YOU’LL BE OKAY PART I


YOU’LL BE OKAY”
by: Katherine Evangelista
PART I
— In Aryana’s House —
Mel: Ano na AC? Matagal pa ba yan?
AC: Wait lang naman.
Sigaw nito mula sa kanyang kwarto.
Mel: naku Aryana Cris Choi kapag tayo iniwan ng eroplano, ikaw talaga sasakyan ko papuntang South Korea.
AC: oo na! Ito na po Melchor Dangat. *Laugh*
Pang-aasar nito sa kaibigan.
Mel: Oh How I hate my name. Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko. *Sabay wahing sa kanyang imaginary long hair*
AC: Ikaw kaya nag-umpisa. *Ismid nito*
Lumabas na sa kanyang silid si AC.
Mel: oo nalang. Akin na yang bagahi mo para mailagay na sa taxi. Kaloka ka te, late ka talaga palagi. Wag mong ugaliin yan, nakakamatay.
AC: ang OA mo ha. Oo na! Sorry na. Halika na.
Mel: ay te? Di kana kakain?
AC: hindi na. Sa airport nalang. Tara na.
Lumabas na sila ng bahay.
Mel: osya! Tara at gogora na tayo sa lugar kung nasaan ang mga oppa. *At lumakad na parang rumarampa papunta sa taxi*
AC: baka oppakan ka nyang mga oppa mo.
Mel: sa ganda kong ito? I doubt that. Baka ikaw upakan nila te *laugh*
AC: subukan nila at di ko sila aatrasan. *Smirk*
Pumasok na sila sa loob ng taxi.
Mel: scary AC. *Nang-aasar with hand gestures*
AC: manahimik na muna Mel at nasusuka ako kapag may maingay sa loob ng sasakyan.
Mel: okay. Zip *pagzizipper kunu kunwari nito sa kanyang labi.*
Natawa naman ang dalaga at napailing sa ginawang action ng kaibigan.
—Hours later—
Mel: Welcome to South Korea! *Mwa! Mwa! In the air na action nito*
AC: *laugh* tuwang-tuwa ka te?
Mel: syempre naman makakakita na din ako ng oppa. Palibhasa kasi tomboy ka.
AC: hindi ako tomboy no. Talagang di ko lang trip mga lalaki. Eh, ikaw? Bakla!
Mel: arouch ah! Kelangan sabihin mo talaga yan? Best friend ba talaga kita?
AC: Hindi. Sino ka ba? *Laugh*
Mel: ganun? Sige, ganyan kana. *Tampo nito kunwari*
AC: napakabading mo talaga. Sino nga pala magsusundo sa atin?
Mel: che! Pagkakaalam ko si Mr. Park. Tignan natin doon sa waiting area ng arrivals.
Pagdating sa arrival waiting area ay nakita agad nila AC at Mel ang magsusundo sa kanila.
Mel: Mr. Park! Here! *Ngiti sa matandang lalaki, at lumapit dito. *
Park: Welcome back to Korea Mel. *bow*
Mel: Thank you mr. Park. By the way, this is my friend Aryana Cris Choi. She’s the one that I’m telling you about.
Park: I see Nice to meet you, ms. Choi. It’s nice to meet you and welcome to South Korea. I’m looking forward to be working with you.
AC: Thank you Mr. Park. It’s a pleasure to meet you and I’m looking forward to it. *Smiles and bow*
Park: *bow to AC and look at Mel* I hope that she knows what will be her work.
Mel: uh-oh!
Park: why? Is there a problem?
Mel: No mr. Park. Everything is under control. *Awkward smile*. *Mel to himself* paktay kang bakla ka, sa lahat ba naman ng makakalimutan eh yung pagdiscuss sa work pa talaga yung di mo nasabi kay AC? *Tampal sa ulo*
AC: may problema ka ba? Saka wala ka pang sinasabi sakin na magiging trabaho ko dito. Ano ba gagawin ko dito? Wag mong sabihing ibinenta mo ko? Hoy! Sumagot ka!
