Hindi maganda ang unang pagkakakilala ni Aica kay Sam dahil muntik ng masagasaan ang kapatid niya sa minamaneho nitong kotse. Buti nalang bugbog ng balakang lang ang nangyari kay Ipe at hindi Ito napuruhan. Pero hindi na talaga magbabago ang unang impresyon ni Aica na masamang tao ang guwapong binata.
Nang sumunod na araw na nagkita sila ay palihim siyang kinunan nito ng litraro. At nang sumunod na araw, hindi pa nawawala ang inis niya rito,...