𝗨𝗡𝗗𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘
Paano mo pinapahalagahan ang isang tao? Binibigay ang lahat para sa kan‘ya. Paano mo ‘yon pinalagahan ng maayos. Paano mo pinapahalagahan ang taong mahal mo? Ang taong nagmamahal sa ‘yo ng buong buhay mo. Paano?
Isang araw may darating na isang tao sa buhay mo‘ng di inaasahan. Mamahalin mo ng walang dahilan. At buong puso mo’ng iingatan at bigyang importansya.
“Mahal, tingnan mo ‘ko. Ang cute ko,” ani ko sa kan’yang binaling ang tingin at atensyon sa akin.
“Cute baka mo?” Pinagtatawanan lang ang hitsura ko na s’yang ikinasimangot ko. Boyfriend ko ba ‘to? Lakas maka-tawa sa sariling pagmu-mukha ng girlfriend niya.
“Alam mo, mahal. Kahit gan’yan ka sa akin. Mahal kita. Kahit loko-loko at siraulo ka. Ha?! Mahal Kita tandaan mo ‘yan,” sabi ko sa kan’ya. Pagkatapos ay binatukan ko at pinaghahampas sa braso. Na s’yang tuloy dahilan para maghabulan kami.
May mga bagay sa mundong ito na— hindi natin kayang pigilan. Ano man ‘yung gagawin natin.
May sakit ang boyfriend ko. Brain cancer. At sobrang lala na nito. Magaling at matalino akong doctor. Pero bakit sa lahat ng pasyente ko at sa lahat ng tao. Bakit s’ya ang ‘di kayang napagaling. Siya ang ‘di ko kayang nai-ligtas.
“Sabihin mo‘ng kaya mo? Gusto ko’ng marinig mula sa labi mo. Sabihin mo?” tanging pag-luha sa sandaling ito ang nagawa ko. Masakit sa dibdib.
“Hindi ko nga kaya?! Hinding-hindi ko kaya.” Hagolgol kong pasigaw na sagot sa kan’ya. “Hindi ko nga kaya na mawala ka.” dagdag ko. Sobrang sakit sa dibdib sabihin...