PUSONG SINUNGALING PART 2


– Sa panulat ni Rocel P. Cheche
KABANATA 6 ( Ang Pagtatagpo ng
Mag-Amang Rolly at Rollyson).
” Ma, Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinihintay.” Tanong ni Rollyson sa kanyang Ina.
” Anak, may inayos lang ako na problema pero ok na ko.” tugon naman ni Rea.
” Ma, Anong problema? Bakit di mo sinabi sa akin na may problema ka pala?.”
” Huwag ka mag- alala, ok lang ako, huwag mo na isipin yun.”wika uli ni Rea.
” Ma, alam mo ba si Dad, maaga siyang umuwi kasi medyo masama raw pakiramdam niya, tapos kanina may mga ka-meeting rin siya, hinatid ko siya pauwi kasi nag-aalala ko kay Dad… andun siya sa kwarto niya nagpapahinga .” kuwento ni Rollyson sa kanyang Ina.
Pinuntahan ni Rea si Edward sa kuwarto at agad niya itong niyakap.
” Anong nangyari sayo? Masama ba pakiramdam mo?.” Tanong ng nakayakap na si Rea sa kanyang Asawang si Edward.
” Oo medyo masama, para akong nahihilo kanina, tapos tatlong tao ang naka-meeting ko, buti na lang hinatid ako ni Rollyson pauwi.” paliwanag ni Edward.
” Nakainom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba? Ano nararamdaman mo ngayon?.” Sunod sunod na tanong ng nag-aalalang si Rea.
” Ok na ko, kailangan ko lang ng koonting pahinga, inasikaso naman ako kanina ni Rollyson.”
wika naman ni Edward.
“Ganoon ba? Ok pahinga ka lang diyan, sorry kung ngayon lang ako nakauwi, medyo natagalan ako, may nangyari lang kasi kanina dun sa Company nung taong kakatagpuin mo sana, medyo mahabang kuwento kung ikukwento ko pa sa iyo, huwag mo na isipin yun, buti na lang ako na yun inutusan mo na katagpuin siya, baka kasi kung ikaw pa, baka kung ano pa mangyari sa iyo gayong masama na pala pakiramdam mo, ok na nakausap ko na si Mr. “R”, mag-iinvest na tayo sa Company nila.” paliwanag ni Rea.
“Nagkita na kayo at nakausap mo na siya, nakilala mo na rin si Mr. ‘R’?.” Paninigurong tanong ni Edward.
” Oo nakita ko na siya, siya pala si Mr. ‘R’ medyo kahawig nga niya si Rolly, .” wika ni Rea.
” Ah…kahawig niya si Rolly? hindi kaya si Rolly talaga yun?.” Panghuhuli ni Edward kay Rea.
” Hindi…, hindi si Rolly yun, kamukha lang niya yun, saka bakit pinag- uusapan natin si Rolly, ang gawin mo magpahinga ka diyan para bumalik ang sigla mo para gumaling kana.” pagtangging wika ni Rea na sabay hawak at haplos sa mukha ni Edward.
Alam ni Edward at ramdam niya ang saya sa puso ni Rea habang ikinukuwento nito sa kanya ang animo’y kamukha kuno ni Rolly, masaya siya para kay Rea.
Mga ilang oras pa ay natulog na si Edward samantalang si Rea bago siya matulog ay sinilip niya sa isa pang kuwarto ang natutulog niyang anak na si Rollyson.
” Paano kung malaman mo na hindi mo tunay na Ama si Edward?.” Malungkot na mukha at bulong ni Rea sa sarili niya habang nakamasid sa anak.
KINABUKASAN…
Sa di inaasahang pangyayari nag-krus ang landas nila Rolly at Rollyson, sa daan nasiraan si Rolly ng sasakyan, ayaw umandar ng makina nito, nagkataon napadaan si Rollyson sakay ng kanyang sasakyan nakita niya si Rolly na inaayos ang sasakyan nito.
Lumapit si Rollyson...


kay Rolly at tinulungan niya ito.
