The Man in my Dreams EPILOGUE


Makalipas ang mga araw, linggo, buwan, ang pinakahihintay na araw nina Jojo at Jera ay sumapit na, ang araw pinapangarap ni Jera, , hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi dahil sobrang excited siya sa araw na iyon, nakatingin lang siya sa kanyang trahe na susuotin, halos magdamag siyang nakatitig doon, masaya si Jeralene dahil ilang oras na lang ay, magiging kabiyak na niya si Jojo na lalakeng pinapangarap, halo halo ang emosyong nararamdaman kaya naluluha siya dahil sa sobrang excitement, kaba, saya, lalo na nga kung ang makakaisang dibdib ay ang lalaking inaasam-asam niya buong buhay niya, pinangarap mula bata mapahanggang ngayon, natapos ang pagmumuni-muni niya ng katukin ang pinto ng kwarto niya, ang mga magulang niya ito.
.
Jera : bukas po yan!
Cristy : anak, mabuti at gising kana!
Ronald : eh mukha namang di natulog ang anak natin ah.
Jera : opo papa, tama ka po, di ako makatulog! Nakatulog ako, pero konti lang.
Ronald : ganyan talaga anak ang mga ikakasal, excited!!
Cristy : masaya ka ba anak?
Jera : sobrang saya ma!!
Cristy : kami din ni papa mo anak, masaya kami para sayo.
Ronald : oo anak, akalain mo nga naman, dating pinapangarap mo lang ngayon eto na!!
Cristy : kaya nga, oh sige na kilos na, ayusin mo na ang sarili mo, mag-kape ka muna, bago ka maligo at nang hindi ka sikmurain..nandiyan na yong mag-aayos sayo.
Jera : papa, mama thank you po ah, dahil nandiyan po kayo palagi sakin, wag po kayong mag-alala kahit may asawa na ako hindi ko po kayo pababayaan.
Cristy : alam naman namin yun anak, wag mo kaming intindihin.
Ronald : oo nga anak, at Anak lagi mong tatandaan nandito kaming pamilya mo, ano man ang problema,
Cristy : sya sige, tayo na sa labas at maaga tayong mag-breakfast, at nang makapag-gayak na, papa gisingin mo na si Jomel at Jen para sabay sabay na tayong mag-almusal.
.
Maaga din gumising ang mag-anak na Max at Flor, si Jojo naman ay konti din ang naging tulog, dahil tulad ni Jera ay excited din siya sa araw na ito, ilang oras nalang ay magiging asawa na niya si Jera, request nila ni Jera ay maaga ang kasal nila at beach wedding ang theme ng kasal nila, umaga ang napagkasunduan oras dahil gusto ni Jojo at Jera na ikasal sila sa oras na kung kailan ay oras din ng unang pagkikita nilang dalawa at doon din mismo sila ikakasal kung saan ay una silang nagkita, sinunod naman ng mga magulang nila ang gusto nila Jojo at Jera, lumabas na ng kwarto si Jojo, wala ang mama at papa niya, nagtanong siya sa isang katulong doon, at ang sabi ay nasa venue daw, excited na talaga siya para mamaya, gusto niyang tawagan sa cp si Jeralene, ngunit kabilin bilinan sa kanya ng mama niya ay bawal silang mag-usap o magkita dahil may pamahiin na sinusunod, kaya nilibang na lang niya ang sarili nia, nagtimpla na lang siya ng kape niya at bumalik siya sa kwarto dahil maaga pa naman daw, madali lang naman daw siyang makapag gayak.
.
At samantalang si Andrea ay gising na ngunit hindi pa bumabangon, hindi din siya nakatulog sa kadahilanan naman na iniisip niya ang mga sandaling magkasama sila ni Jomel ng nagdaang gabi, at bumalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Jomel ng nagdaang gabi.
….
Jomel : love!
Andrea : bakit love?
Jomel : ano kaya ang pakiramdam ng ikakasal?
Andrea : masaya syempre!!
Jomel : paano mong alam love?
Andrea : kasi nakikita ko si kuya, kung minsan napapangiti mag-isa! Tapos excited siya.
