Sandra’s POV:
“ANYWAY, bakit mo ba sinasabi ‘yan sa akin? I don’t care about your problem.”, pakunwaring taray ko sa lalaki.
Ayokong ipakita sa kanya na interesado ako sa buhay nito dahil kailangan kong itago ang pagkatao ko.
But to be honest, gustong-gusto ko siya tanungin dahil pakiramdam ko, malapit na ako sa katotohanan.
Sumagi kasi sa isip ko na baka set-up ang nangyari kay David. Pero hindi pa rin sapat ‘yon dahil malinaw sa mata ko ang ginawa niya. Malinaw pa rin sa tainga ko ang mga sinabi ng tauhan niya.
“Because I need you, Sandra. I need you today, tomorrow and the following days.”, saad nito sa mahinang boses.
“Kailangan mo ako? David, pinirmahan ko na ang kontrata mo. Magpartner na tayo sa business. Kaya wala ng rason para habulin mo ako.”, pagwiwika ko.
“Pinirmahan mo?”, kunot-noong bigkas niya.
“Yes. Nakausap ko ang mother mo. Nakumbinsi niya ako. That’s why I signed the contract.”, turan ko bilang sagot.
“Si mama. Shit. Bakit ka agad pumayag do’n?”, asar na sambit niya.
Napakamot ito sa kanyang batok na tila may galit.
“Why not? Mas magaling siya magsalestalk, kumpara sayo.”, I said directly.
“Miss Sandra, hindi mo kilala si mama. Kailan man hindi siya naging ina sa akin. Kaya ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.”, aniya ni David.
“Hindi ko na ‘yan problema pa. Besides, hindi ko alam ang background ng mama mo.”, wika ko kay David.
Tumayo na ako para umalis na. But for the second time, pinigilan niya ulit ako dahil hinawak nito ang kamay ko.
“Mr. David, mainit ang ulo ko ngayon.”, inis kong sabi.
“Alam ko. Dahil pareho lang tayo, Miss Sandra.”,
“Kung gano’n, you need to take a rest.”, muli kong pahayag.
“Sa oras na ‘to, hindi ko kailangan ng pahinga.”, he replied.
“Okay. Buhay mo naman ‘yan. Basta ako, uuwi na.”, madiin kong wika at mapwersa kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
Pero hinabol ako ni David at talagang hinarangan niya pa ang dadaanan ko.
“Can you please stay away from me!”, bulyaw ko sa mismong pagmumukha nito.
“Kinakapalan ko na ang mukha ko, Miss Sandra dahil wala na akong malapitan na iba.”, wika nito sabay luhod sa harapan ko.
“W-what are you doing?”, turan ko sa kanya.
Nakakahiya!
Ano ‘to proposal? Tsk.
“Miss Sandra, wala akong pera. Ubos na ang pera ko. Naghihirap na ako. Gustuhin ko man kumuha ng private investigator, hindi ko na makaya dahil wala akong pang-bayad.”, saad niya.
“Ang dami mo pang sinabi. Isa lang naman ang gusto mong iparating sa akin. YOU NEED MONEY. So okay, bibigyan kita. Magkano ba ang gusto mo?”, tanong ko...
next po
next po
yes mag tulungan kayo