Just Friends


Just Friends ”
✍Shortie Wrìtès
I’m Arlie, 16 years old and i have a boybestfriend, named Miko. He and I are very closed eversince, that I start to feel something deep towards him. Sinubukan komg pigilan ang nararamdaman ko, but I failed. Gustong gusto ko sya pero hindi kami pwede. He like me but as a friend at kahit kelan hindi pwedeng maging kami.
“Ar ireto mo naman ako,” He said out of the blue medyo kinabahan naman ako dahil sa salitang iyon.
I want to tell him, ‘ ako ireto ko sarili ko’ but i controlled myself, natatakot ako.
“I have a gbf,” I saw how his eyes shine out of curiousity.
“Sino?” Excited nyang tanong.
“Charice” wala akong ganang sumagot, bakit ba kase sakin pa sya nagtanong. Manhid ba sya?
Napansin ko ang pagkuha nya sa phone nya sabay nag log in sa facebook.
“Saw her, haha”
I eyed him intently, nahanap nya agad?
“Mutual friend ka namin,”
Ahh kaya pala, pursigido syang hanapin ah. Sigh…
Nakatingin lang ako sa kanya while he’s smiling from ear to ear. Sa tingin ko ay mag ka chat agad sila, ang bilis naman.
Kumukirot ang dibdib ko and anytime ay maiiyak na ako.
“Uwi na ako,” ani ko sabay lakad paalis.
Malapit na ako sa may pinto ng bahay nila pero napatigil ako. Im waiting for him to bid a good bye,...


nasanay ako na nag good bye sya sakin at hinahatid ako hanggang sa pinto.
Maybe he’s too busy chatting my gbf. I turned my back at him at agad na umalis.
* Days passed madalang na kaming magkita at magbonding. Malimit na rin syang bumisita sa bahay namin.
Nakaupo ako ngayon sa sala when I hear him shouting outside.
“Ar!”
I saw him smiling, hindi ko gusto ang ngiti nya.
” Kami na! ”
S-sila na?, agad-?
Nablanko ang utak ko, kumirot ang dibdib ko sabay ng paglabo ng aking paningin.
“A-ang bilis naman,”
I hoarsely said, natutuyo ang lalamunan ko.
“Nag meet kami kahapon, and sh*t sobrang ganda nya”
Maganda rin naman ako… sexy at mabait.
“Sige huh, alis na ako, may date kami ngayon”
Hindi na ako nakasagot nang bigla itong naglakad palayo.
“P-pero” pigil ko sa kanya, nalimutan nya bang birthday ko?
“Haha! Don’t worry Ar, hindi ko sya sasaktan dahil seryoso ako sa kanya,”
Hindi nya naalala na birthday ko.
Tuluyan na syang nakaalis ng bahay namin.
“Seryoso rin naman yung nararamdaman ko sayo Miko”
“Hindi rin naman kita sasaktan”
Tanging bulong ko na lang sa aking sarili kasabay ng biglang pagpatak ng luha ko.
Bakit ba kase ang duwag ko?
Bakit ba hindi ko masabi na mahal ko sya.
Bakit ba kase hanggang mag kaibigan lang kami?
Do not copy, plagiarism is a crime.
—END—-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top