Jomel : gusto ko na din maramdaman yong ganun love!
Andrea : dadating din tayo doon, wag kang mainip.
Jomel : talaga love.?
Andrea : oo love!
Jomel : kabilis ng araw ano.
Andrea : oo nga!
Jomel : (kinuha ang kamay ni Andrea at hinawakan niya ito) parang kelan lang na sinagot mo ako, tapos naki-usap ako sayo noon na saka ka nalang bumalik ng canada pag natapos na ang kasal nila ate at kuya Jojo ngayon eto na ikakasal na sila. Babalik ka na ng canada iiwan mo na ako.
Andrea : (hinigpitan ni Andrea ang hawak sa kamay ni Jomel) love naman ano ka ba, babalik naman ako dito, at saka lagi naman tayong magtatawagan, thru videocall.
Jomel : iba naman love yong nahahawakan, kita ng ganito yong napi-feel ko yong mga malambot at mabangong kamay mo(sabay dampi ng mga labi sa kamay ng dalaga)
.
Parang nahabag ang puso ni Andrea dahil ramdam ni Andrea ang lungkot ni Jomel, dahil halos sobrang higpit din ng hawak sa kamay niya si Jomel habang dinadampian ng halik ang kanyang kamay, almost 3 mos, na sila pero hanggang yakap at halik lang sa kamay niya ang ginagawa ni Jomel at hanggang beso lang, pero noong gabing iyon ay hiniling ni Jomel kay Andrea na halikan siya nito sa mga labi, nabigla ng sandali si Andrea ngunit nakabawi naman agad siya, nakaramdam siya ng excitement, sabi sa isip ni Andrea natural namang nangyayari yon sa mga nagmamahalan na tulad nila, ang kaso daw ay nahihiya si Andrea dahil hindi siya marunong humalik, pero pumayag din siya sa hiling ni Jomel, mabuti na lang noong gabing iyon ay nasa malayo sila sa tao, nandoon kasi sila sa Pagdarausan ng kasal nila kuya jojo nila at ate Jera nila, abala ang mga tao sa pag-aayos sa venue..nawili silang manatili duon dahil masarap langhapin ang sariwang, hangin..
.
Andrea : love, hindi ako marunong humalik..(nahihiya niyang sabi)..first time ko ito love.
Jomel : ako din naman first time ko, hindi ko din alam.
Andrea : sige love ready na ako!!
.
Kinabig ni Jomel si Andrea palapit sa kanya, at unti-unting bumababa ang mukha ni Jomel sa mukha ni Andrea, hanggang sa magkadikit na ang kanilang labi, sa una ay dampi-dampi lang ang mga halik ni Jomel kay Andrea, hanggang sa dumidiin na ang kanyang mga halik, si Andrea naman ay, dinadama niya lang ang mga halik ni Jomel sa kanya, hanggang sa ginagaya na din niya si Jomel, tinutugon na niya ang mga halik ni Jomel sa kanya.matagal din ang halikang iyon.at ng maghiwalay ang mga labi ay kapwa may mga ngiti sa mga labi, yumakap si Jomel kay Andrea at yumakap din si Andrea kay Jomel..
.
Jomel : mahal na mahal kita Andrea!!
Andrea : mahal na mahal din kita Jomel!!
Jomel : tara. Hatid na kita sa bahay niyo, at nang makapag-pahinga kana maaga pa tayong gigising bukas.
Andrea : sige!
.
Natigil lang ang pagmumuni-muni ni Andrea ng tawagin siya ng mama niya.
.
Flor : Andrea anak, gumising kana at, mag-breakfast na tayo.
Andrea : opo ma, gising napo ako.
.
At bumangon na nga si Andrea para mag-shower.
.
At lumipas ang mga oras, ay handa na ang lahat, marami ng tao sa may venue, naroon na din ang groom sa venue, at naroon na ang pari na magkakasal sa kanila, nandoon na din ang mga videographer, photograper..at ang lahat ng mga kasali sa entourage sa kasal ay kumpleto na, ang bride na lang ang hinihintay, at nagbigay na nga ng hudyat ang mga namamahala ng programa ng seremonya sa kasalang iyon.na umpisahan na at papadating na ang bride, dahil natatanaw na nila ang bridal car, nag-uumpisa ng manlamig ang mga kamay ni Jojo dahil sa nerbiyos at excitement at isa isa na silang nagmartsa papuntang altar.
