SANDRA’s POV:
Hindi pwede!
Hindi maaari!
Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.
Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.
Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng ‘yon.
NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.
Halos ilang minuto ko ‘tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.
She told me that I don’t have a sibling.
So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she’s not my twin.
Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.
Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.
He’s a liar!
“Ikulong mo ng mabuti ‘yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na ‘yan hangga’t hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.”, utos ko rito.
Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki.
“Saan ka ba pupunta?”,
“I have something to do. Si Derick na mismo ang haharapin ko. Hindi ko na papatagalin pa ang lahat.”, tugon ko sa kanya.
“Ang gaga mo din talaga, Kate. Kaya ka naiisahan dahil ang bobo mo mag-isip.”, sambit ni Deo na talagang sumingit pa sa usapan.
Salitang bobo at gaga, dyan ako nagagalit at naiinis.
“Wala kang karapatan para sabihan akong bobo!”, usal ko naman.
“Bakit? Totoo naman ha? Kasi kung matalino ka, uunahin mong atupagin si Katrina.”, saad nito na talagang nag-suggest pa.
Ibang klase rin ang hayop na ‘to.
Matapos niyang sirain ang buhay ko, may gana pang tumulong.
“Patungo din naman kay Katrina ang gagawin ko. Kaya ‘wag mo akong pangunahan.”, asar kong wika.
“Okay. Goodluck, Kate. Basta ako, sinasabi ko na sayo ang katotohanan. Walang labis, walang kulang. Dahil ang hustisyang hinahanap mo ay nasa kamay mismo ng kapatid mo. So don’t stress yourself. I’m just concern.”, aniya ni Deo sabay ngiti pa.
Hindi ko alam kung nang-iinsulto lang ito sa akin o pinaglalaruan ako.
“Paano kung tama siya, Kate.”, bigkas ni David na parang naniwala agad sa kakambal niya.
“Come on, David. Demonyo ang kapatid mo. May demonyo bang tumutulong? Tsk.”, sakrastikong turan ko.
“Paano kung meron nga? Sometimes devil turns into an angel. May mga taong masama sa una, pero sa huli, nagiging mabait na.”, mahinang pahayag ulit nito.
“Tumigil ka na David. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay. So please take note of that.”, mataray kong sambit at tinalikuran ko na sila.
Sa Kompanya ang tungo ko ngayon para kausapin si Derick.
Hindi ko na ipapabukas ang nalaman ko dahil ayoko ng magsayang pa ng oras.
MABILIS kong drinive ang kotse papunta roon habang mahigpit akong nakahawak sa manibela.
Konting tiyaga na lang, makukuha ko na rin ang hustisya para sa anak ko.
“Where’s Derick?”, pagtatanong ko sa secretary niya.
“Naku Ms. Sandra, kakaalis niya palang po. Nagmamadali ‘yon kasi akala niya may nangyari sayong masama.”, saad nito kaya napakagat ako ng labi.
“Call him now and tell him that I’m safe. Sabihin mo na rin na bumalik siya dito. Bilis!”, agad na utos ko.
“Okay Ms. Sandra, noted.”, pagtutugon niya.
Pumasok na ako sa office ni Derick dahil dito ko na lang siya hihintayin.
Hindi pa man kami nag-uusap, mukhang sasabog na yata ang ulo ko sa...
kagigil,intents na ang story