WHERE THE PLACE I BELONG TO” CHAPTER 9


WHERE THE PLACE I BELONG TO”
CHAPTER 9
Few days after…
Maliwanag sa loob ng buong bahay at may mga kotse at van sa labas ng bahay nila. Nakasuot siya ng shade, black jacket at pants na ala Angelina Jolie ang dating.
May kunting tao sa labas sa may harden, pero wala siyang pakialam, pumasok siya ng gate at dumiretso sa tapat ng pinto.
Grand intrance ang dating niya- pagkapasok pa lang niya ay napatingin na sa kanya ang ilang taong naroon, pero nagtuloy siya sa paglalakad at agad hinanap...


ang kuya Robert niya.
At nakita niya ito malapit sa may hagdan na kausap ang isang naka wheelchair na matanda na sa tingin niya ay ang kanilang lolo Gregorio.
“Brother!” tawag niya na medyo malakas dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat ng taong nandun.
Oo sinadya niya talaga na medyo lakasan baka kasi di siya marinig ng kuya niya.
Gulat namang napalingon sa kanya ang kuya niya at yung matandang lalaki na kausap nito. Agad siyang lumapit dito kahit pa dinig niya ang bulong-bulongan ng mga taong nandun.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top