.
Max : happy?
.
tanong sa anak habang papunta naglalakad papunta sa malapit sa altar na kung saan nila hihintayin si Jera.
.
Jojo : opo papa, sobra, salamat po sa inyo mama papa.
Flor : Anak, masaya din kami para sayo, mahal na mahal ka namin anak.
.
At si Jeralene naman ay tanaw na niya ang mga nag-gagandahang ayos ng venue, napakaganda ng pagkaka-ayos na iyon, at tanaw na niya na ang madaming tao doon, ngunit di niya matanaw ang kanyang minamahal, dahil sa madaming tabing na mga telang puti, at hanggang sa papalapit na ng papalapit ang sasakyan niya doon sa venue, excited na siyang makita si Jojo, at hanggang sa huminto na nga ang sinasakyan niya, nininerbiyos din siya dahil ang daming tao, iniisip niya na baka magkamali siya ng hakbang ay matapilok siya, may nagbukas ng pinto sa sinasakyan niya, at bumaba na siya nanginginig ang tuhod niya na naiiyak siya dahil eto na yong araw na pinakahihintay niya, pero pinakalma niya ang kanyang sarili, pinigil ang mga luha na nais kumawala, at sininyas sa kanya na lumakad na siya, dahan dahan siyang humahakbang sa pulang carpet na nakalatag doon, at dahil talagang nakakanginig daw ng tuhod dahil ang lahat ng tao doon ay nakatingin sa kanya, at nasisilaw sa mga nagkikislapang mga kamera, at naghihintay nga ang mama at papa niya sa kalagitnaan, upang ihatid siya kay Jojo..habang papalapit siya sa mga magulang niya ay nakita niyang tumutulo ang luha ng mama niya..naku mukhang nahahawa na siya sa iyak ng mama niya, pero pinigilan niya uli ang luhang iyon dahil nag-aalala siya na baka masira ang make-up niya, gusto niya pagharap niya kay Jojo ay magandang maganda siya sa paningin ni Jojo..
.
Jera : mama, huwag kang umiyak, mahahawa ako.
Ronald : pag-pasensiyahan mo na ang mama mo, meron siyang nakitang paboritong kainin, kaya lang hindi pwede sa kanya, kaya siya umiiyak.
.
Natawa si Jera sa sinabi ng papa niya, pero alam naman talaga ni Jera na hindi yun ang dahilan, sa pagpapatawa ng papa niya ay nalimutan ang nagbabadyang luha.
.
Cristy : masaya lang ako anak. Wag mo na akong pansinin.
Ronald : pakiramdam ko tuloy isa akong artista dito, daming camera(bulong niya sa anak)
.
Lalong napangiti si Jera sa sinabi ng ama, habang papalapit sila sa may altar ay nagpapatawa ang papa niya kaya nababawasan ang luha ng kagalakan na ibig bumuhos sa mga mata.
.
Samantalang si Jojo naman ay pagkakita pa lang niya kay jera, ay tumatalon talon na ang puso niya, sobrang masaya ang damdamin niya dahil eto na nga din ang araw na kanyang pinakahihintay, napanganga si Jojo ng makita ang minamahal na babae, napakaganda nito sa suot na bridal gown, napakaganda ng maamong mukha, na may simpleng make-up at lalong nagpatingkad sa kagandahan nito sa mga ngiti sa labi, at habang papalapit na sa kanya ay hindi na niya napigil ang luha bumuhos na ito, sa sobrang saya.
.
At si Jeralene ng malapit na siya kay Jojo, ay nakita niya itong umiiyak, hindi na din niya napigil ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya, bumuhos na din ang mga luha...


niya ngunit may mga ngiti sa kanyang labi, nahahawa na din ang mga kapatid ni Jera sa pag-iyak dahil saksi sila sa pangarap ng ate nila, saksi sila sa pagmamahal ng ate nila sa taong nagligtas sa ate nila, at ito nga si Jojo..at hanggang sa nagtagpo na ang dalawang nagmamahalan..nagpasalamat na si Jera sa mga magulang humalik na siya sa mga ito..at hanggang sa iniabot na nga ni Ronald ang mga kamay ng anak na si Jeralene kay Jojo.
