Continuation of Chapter Two (When a Single Mom meet the Hot CEO)
____
Kate’s POV:
“Oh, anong itsura ‘yan Kate? Ba’t parang hindi maipinta ang bibig mo?”, saad ng aming manager dito sa club.
Inis akong pumasok sa private room kaya yung atensyon ng mga babaeng nag-aayos, napunta sa akin.
“Nakakabwisit kasi yung naka-table ko Ma’am. Ayain ba naman ako na one night stand? Kaya ayon, iniwan ko.”, asar kong tugon at napasapo sa noo.
“Kate naman, ang gwapo-gwapo ng ka-table mo. At higit sa lahat, mayaman pa.”,
“–Tapos tinanggihan mo lang?”,
“–Para mo na ring tinakwil ang grasya na lumapit sayo.”, wika nito na animo’y sinesermonan ako.
“Ma’am, kailanman hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko dahil lang sa pera.”,
“–May anak ako. At ayokong isipin ng anak ko na yung kinakain niya, galing sa maling paraan.”, magalang na saad ko sa Ginang.
“Hay naku, bahala ka. Sinasabihan lang kita, Kate.”,
“–Dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng pera. Pero kung ‘yan ang desisyon mo, sige, hahayaan kita.”, tanging turan niya, kaya medyo gumaan ang loob ko.
Bumalik na ako sa dati kong trabaho, kung saan taga-serve lang ako ng inumin sa mga customer.
Dito ko binuhos ang oras ko, para sa gano’n, hindi na uminit ang ulo ko dahil sa mokong na ‘yon.
Kaso mukhang minamalas ako sa gabing ito, dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, dahilan para mahulog ko ang tray na aking dala.
“Ahm, s-sorry. H-hindi ko sinasadya.”, kinakabahan na sambit ko sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman.
Natapunan ko kasi ang isang kasamahan nila, na medyo kakaiba ang datingan.
And I think, badtrip yata ang taong ito dahil halata ko sa kanyang reaksyon ang pagkagalit.
“Hindi ako tumatanggap ng sorry.”, wika nito kaya napayuko na lamang ako.
“Ah, a-ako na lang ang sasagot sa alak niyo Sir, bilang k-kabayaran.”, nauutal kong saad.
Pero yung ekspresyon ng mukha niya, walang pinagbago.
“Dilaan mo.”, bigkas nito at tinitigan ako sa mata.
“H-ho?”,
“Sabi ko, dilaan mo. Hubarin mo ang polo ko, tapos dilaan mo ang dibdib ko hanggang sa mawala ang lagkit.”, pag-uulit na sabi ng lalaki.
“P-pero–“,
“Mas mahal pa sa buhay mo, ang halaga ng damit ko....