” Sir, baka naman po masyadong napagod ang sasakyan nyo, kailangan pahinga pahinga rin minsan.” wika ng nagbibirong si Rollyson kay Rolly.
” Oo nga, matagal ko na rin kasing pinakinabangan ang kotseng yan, pinapapalitan ko lang ng iba ibang piyesa… baka nga napagod na siya.” wika naman ni Rolly.
Maya maya pa ay naalala ni Rollyson ang isang taong nakita niya noon sa isang restaurant na kamukha ng taong kaharap niya ngayon.
” Alam mo Sir, parang nakita na kita sa isang restaurant, tapos may hinihintay ka na ka-date- na magandang babae.” wika ni Rollyson.
” Oo tama ka nga, kumain kami sa isang restaurant, hinintay ko doon si Rosana.” banggit naman ni Rolly.
” Rosana ba ang kanyang pangalan? Ah…wait lang nakita ko rin ang babaeng tinutukoy mo, sa Mall ko siya nakita tapos natatandaan ko na parang inaway niya ang Mommy ko… pero sabi ni Mommy huwag ko na lang daw pansinin yun babaeng yun, ibig sabihin girlfriend mo ba siya o asawa?.” wika at tanong ni Rollyson.
” Nagkaroon kami ng relasyon ni Rosana pero tinapos ko na rin ang anumang namamagitan sa amin dalawa kasi nag-iisa lang ang laman ng puso ko.” wika ni Rolly.
” Wow, Astig yun Sir, parang ang suwerte naman ng babaeng minamahal mo? Nasaan na siya ngayon? Nakikita mo pa ba siya hanggang ngayon?.” mga tanong ni Rollyson kay Rolly.
Hindi sinagot ni Rolly ang tanong ni Rollyson na kung sino ang babaeng minamahal niya bagkus ay tinanong niya ang binata kung anong pangalan nito.
” By the way, ano palang Name mo? kanina pa tayo nag- uusap pero di pa natin kilala ang isa’t isa.”
” Rollyson, ang name ko, ikaw Sir? Ano name mo?.” pabalik na tanong ni Rollyson.
” Matatawa ka sa sasabihin kong pangalan, Rolly ang pangalan ko.” wika naman ni Rolly.
” Hahaha… Oo nga, nakakatawa, hindi ka ba nagbibiro Sir? Totoo ba?.” malakas na tawa at tanong ni Rollyson.
” Totoo yun.” wika ng natatawa rin na si Rolly.
” Sir. Rolly, itagilid mo nga ang mukha mo, tapos humarap ka uli sa akin.” wika ni Rollyson na pinagmasdang mabuti ang mukha ni Rolly.
Natatawa si Rolly dahil alam na niya ang ibig sabihin ng pagtagilid niya at pagharap tila ipinapahiwatig ni Rollyson sa kanya na parang magkamukha silang dalawa.
” Sir.Rolly wala ka bang napapansin.?.” tanong ni Rollyson.
” Napapansin ko na magka-mukha tayo.”
wika ng nakangiting si Rolly.
” Tingnan mo Sir. Magkaparehas tayo ng pangalan tapos magka-mukha pa tayo, siguro kung hindi ko Daddy si Daddy Edward, iisipin ko na ikaw ang Daddy ko.”wika ng natatawa parin na si Rollyson.
” Edward ang pangalan ng Daddy mo?.” tanong at bulong ni Rolly sa sarili niya habang nakatingin siya kay Rollyson.
Sandaling natigilan si Rolly at pinagduktong duktong niya ang mga sinabi sa kanya ni Rollyson at ramdam niya ang lukso ng dugo.
” Rollyson, sige na salamat sa tulong mo, nakakahiya tuloy sa iyo naabala pa kita, nadumihan tuloy ang damit mo, mukhang papasok ka pa sa trabaho mo.” wika ng nagpapasalamat na si Rolly.
” Ok lang yun Sir. Rolly, sige sa muli natin pagkikita.” wika ni Rollyson na sumakay na sa kanyang kotse…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top