Pabalik na ako sa kotse ko nang napahinto din agad sa gitna ng malaking gate. Tila tinangay ang hininga ko at sumama sa ihip ng hangin. Wala akong ibang marinig kundi malakas na tambol ng puso ko. Kasabay ng pagsikat ng araw ay dahan-dahan akong humakbang sa gawi niya.
“Hi.” he whispered beneath the sunlight. Natamaan ng sinag ng araw ang pantay at maputi niyang ngipin nang ngumiti siya.
“H-hello.” ganti ko.
“S-sino’ng hinihintay mo?” tanong ko kahit alam ko kung sino talaga base sa sinabi ni Keith kanina.
“Ikaw,” seryosong sabi niya. “Kung saan mo ako iniwan noon, Candace. Nandito pa rin ako, at naghihintay sa’yong balikan mo.”
Parang may sumundot na naman sa mga mata ko at awtomatik na nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha.
Unti-unti akong lumapit sa kanya.
“N-nandito na ako…” garalgal ang boses kong saad.
I was caught off guard nang inilang hakbang niya ang distansya naming dalawa. Marahan niyang pinulupot ang braso niya sa baywang ko at ang isang kamay niya’y nasa likod ng ulo ko. Mahigpit na mahigpit niya akong niyakap.
Nasa dibdib niya ang mukha ko na animo’y ayaw na akong pakawalan pa. Ilang beses niyang pinatakan ng halik ang tuktok ng ulo ko, at paulit-ulit niyang binigkas ang mga katagang.
“I love you, Candace…. Damn, I love you so much.”
Sa kabila nang pag-iyak ay napangiti ako.
“I love you too, Travis. M-mahal pa rin kita hanggang ngayon.”
Then, he kissed me in my head. Again, again and again.
Kumalas siya nang yakap para damhin ang ibabang labi ko ng kanyang hinlalaki. Bawat hagod niya sa labi ko ay doon napako ang tingin niya.
“I want to kiss you.” he said huskily.
“Kiss me, Travis.”
It was so gentle at first. Maingat ang hagod ng kanyang labi sa labi ko. Ngunit kalaunan, bawat pagsangga ng mga labi namin at espadahan ng mga dila ay naging marahas at mapaghanap.
Unti-unting sumisiklab ang apoy sa bawat hagod ng mga labi namin.
Yumapos ang magkabilang braso ko sa leeg niya at hinila sa akin para lumalim ang halikan. Dumaing siya dahil sa ginawa ko.
Tila hinahabol ako ng aking hininga nang bitiwan niya ang labi ko. He rested his forehead on mine.
“I’m sorry. I’m out of control.” mahina niyang sabi ilang sandali.
“Yeah. Halatang miss mo talaga ako.”
He chuckled.
Marahan ko siyang tinulak nang may maalala. Nawala sa isip kong tanungin muna siya dahil lang sa halik at yakap niya. Napapahalataan na miss ko din siya.
“You heard us?”
“Not all. Abot ang tinig niyo hanggang dito sa kinatatayuan ko. That wasn’t eavesdropping dahil sadyang naririnig ko kayo,”
“Hindi ka galit?”
“I am. Pero kung uunahin ko ang galit ko, wala ka ngayon sa mga bisig ko. Sobrang mahal kita para tunawin ang galit ko.”
“Nagawa lang ni Keith ‘yon dahil akala niyang magagawa mo rin sa akin ang ginawa ng Papa niyo,”
“At hindi ko gagawin sa’yo ang ginawa ng Papa ko no’n.”
“I’m sorry,” saad ko. “Sorry-”
“Hush,” putol niya sa sasabihin ko sana.
“Let’s not talk about that now, Candace. Sapat na sa aking malaman na mahal mo pa rin ako.”
Sinagot ko ‘yon ng isang matamis na ngiti. Nagtatalon ang puso ko sa tuwa. Animo’y nagkaroon ng pakpak ang damdamin ko at nasa rurok ang kaligayahang nararamdaman.
Tumawa siya nang dambahin ko siya ng mahigpit na yakap.
“Masaya ako dahil nasa bisig na ulit kita.” saka niya ako hinalikan sa noo.
I really miss him, you know.
Iniisip ko na parte lang ito ng pagsubok sa pag-iibigan namin ni Travis. Akala ko noon, nang matapos akong magpasyang hiwalayan siya ay makakalimutan ko din agad siya at gano’n din siya sa akin.
Ang nasa isip ko noon ay madali lang para sa’min kalimutan ang isa’t-isa ngunit nagkamali ako.
I’m wrong… so wrong. Mahirap pala kwestyunin ang pag-iibigan ng dalawang tao kung ang pag-ibig na ‘yon ay totoo at tapat.
“Ayoko ko nang ulitin!” nahihiyang saad ko.
I hide my blushing face on his chest. Subalit hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para iangat ang mukha ko.
“I want you to say it again, Candace.” May naglalarong ngisi sa kanyang labi.
“Hindi ka ba nagsasawa? I said many times, eh.”
“Nah. Kahit mga salitang ‘yan ang bukambibig mo. I will not turn my back on you. I will hold you tight instead… at tutugunin kita.”
“Totoo?” taas kilay at tunog nanghahamon ang aking tinig.
Nagkibit-balikat siya. “Bakit hindi mo subukan?” amuse niyang sabi.
Nagpa-agos ako sa daloy ng usapan namin kahit mukhang naiisahan niya ako.
“I love you. I love you. I love you. Mahal kita. Mahal na mahal kita ,Trav…”
It may sound cheesy but who cares! I’m inlove, eh!
Then, I continued while staring at his face….
Pinagkrus ko ang braso ko sa tapat ng aking dibdib.
“You were not true to your words, Travis,” pinasingkit ko pa lalo ang mata ko sa kanya.
“Where’s my hugs with your sweet words?”
Sa seryosong mukha at seryosong tinig. “Nakalimutan kong sabihin ang gagawin ko muna bago marinig mga ‘yan, Candace.”
“What?”
“This.” At walang sabi-sabing hinila ako sa batok. Bumaba ang kanyang labi sa labi ko.
Paglapat ay tila may kuryenteng dumaloy sa pagitan ng mga labi namin. Mas mapusok at mainit nga lang ngayon kaysa kaninang umaga sa labas ng school.
But he cut the kissed immediately. After that, pinatakan niya ang noo ko ng isang halik at niyakap ng mahigpit.
“I love you, too, Candace. I’m so in love with you. Marami pang araw ang bibilangin, at hindi magbabago ang nararamdaman ko sa’yo. Mas lalo lang kitang mamahalin. Tandaan mo ‘yan.”
I smiled.
Nandito kami sa burol ngunit wala sa ganda nito ang buong atensyon ko. Gaya no’ng unang isinama niya ako dito, nasa kanya lang ang buong atensyon ko.
“Hindi ka ba magtatanong-” agad niya akong pinutol sa pagsasalita na para bang may ideya na...