.
Ronald : Jojo anak, ipinagkakatiwala ko na ang anak naming si Jeralene sa iyo, pakamahalin mo ang anak namin.
Jojo : opo papa, makaka-asa po kayo!! Salamat papa, mama( at yumakap sa mga magulang ni Jeralene)
Max : Jeralene, anak welcome sa pamilya namin anak!!
Jera : thank you papa, mama!! (at yumakap din sa mga magulang ni Jojo)
.
At hanggang sa humarap na nga sila sa may Altar na kung saan ay naghihintay ang pari na magkakasal, at inumpisahan na ang seremonya, hanggang sa nakapagpalitan na sila ng sumpaan nila na kasabay ng pagsusuot ng singsing. At hanggang sa ideklara na ng pari na sila ay mag-asawa na.. at hanggang sa sinabi na ng pari na maaari na niyang halikan ang kanyang asawa,, kapwa tumatalon ang mga puso sa sobrang tuwa, dahil sila ay mag-asawa na ngayon, walang makakapaghiwalay sa kanila, walang sinuman at hindi nila mapapayagang may humadlang sa kanilang pagmamahalan, at hanggang sa itinataas na niya ang mga belo na nakatabing sa mukha ng kanyang asawa, naghihiyawan ang mga tao na sumaksi sa pag-iisang dibdib nila, kilig na kilig naman ang mga kadalagahan, na nandoon lalo na sina Andrea at Jennifer na magkatabi, at napapatingin naman sila sa gawi ng mga lalaking nilalaman ng puso nila at parehas pa silang dalawa na ini-imagine na sila ang kinakasal doon, kasama ang kani-kanilang mga mahal na lalaki..at ganun din naman sina Jomel at Sherwin na magkatabi, tumitingin din sila sa gawi ng mga babaeng minamahal, at katulad din ng dalawang babae, ini-imagine din nila na sila din ang kinakasal…
.
At si Jojo ay idinikit na niya ang mga labi sa mga labi ng asawa, at yoon ang unang halik nila bilang mag-asawa, at narinig nila na naghihiyawan ang mga tao doon,..
.
Camera man : sir, mam sorry po, di po masyado nakuhanan ng magandang anggulo paki-ulit po ang mga halik.
Jeralene : ganun ba!!
Camera man : opo mam, pasensiya na po talaga!
Jojo : okay lang yun!!
Camera man : ah, sir kung pwede mga 3mins.to 5mins..
Jeralene : Ano!!!
Jojo : asawa ko, sundin na natin para maging maganda sa picture!!
.
At hinapit na nga sa bewang ang asawa at hinalikan niyang muli ng medyo matagal..at halos naghihiyawan ang lahat ng tao na nandoon, tuwang tuwa ang mga tao, nagpapalakpakan pa ang mga ito, at ang kani-kanilang mga magulang ay tuwang tuwa din, matapos ang mga halikang iyon ay nagyakapan ang mga bagong kasal, masayang masaya sina Jojo at Jeralene sa wakas ay mag-asawa na silang dalawa, at si Jeralene ay natupad na nga ang pinapangarap sa buhay, na makasal sa lalakeng minamahal..
…..
Naunang nagising si Jeralene, pagmulat niya ng mata ay mukha agad ni Jojo ang kanyang nakita, maligayang maligaya ang kanyang damdamin, dahil lagi lagi na niyang magigisnan tuwing umaga ang kanyang mahal na asawa, at napapangiti si Jeralene dahil inaalala niya ang mga sandali nila ni Jojo na pinagsaluhan sa unang gabi ng kanilang pulot gata!, Dahil sa isiping iyon ay kinikilig si Jera ng muli niyang maramdaman ang init ng kanilang pagmamahalan ni Jojo, tanging ang mga binabanggit ng kanilang mga puso habang magkaniig sila ay ang mahal nila ang isat isa, at hanggang sa unti-unti ng nagmumulat ang mga mata ni Jojo..
