YOU ARE THE ONE


YOU ARE THE ONE💕
(PRECIOUS HEARTS ROMANCE)
CHAPTER ONE
Leah’s POV
“YOU KNOW, being a hunk is not everything Gerard. It’s high time you realize that. Don’t be so over yourself, okey?” Sabi ni Leah sa lalaki kumuha Siya Ng Pera sa kanyang wallet at ipinatong iyon sa Mesa. “My share. Ayokong mapagbintangang nagpapalibre.”
Nahalata ni Leah Ang pagpipigil Ng tawa ng kaibigan niyang si Juvy. Isinama talaga niya Ang kaibigan para sa hiwalayang blues na iyon.
“Sige, `alis na kami,” Sabi ni Leah. Kasabay niyang tumayo si Juvy. Pagkatapos ay sabay Rin nilang tinalikuran si Gerard.
Hindi na nila Nakita Ang reaksiyon Ng lalaki. kunsabagay,. Kanina pa itong mukhang natuklaw Ng ahas. Siguro ay iyon pa lamang Ang unang beses na may nakipag-break Kay Gerard.
Ang totoo, Hindi alam ni Leah Kung paano sila umabot Ng dalawang linggo bilang magnobyo. Wala siyang gusto Kay Gerard. Nakilala lamang niya Ang lalaki sa fashion show na kinabilangan ni Juvy. Ramp models Ang dalawa. Naiinis si Juvy Kay Gerard. Malabagyo raw Kasi sa hangin Ang lalaki.
Kaya nang magpakita si Gerard Ng interes sa kanya ay naisip niyang turuan Ang lalaki Ng leksiyon.
Walang dudang inakala ni Gerard na game Siya noong una dahil in-encourage niya Ang pakikipag-flirt nito. Sinagot din agad Ang lalaki Ng manligaw sa kanya. Inakala cguro ni Gerard na mabilis syang mapapasunod dahil Kay bilis syang napasagot.
Puwes, nagkaka Mali si Gerard. Part iyon sa plano nyang paibigin Ang lalaki. Kung kailan patay na patay Ito sa kanya ay Saka niya ito hihiwalayan.
“Exceptional man- hater” Ang taguri Kay Leah Ng kanyang mga kabarkada. Kakaiba daw Kasi ang method niya Ng pagpapakita Ng galit sa mga lalak.
Siya lamang daw Ang man-hater na Ang daming naging nobyo.
Ang totoo, Hindi galit si Leah sa lahat Ng lalaki. There was only one man she hated Ang his name was Henry, the holier than thou Mr. Henry Aragon.
Alam ni Leah na making ipakita niya Ang galit niya Kay Henry sa ibang lalaki kaya kahit paano ay nagiging patas Siya sa mga nakakarelasyon, maliban na lamang sa mga nagtataglay Ng masamang ugali. Ang mga nabibilang sa huling kategorya ay sinasagot lamang niya para maturuan Ng leksiyon.
Aminado ai Leah na Hindi lahat Ng naging nobyo nya ay may pangit na attitude. Some were worth keeping. Sa katunayan, ilang beses niyang pinilit Ang sarili na magkagusto sa mga lalaking iyon. But it seemed like no...


one was fit enough to be her “the one.”
Natatabunan na Rin siguro Ang judgment ni Leah Ng totoong dahilqn Kung bakit sa kabila Ng MARAMING lalaking dumaan sa kanyang buhay ay Wala ni Isa man lang ang nag- Iwan Ng Marka. It was because her heart was longing for someone else.
Subconsciously, kaya marahil ganoon na lamang Ang indifference niya sa ibang lalaki ay dahil gusto niyang ipakita Ang pagrerebelde Kay Henry. She wanted to feel superior, to prove she was desirable enough for a man to want her. Dahil Wala siyang kakayahan na gawin iyon Kay Henry. With him, she was powerless. But with other men, she was the one who get to call the shots.
Limang taon na Ang nakaraan ngunit sariwa parin sa alaala ni Leah Ang naganap sa pagitan nila ni Henry sa private resort Ng mga Aragon sa Batangas. Aminado siyang hantaran Ang pagpapapansin Kay Henry noon. Na-attract na Kasi agad Siya sa lalaki sa unang pagkikita pa lamang nila. Pero iba pala Ang pagkakaintindi ni Henry sa mga kinikilos nya.
Hindi nanga ata makakalimutan ni Leah Ang mga sinabi ni Henry sa kanya noon sa resort.
Napagtanto niyang iba pala Ang tingin nito sa kanya. Bersiyon Kasi Ng kuwento tungkol sa mga magulang nila na alam ni Henry kaya ganoon na lamang Kung husgahan sila Ng mommy niya. Ang sino mang Hindi nakakakilala sa kanilang mag Ina ay kagaya Rin marahil Ng iniisip ni Henry Ang iisipin__na manggagamit silang mag Ina.
Kung kaya lamang utusan ni Leah Ang sarili na itigil Ang damdamin para Kay Henry ay noon pa niya ginawa. Pero sa tagal Ng panahon ay tila nakabaon na Ang lalaki sa pinakamalalim na bahagi Ng kanyang puso at Hindi na kayang hukayin pa.
She had been so disappointed with herself. What was with the man that she couldn’t get him out of her system? Maybe because he was so out of her reach and irresistible. Or maybe it was just a classic case of forbidden love. Lalong naeengganyo si Leah na asaming magiging kanya so Henry dahil bawal ito.
Mabuti na lamang at walang kaide-ideya Ang lalaki na maha niya ito. Wala Rin Naman siyang balak na ipaalam iyon Kay Henry kahit kailan.
Ilang beses na tinanong ni Leah Ang sarili Kung bakit Kay Henry pa ziya na inlove. Pero Wala siyang maisagot sa sariling tanong. Sa bawat lalaking nakakarelasyon niya ay hinahanap kaagad niya Ng samut-saring emosyon na pinupukaw ni Henry sa kanya.
-comment for next story 😊






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top