Mel: gag*! Syempre hindi no.
Park: Guys, come on! We’re going to meet your employer today. They are waiting for us.
Mel: Coming Mr. Park. *Tingin kay AC* sorry te, nakalimutan ko sabihin sayo. *Naglakad na papunta sa sasakyan* Paano naman kasi, sobrang excited ang bakla na makabalik ng Korea.
AC: di mo pa sinasagot tanong ko. Ano? Ano magiging work ko?
Park: get inside guys. Please hurry up or else we are all dead.
Pumasok na sina AC at Mel sa sasakyan at nagtungo na sila papunta sa Seoul kung saan nakatira ang kanilang pagtatrabahu-an.
AC: sabihin mo sakin ano work ko. Now na! Bakit kasi now ko lang din naalala. Hays!
Nagbubulongan ang magkakaibigan para di mahalata na walang kaalam-alam si AC sa magiging trabaho nya.
Mel: Bes, magiging PA ka.
AC: PA? anong PA?
Mel: Personal Assistant.
AC: WHAT?!
Park: is there a problem? *Tingin sa kanila sa back seat*
AC: a-ah! *Awkward laugh* nothing mr. Park.
Park: I see. We’re near, so just relax and be calm. Okay?
Mel: we will mr. Park. Thank you.
Ngumiti lang si Mr. Park sa dalawang nasa likod.
AC: bakla, anong PA? Ano yun? Pinagpalit ko pagiging manager ko sa isang hotel sa pagiging PA? Pinaglololoko mo ba ako?
Mel: sorry na! Saka mas bagay sayo ang work na to kasi may experience ka na sa managerial at isa pa mas malaki sahod mo dito kumpara naman doon no.
AC: hays! Ano pa nga bang magagawa ko eh andito na tayo. Kasalanan ko din eh, di ako nagtanong sayo kung anong work. Pano kasi sabi mo din eh parang Managerial position tas langya ka, personal assistant pala.
Mel: sorry talaga te. Saka natatakot din ako na baka tanggihan mo eh, need na kasi nila. Urgent ba.
AC: naku! Gusto talaga kitang batukan pero dahil partly kasalanan ko din ay sige wag nalang. Saka okay na din siguro to, toxic na din sa workplace ko eh.
Mel: thank you te *lingkis ng kanyang kamay sa braso ni AC*
AC: ay anu ba yan. Okay na thank you, wag kalang gaganyan.
Mel: oo na! Ang conservative mo talaga.
AC: Dapat lang no. Sa ganda kong to?
Mel: kapal ha.
AC: mas makapal yung sayo.
Park: we’re here!
Bumaba sila ng sasakyan at nakita ang isang napakataas na building. Namangha naman si Aryana sa kanyang nakita at naisip na, I think this job will be exciting.
Pumasok na sila sa loob at nagelevator. Pinindot ni Mr. Park ang floor 43 yun. Kinakabahan naman si Aryana sa kung anong employer meron sya.
Di nya alam kung saang company sya magiging PA at hindi nya din alam ano ang background ng kanyang magiging employer. Pinagdadasal nalang nya na sana mabait ito at hindi palautos.
*Ting*
Tumunog ang elevator hudyat na nasa 43rd floor na sila.
Lumiko sila sa right side and sa tapat ng isang grey stainless door ay nagdoorbell si Mr. Park. Agad namang may nagbukas ng pinto at isang babae ito.
Woman: oh! Mr. Park. Hello!
Park: Hello Ms. Kim. I’m here together with our new employees. They are from Philippines.
Tinignan ng babae sina Aryana at Mel. Ngumiti naman ito sa kanila. Nagbow si Aryana at Mel dito as a sign of respect. Narelief naman si Aryana dahil mukhang mabait ang kaniyang magiging employer. Agad naman syang napa Thank you Lord sa kanyang isip dahil sa bilis ng pagtugon nito sa kanyang panalangin.