.
Jojo : oh gising ka na pala mahal!! Bakit ka ba nakatitig sakin sige ka matutunaw ako niyan, pinagnanasaan mo na naman ako ano? Sige na nga pag-bibigyan na kita!!(bulong niya sa asawa niya)
Jera : hoy! Asawa ko, for your information po, maliwanag na po umaga na.(bulong niya din sa asawa)
.
Nagbubulungan sila dahil baka marinig ang pinag-uusapan nilang mag-asawa, dahil nasa bahay sila nila Mang berto at Aleng Sally, napagpasyahan nilang mag-asawa na pumunta doon dahil gusto nila ang lugar na iyon, dahil doon naganap ang unang patunay na silay nagmamahalan, doon unang nalasap ni Jojo ang pag-ibig ng asawa, at gusto nila ay doon din nila muling lasapin ang matamis na pag-ibig nila sa isat isa..at nangako din kasi sila sa mag-anak na sila ay babalik doon..tuwang tuwa ang mag-anak ng makarating uli sila doon.
At napagpasyahan ni Jojo na bumili doon ng property, at doon ay itinatag ang business niyang beach resort, at ginawa niyang tagapamahala doon sina mang berto at aleng sally.
at ang mga anak nila Mang berto at Aling sally na sina rochel at rachel ay nakapag-aral na din at ganun din si Junior sa tulong ng mag asawa.
.
At lumipas ang mga taon ay naging matagumpay ang kanilang business madaming nagpupunta doon na mga turista na nagbabakasyon..
.
Jojo(Jr.) : Mommy, daddy…Nandito na po si Tito Jomel at tita Andrea!! (Sigaw nito)
Jera : okay baby, lalabas na ako sandali lang baby (nasa kwarto)
Jomel ; hello, baby, kamusta ka?
Jr : hello po tito!
Andrea : hello baby, pakis naman ang tita!! (Humalik sa pisngi)
Jr : tito, tita may pasalubong po ba ako?
Jomel : syempre naman binilan ka namin ng toys ni Tita Andrea mo.
Andrea : oo baby, madami kami pasalubong sayo.
Jojo : oh, dumating na pala kayo..musta ang Canada?
Andrea : hi kuya, okay lang kuya(bumeso sa kuya)
Jomel : kamusta kuya?
Jojo : eto, medyo busy sa negosyo!!
Jera : Andrea, Jomel, mabuti at dumating na kayo, matagal na kayong inaabangan ni Jr.
Jomel ; nagpunta pa kami ng Zambales kila papa at mama..
Andrea : wow ate, laki ng tiyan mo, dapat baby girl naman sana yan..
Jera : oo baby girl nga!!
Andrea : ay, ang saya naman may baby boy na, at may baby girl na din.
Jera : kumusta naman ang buhay may asawa?
Jomel : syempre ate masaya at masarap ang buhay may asawa, dahil may nag-aasikaso sakin, at syempre ate ganun din ako sa kanya, inaasikaso ko din siya.
Jojo : wala pa bang baby?
Andrea : wala pa nga kuya eh.
Jomel : okay lang yan love, 1 year palang naman tayong nakakasal.
Jera : oo nga naman Andrea, huwag kang mainip, dadating din ang baby niyo!
Andrea : sana hanggat wala pa kaming baby, samin muna si Jr.(sabay yakap kay Jr)
Jomel : kuya mukhang patok sa mga turista ang beach resort mo na ito ah !
Jojo : oo sa Awa ng Diyos, lahat ng negosyo namin ng ate mo, ay matatagumpay.
Jera : siya nga pala sabay sabay na tayong umuwi ng Zambales para sa kasal nila Jennifer at Sherwin, dito muna kayo.
Jomel : syempre naman ate, dito namin idadaos ang second honey moon namin ng asawa ko!!
Jr : tito ano po ba yong honeymoon?
Jojo : patay ka, bahala kang magpaliwanag diyan!!(nakatawa niyang sabi)
Andrea : ikaw kasi kung ano ano yong sinasabi mo.
