When a Single Mom meet the HOT CEO Continuation of Chapter 6


Continuation of Chapter 6 (When a Single Mom meet the HOT CEO)
____
Kate’s POV:
Gaya ng sinabi ni David, naghintay kami ni Michael na sunduin niya.
Nakapag-impake na rin kami para sa gano’n, tuloy-tuloy ang pag-alis namin.
I don’t know why, but my son look so excited.
Halatang gusto n’yang makasama ang binata.
Masyadong malapit ang loob nila kahit na ilang oras palang sila nagbonding.
“Papa!”, bigkas nito nang huminto ang kotse sa tapat namin mismo.
Ang yama niya talaga! Nung isang araw, hindi naman ganitong kotse ang ginamit niya. Pero ngayon, ibang sasakyan naman.
“Papa, totoo po ba na sa inyo na kami titira?”, tanong ni Michael nang bumaba ang lalaki.
Naka-shade ito at nakabukas ang butones ng polo niya.
Kaya ayan, pinagtitinginan siya ng mga chismosa naming kapitbahay.
“Buti pa si Kate, nakabingwit ng malaking isda.”, rinig kong sabi ng babae.
“Paanong hindi makakabingwit, nagtatrabaho ‘yan sa club.”, pasegunda ng kausap.
Mapait tuloy akong napangiti dahil sa usap-usapan nila.
Ganito talaga ang tingin ng karamihan sa akin, maruming tao.
“Let’s go?”, sambit ni David nang lumapit siya para kunin ang bagaheng hawak ko.
“David, k-kung pwede lang, sa ibang bahay mo na lang kami dalhin. Bawasan mo na lang yung sweldo ko, basta ‘wag lang sa bahay mo.”, turan ko sa kanya.
“But you said–“,
“N-nagbago na ang isip ko. Ayoko namang pagchismisan ako. Tsaka, nakakahiya sa kapamilya mo, kung doon ako titira, diba?”, balik na saad ko.
“Kate, I have my own house. Kaya wala do’n ang parents ko. Besides, my house is near to my company.”, pahayag niya para udyukin ako na pumayag.
Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap sa gilid, kung...


saan, matalim ang titig nila sa akin.
“I got it. Iniisip mo ba ang sinasabi nila?”, he asked me.
Nakatingin na rin pala siya sa mga peste.
Hindi ako sumagot, sa halip, naglakad na ako patungo sa kotse ng binata.
Pero bigla n’yang kinabig ang braso ko, dahilan para mahinto ako.
“Ano ba sa tingin mo, ang ginagawa mo?”, kunot-noo kong sambit.
Kaso mas hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak at bahagya s’yang tumabi sa akin.
“Listen everyone, nabalitaan ko ang tungkol sa pagpapalayas sa inyo ng may-ari ng lupang ito.”, panimula nitong sabi.
Naguguluhan tuloy ako, kung bakit niya ‘to nalaman. Sa pagkakaalam ko, hindi ko
‘to na-ikwento sa kanya.
“Handa akong bilhin ang lupang ito at ibalik ang bahay niyo. Basta tigilan niyo na si Kate. I don’t want to hear a bad words about her. Dahil sa oras na makarating ‘yon, ako na mismo ang magpapalayas sa inyo.”, he continue saying.
Nagkaroon ng tuwa at galak ang damdamin ng mga tao dahil sa good news na pinaabot ni David.
Kahit sino, maniniwala sa binata dahil postura palang, bilyonaryo na ang datingan.
“And one more thing, Kate is not the type of girl that you’re thinking. She’s beautiful inside and out, that’s why I like her.”, wika niya muli na ikinagulat ko.
Teka?
Is he serious?
Ano bang kalokohan ang pumasok sa utak niya at nasabi niya ‘to?
“David.”, sambit ko sa pangalan nito habang pinandidilatan ko siya ng mata.
But he just winked at me.
“Don’t worry, I will be your savior starting today, my wife.”, mahinang saad niya.
Halos ma-tae naman ako sa ‘di malamang dahilan.
Shet, kinikilig ba ako?
Written by: Merna Bonto






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top