Woman: Come inside. *Opens the door widely*
Park: *bow and go inside dala ang mga gamit nina Aryana at Mel*
Aryana and Mel: thank you ma’am. *Smiles*
Pagdating sa loob ay agad na namangha ang dalawa sa ganda ng interior design.
Woman: let me introduce myself first. I’m Mrs. Kim Soo Hee, and you are?
Mel: Hello ma’am, I’m Melchor Dangat but you can call me Mel. Nice to meet you ma’am. *Smiles and shake hands with...


her*
Soo Hee: nice to meet you to Mel-shi. *Smiles* This young lady here, what’s your name?
Aryana: Hi ma’am, my name is Aryana Cris Choi. AC for short. Nice to meet you and it’s my pleasure to work with you.
Soo Hee: Nice to meet you AC, but can I call you Aryana-shi?
Aryana: yes ma’am. No problem. *Smiles*
Nagulat naman si Mel sa pagpayag ni AC na tawagin sya sa kanyang first name. Yan ang pinaka-ayaw nya sa lahat. Naisip nalang ni Mel na sabagay, professional nga pala tong kaibigan ko.
Napangiwi naman si AC dahil sa gustong tawag sa kanya ng kanyang magiging boss.
Soo Hee: you may sit. *Smiles to both of them and then look at mr. Park* mr. Park can you please give us a glass of juice? Thank you.
Park: okay Ms. Kim.*nod and bow*
Soo Hee: by the way, I’m the mother of your boss. He’s not here because he is still in Jeju for vacation but no worries, he’s already expecting you to arrive today.
Tumango-tango naman ang dalawa.
Soo Hee: you will stay in their company’s accomodation which is a walking distance from here. We will bring you there later after our short orientation.
Dumating si Mr. Park na may dalang juice. Uminom ng juice si Ms. Soo Hee muna at after nya ay sinundan ng dalawa. Napangiti naman si Ms. Soo Hee dahil alam ng mga ito ang basic etiquette at marunong rumespeto ang mga ito.
Soo Hee: thank you Mr. Park* smiles at him and then look at her employees* you have different jobs. Maybe you are wondering why we’re here and not in your company. I asked the company that I will be the one who will discuss everything to you and they agreed. Your contract is here but before we sign it I will tell you your job description.
Tumango naman ang dalawa at maiging nakinig.
Soo Hee: For you Mel-shi, you will be working inside the company while you Aryana-shi will be outside the company. You will be working outside together with your boss. Mel-shi can sometimes come with you only if he is badly needed. Since Aryana-shi has experience in managerial you are chosen to be working with my son outside. Your job is to be at his side always, you also need to make sure that he eats, drinks his vitamins, etc.
Natulala naman si Aryana sa narinig. Sa isip nito “HE?!, oh men!”
Soo Hee: do you understand Aryana-shi?
Mel: te!
AC: Yes ma’am. Understand.
Soo Hee: okay *smiles.*
At inexplain din Ms. Soo Hee kay Mel ang mga gagawin nito sa loob ng opisina.
Soo Hee: lastly, you have separate accomodations. You are lucky that your company has a special treatment for their foreign employee. So please be good and do a good job. *Smiles*
AC: We are honored and no worries ma’am. We will do our best.
Mel: you can count on us ma’am.
Soo Hee: oh before I forgot, you will be working with my son Kim Seon Ho.
AC: K-Kim Seon Ho? *Shocked and trembling*
Mel just smirked dahil alam nyang one and only crush ito ng kanyang kaibigan. Alam ni Mel kung sino ang pagtatrabaho-an nila pero di nya ito binanggit sa kaibigan dahil gusto nyang magulat ito at sobrang satisfied naman sya sa nakuhang reaction mula sa kaibigan.
Soo Hee: yes. This is my son.
At pinakita ni Ms. Soo Hee ang kanyang photo kasama ang anak at kamuntikan pang tumili si Aryana sa nakita.
Soo Hee: You’re familiar with him?
AC: SUPER! ehem!
Soo Hee: *laugh because of Aryana’s reaction*
AC: sorry ma’am. yes ma’am. I know him.