Jomel : H-ha, e-eh kuwan yun baby, ano yun, yong kuwan..(napapakamot sa ulo)
.
Nagtatawanan silang apat, di alam ni Jomel kung paanong ipapaliwanag sa bata kung ano ang ibig sabihin ng honeymoon. At nagsiuwian na nga silang lahat sa Zambales para dumalo sa kasal nila Jennifer at Sherwin sa wakas ay dumating din ang araw na para sa pag-iisang dibdib nila Sherwin at Jennifer, at nang matapos na ang selebrasyon ng Okasyon ng kasal ni Jen at sherwin ay biglang humilab na ang tiyan ni Jera manganganak na siya sa pangalawang anak nila ni Jojo, at hindi din nagtagal ay humilab din ang tiyan ng kanyang matalik na kaibigang si Mae, manganganak na din ito, sa pangalawang anak din.
.
Natataranta ang lahat lalo na si Jojo, pangalawang anak na nila yun, pero hindi pa siya nasanay, nagmamadaling sumakay sa kotse si Jojo para sana idala ang asawa sa ospital, ngunit umalis naman siya na hindi niya kasama ang asawa sa kotse, ..kaya agad ulit siyang bumalik dahil natauhan siya na wala pa pala ang asawa sa kotse..
.
Ang lahat ay nagtatawanan dahil sa pagkataranta ni Jojo. Kahit si Jeralene ay natatawa sa asawa, at kahit si jojo ay natatawa siya sa sarili niya, ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nagsisuguran din ng ospital, pati ang bagong kasal na sina Sherwin at Jennifer, At hanggang sa nagsilang nga si Jeralene ng anak na Babae…umaapaw ang kaligayahan nila Jojo at Jeralene dahil nadagdagan na ang mga anak nila na bunga ng kanilang pagmamahalan.
.
Max : Balae, dalawa na ang apo natin.
Ronald : oo nga balae, at sana madagdagan na pa ang apo natin.
Flor : ay huwag kayong mainip malay nio naman magbuntis na si Andrea.
Cristy : Sana nga balae..
Jomel : Mga mama mga papa, may Good news po kami ni Andrea sa inyo.
.
Napatingin lahat sa kanila ang miyembro ng pamilya, at sabay sabay na nagtanong.
.
Andrea : Buntis na po ako!
.
Sa sinabi ni Andrea ay tuwang tuwa naman ang lahat, lalo na ang mga magbabalae, labis silang naglalasalamat sa Poong may Kapal..
.
Jojo : Sherwin, galingan mo ha, huwag kang hihina hina diyan.
.
Nagtawanan ang lahat.
.
Jomel : Sherwin tol, tama si Kuya Jojo, kailangang lumaki agad ang bilang ng pamilya natin.
Sherwin : Sige, maiwan na namin kayo diyan..Babe tara na bilis, magmadali daw tayo..(gawa na tayo ng baby—-bulong niya)
.
Pinamulahan ng mukha si Jennifer, at pansin iyon ng lahat, kaya inulan sila ng tukso, kaya ang lahat ay nag-tatawanan sa reaksiyon ni Jennifer, dahil aminado siya na kinilig siya sa isiping, maipapadama na nila ni Sherwin ang pagmamahalan nila sa isat isa.. ang lahat ng miyembro ng pamilya ay may mga ngiti sa mga labi, lalong lalo na sina Jojo at Jera, dahil sa labis nilang kaligayahan, at Labis silang nagpapasalamat sa Panginoon dahil lahat ng pagpapala ay kanilang tinatamasa.
.
💙END💙
.
At diyan po nagwawakas ang aking kwento, sana po ay nagustuhan ninyo, at sana po ay napasaya ko kayo ng aking simpleng obra, muli po akoy nagpapasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa aking mga kwento, salamat po sa mga naglalike, comment at nagsi-share, labis po akong nagagalak sa mga magagandang komento ninyo, na nagbibigay inspirasyon po sakin..muli po maraming salamat, mahal ko po kayong mga readers ko na walang sawang sumuporta sakin.
Keep safe po sa lahat, at Pagpalain po tayo ng Panginoon Diyos..
❤️❤️❤️❤️❤️❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top