The Choosen ONE Continuation of Chapter Otso


“May dumi ho ba ako sa mukha?nag aalangang tanong nya dito.
Iiling iling naman ito tska pinagpatuloy ang pagliligpit ng tinulugan ng dalaga.
“Hindi na ho ako magtataka kung bakit ganun ganun na lamang ang ikinikilos ni Lord Thriod ngayon.Aba’y napakaganda nyo palang tunay Ma’am.”pamumuri nito sa kanya.
Bigla syang nahiya sa sinabi nito.
“Hindi naman ako maganda”saad ng dalaga sa kaharap.
“Ay naku Ma’am ako na po ang magpapatunay na maganda talaga kayo.Kung tutuusin po nyan mas maganda pa kayo kay Ma’am Argentina.”sagot nito tska hinila ang bedsheet ng kama.Papalitan agad parang bagong lagay lang yan kagabe ah.Ang bango bango pa nga.
“Ganyan talaga dito maam,ayaw po ni Lord Thriod na hindi papalitan kaagad ang ginamit na bagay.”nabasa siguro nito ang nasa isip ko.Daldalera na manghuhula pa.
Pero wait lang…
“S-sino si Argentina?kapal ko ng tanong dito.Naintriga ako eh.
“Ah si Ma’am Argentina ho ba?balik tanong nito sa akin.Tumango ako.Nagpalinga linga pa ito sa paligid bago ako...


sinagot.
“Si Ma’am Argentina ho ay dating girlfriend ni Lord Thriod.Na sana ikakasal na sila pero bigla na lang may kumidnap kay Ma’am kaya hayon walang kasalang naganap.”pagkukuwento nito sa kanya.May girlfriend na pala ang lalakeng iyon.Sa loob loob Ng dalaga.
“Hanggang ngayon ba wala pa ring balita sa Argentina na sinasabe mo? pagtatanong nya pa saglit nag isip ang kaharap.
“Sa pagkakadinig ko ho kagabe sa usapan nila ng detective na hinare ni Lord Thriod wala pa ring balita kay Ma’am Argentina.Bale maglilimang taon na rin simula ng mawala si Ma’am Argentina eh.”
Tanging tango na lamang ang nagagawang reaksiyon ni Nadeline.Kaya pala siguro galit ito ng bumalik sa kwarto yun pala ang dahilan.
“Siguro Mahal na Mahal nya ang Ma’am Argentina nyo?wala sa loob na tanong nya sa kaharap.
“Ay oo naman Maam,Si Ma’am Argentina lang ang apple of the eye ni Sir Thriod noon po ha.Ewan ko lang po ngayon.”may himig panunukso sa tinig nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top