Soo Hee: great. You’ll be working with him starting next week so be ready and for now, you can roam around Seoul and have fun because after a week you’ll have a hectic schedules. That’s all for today.
Both of them: thank you ma’am.
Soo Hee: Mr. Park, please bring them in their accomodations and you may accompany them if they want to go outside. Use our company card for your expenses.
Park: We will ma’am. Thank you and have a great day.
Nagbow sila kay Ms. Soo Hee at umalis. Pagdating sa accomodation ng company ay napahanga silang dalawa. Ang style ng accomodation nila ay parang condo unit na sa Pinas. Sobrang social at kumpleto na sa gamit. Ang accomodation ni Aryana ay nasa 2nd floor samantalang nasa 3rd floor naman ang kay Mel.
Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay nagplano naman ang magkaibigan na gumala at ifamiliarize ang Seoul lalo na kay Aryana na first time palang dito.
Sa 1 week na wala silang trabaho ay gumala lang sila ng gumala.
— after a week–
Gabi na at alam ni Aryana na nakarating na sa Seoul si Seon Ho dahil inupdate sila ng company nila.
AC: hayss! Tomorrow is the day. Kyaaah! *Kinikilig at tumingin sa unan nito na kung saan nakaprint ang mukha ng artista* Makikita din kita bukas. Nakuu! Di ako makatulog dahil sobrang excited ako na makita ka. Who would’ve thought na ikaw pala ang magiging boss ko? Naku! Maiinggit mga kakilala ko nitong fans mo din. Basta ako, number 1 fan mo ako. Kyaaah! I can’t stop. *Kilig* goodnight bebe ko *kiss sa picture*
–The next morning–
*Ding, dong*
*Ding,dong*
*Kablag, kablog*
Mel: naku! Alas otso na tulog pa din tong babaeng to? 8:00 am paman din ang call time namin. Kalokaa!
Nastress at nagwoworry naman si Mel sa labas.
Mel: kalokaaa! Tawagan ko nalang. Pati ba naman dito nadala nya pagiging late comer. Tsk! Badtrip naman.
*Ring, ring*
AC: he-hello?
Mel: bilisan mo dyan at late na tayo. Jusme ka!
AC: ha?
Mel: naku! Sabog! *Tampal sa noo* BILISAN MO DYAN AT MALELATE NA TAYO SA WORK.
AC: Saan may work? Wala akong trabaho.
Mel: gag*! May work kana, nasa Korea tayo. Siraulo ka! Buksan mo pinto mo at sasampalin kitang bruha ka. Nastress ako sayo, ang aga-aga. Iiwan kita dito eh.
AC: hala! Hindi panaginip na kay Kim Seon Ho ako magwork.
Mel: ay ewan ko sayo! Mauna na kayo.
AC: WAIIIIT! sh*t huhu akala ko dream lang.
*Toot,toot*
End call
Mel: pinatayan pa ko.
*Door opens*
AC: pasok ka muna. Wait lang bihis lang ako at hilamus.
Mel: naku! Sarap mong sabunotan. Bilisan mo dyan. Nyet* ka talaga, 8:15 na oh! Tsk
AC: sorry. Bibilisan ko na.
After 15 Minutes ay tapos ng mag-ayos si Aryana at saktong 8:45 ay nasa apartment na ito ng actor.
“You’re late”

Hello guys, new story is up po.
Ang main cast ko dito ay si Kim Seon Ho ang leading man sa Hometown Chacha. Sinulat ko tong story na to para maalala pa din natin sya even though ilang buwan na syang walang update. Sad no 💔? I just hope na he is doing great.
Itong kwento na ito ay kathang isip ko lamang po. Ang leading lady naman sa story na ito ay “IKAW”. Opo. Isipin mo na ikaw ang main character at partner ni Kim Seon Ho at si Mel ay pwedeng kaibigan mo. Mag-imagine kalang.
I hope you support this story also. Salamat po sa mga magbabasa nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top