni Sandra sa aking pisngi. Bagkus, mas naudyok akong paglaruan ang babae.
Umalis na ito sa harapan ko, kaya abot-tingin na lamang ako kay Sandra.
But the way she looked at me, hindi pa ito kumbinsido sa inakto ko kanina. Halata ko kasi sa mata niya ang pagtatanong na tila nagdududa ito sa kilos ko.
Siguro, hindi ko gaanong nagaya ang galawan ni David. Pero hindi na ‘yon mahalaga dahil alam ko na si David pa rin ang akala niya.
“Minsan talaga, ang galing mo mag-timing Deo.”, pagpupuri ko sa sarili.
Pauwi na sana ako ng Condo eh, kaso naalala ko na may nakalimutan akong bilhin sa mall, kaya binalikan ko ito.
At sa pagbalik ko, natyempuhan ko si Sandra na naglalakad-lakad sa loob.
Iba talaga kapag siniswertehan ka.
Buti na lang, lahat ng suot ni David, katulad ng suot ko. Kaya boses at galawan na lang ang ginagaya ko sa kanya.
Binili ko na ang mga gagamitin at kailangan sa condo, kaya matapos kong magbayad sa cashier, lumabas na rin ako na may ngisi sa labi.
Sobrang ganda nga ni Sandra. Unti-unti tuloy akong natatakam na matikman siya.
Kailan ko kaya magagawa ‘yon?
Dapat masaktuhan ko na nag-iisa lagi ang babae. Para sa gano’n, maging kapani-paniwala ang bawat pag-acting ko bilang si David.
Napadila tuloy ako habang ini-imagine ang pwedeng mangyari sa amin ni Sandra.
Tama nga ang kasabihan nila, ‘It’s more fun in the Philippines’ at isa ako sa nagpapatunay na masaya nga kapag nasa Pilipinas ka.
Akma na sana akong papasok sa aking kotse nang tawagin bigla ang pangalan ko.
“Deo?”, sambit ng lalaki.
Yeah, si David na kambal ko.
“Akala ko ba, bumalik ka na sa abroad.”, he said.
“Akala mo lang ‘yon.”, walang gana na turan ko.
Nasilayan ko ang pagtingin nito sa damit at sapatos na suot ko. And based on his reaction, medyo napakunot ang noo nito.
“Anong ginagawa mo dito? Tsaka, parehong-pareho ang suot nating dalawa ha?”, pagpupuna ni David.
“Malamang, kambal kita.”, pabalang na saad ko.
“Kailan ka pa nagsuot ng ganyan? Diba, wala kang hilig sa ganyang pormahan?”, wika nito muli.
“Ano bang pake mo? Ikaw lang ba ang may karapatan na sumuot ng ganito?”,
“Hindi naman pero nagtataka lang ako sayo. Ilang araw na pero nandito ka pa rin sa Pinas. Tapos pati suot ko, ginagaya mo.”, pahayag niya dahilan para matawa ako.
“Kung naiinggit ka sa akin, David, ipikit mo ang mata mo. Halata tuloy na ayaw mong malamangan. Kung sabagay, parang tuta ka na nga sa paningin ko. Bagsak na bagsak na ang kompanya mo. Nakakaawa ka, kapatid.”, wika ko para insultuhin ang lalaki.
Halos umigting naman ang panga nito sa sobrang gigil, kaya tinapik ko ang balikat niya.
“Biro lang, bro. Ikaw naman, ‘wag mong seryosohin. Tatanda ka agad niyan.”, I continue.
May kinuha naman ako sa pitaka at muli siyang tiningnan.
“Pa’no, mauna na ako. At heto cheke, baka kulangin ang pera mo...
animal ka DEO naku pag sisisihan mo din yan lahat,dalawang inosenteng bata dinamay mo
bitin nmn 2ng novel nyo..